Yumi's POV
MABILIS akong nag-scroll sa newsfeed ng facehook upang malaman kung mayroon nang balita tungkol sa akin. Maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata nang makita ang mga litratong nagkalat sa facehook, ang mga litrato namin ni Akira.
Nang makita kong nakalabas na ng executive village ang sasakyan, agad akong lumingon sa lalaking katabi ko.
"Akira, I need to go home," nagmamadali kong wika. "Please ihatid mo na lang ako around BGC. I cannot go with you this time," sunod-sunod kong paliwanag.
Malamig na tumingin si Akira sa hawak kong phone. Tila naintindihan naman niya ang nais kong sabihin dahil nabasa niya ang aking namumutlang mukha. Alam kong may kasunduan kami pero I have to fix this things.
Matapos niya akong tingnan, bumaling ang kanyang tingin sa harapan ng kotse at nagsimulang magsalita, "no you will stay with me."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.
"But... Hindi mo ba naiintindihan?"
"I know what's happening. Ako na ang bahalang umayos ng gulo na kinasangkutan mo."
"Kinasangkutan ko?" inis kong wika.
Maya-maya lang, kinuha ni Akira ang kanyang cellphone at nag-dial ng numero.
"Hello, Brad? Paki-asikaso na 'yong sinabi ko sa 'yo. Salamat," aniya saka binaba ang tawag.
Kumunot ang aking noo nang ituro ni Akira ang cellphone ko. Agad akong tumingin dito at nanlaki ang aking mga mata nang makitang wala na ang mga litratong tinitingnan ko kanina.
"A-Anong ginawa mo?" walang ideyang tanong ko sa kanya.
Diretso siyang tumingin sa akin saka nagbigay ng mapanglokong ngiti.
"Secret," aniya.
Makalipas ang ilang minutong pagsakay namin sa loob ng kanyang kotse, nakarating na rin kami sa lugar na kanyang pupuntahan.
Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang logo ng superstar entertainment.
Hindi ba ito 'yong kompanya na naghahanap ng mga talent? Anong ginagawa namin dito?
"Akira, don't tell me mag-aapply ka as talent?" seryoso kong tanong kay Akira.
Isang buntonghininga ang kanyang ginawa, saka nagpamaywang.
"I will not," maiksi niyang tugon.
Nanlaki ang aking mga mata nang hawakan niya ang kamay ko, saka niya ako hinila papasok sa loob ng glassdoor.
"I have an appointment with Mr. Park Jae won," sambit ni Akira nang makarating kami sa receptionist.
Tumingin ang babaeng iyon sa monitor na nasa harapan niya, saka muling bumalik ng tingin sa amin.
"This way po, Sir," ani ng babae saka tinuro ang daan patungo sa elevator.
Sabay kaming naglakad ni Akira. Napansin ko rin ang hawak niyang brown envelope na binigay kanina ng mommy Kath niya. Kung hindi ako nagkakamali, ang sinasabi niyang Jae won ay iyong current adviser ng chorale group. Siya rin pala ang may-ari ng superstar entertainment.
Ngunit ang totoo, ang kinababahala ko sa lahat, itong suot kong damit. Hanggang ngayon ay nakapang-jogging pa rin kasi ako. Hindi man lang ako binigyan ng lalaking ito ng oras para makapagpalit ng damit.
Pagdating namin sa opisina ni Sir Jaewon, halos lamunin na ako ng lupa dahil sa hiya na nararamdaman ko.
"Good afternoon, Sir. Jae won," pagbati ni Akira na sinundan ko rin naman.
"Good afternoon," tugon ni Sir Jae won. Bumaling ang tingin niya sa akin, saka kumunot ang noo. "Who's she?" tanong niya.
"She's Yumi, a friend," maiksing tugon ni Akira.
Tumango na lang si Sir Jae won at umupo sa kanyang swivelchair.
"Have a seat, Aki. Is that the documents your father wants to give me?" tanong niya habang nakatingin sa hawak ni Akira.
"Yes, Sir. Here are some documents about his proposal and some music ideas."
Marahang nilapag ni Akira ang envelop sa lamesa. Agad naman itong binasa ni Sir Jae won at tanging tango na lang ang naitugon.
"By the way, my daughter Patty is planning to join Mr. and Ms. Saint Anthony. I was thinking about you as her partner, but I guessed she already chose Ariston," sunod-sunod na wika ni Sir Jae won.
"It's okay, Sir," maiksing tugon naman ni Akira.
"Is there something wrong between the two of you? You were friends back then."
"I guessed people changed, sir. Anyway, we have to go, sir. Thank you for your time," pagpapaalam ni Akira saka tumalikod at lumakad.
Bahagya naman akong yumuko bilang paggalang kay Sir Jae Won, saka ako sumunod kay Akira.
Habang kami ay naglalakad, hindi mawala sa aking isip ang pangalang Patty. Pakiramdam ko ay narinig ko na ang pangalang iyon. Maya-maya lang, naalala ko ang babaeng nakasalubong ko sa hallway. Ang queen bee ng Montecillo University.
"Siya pala si Patty?" wala sa sarili kong nabanggit.
"Why? What's with her?" tanong sa akin ni Akira nang marinig niya ang sinabi ko.
"H-Ha? W-Wala," nauutal kong tugon.
Mabilis akong lumakad patungo sa elevator, saka ako sumakay. Nagmadali naman si Akira dahil plano ko na siyang saraduhan ng pinto.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa 'kin, pero nakaramdam ako ng inis nang mapagtanto ang bagay na iyon.
***
Nanatili kaming tahimik ni Akira. Ilang minuto kaming nasa loob ng sasakyan ngunit walang nagsasalita. Patuloy lang akong nakatutok sa aking cellphone at sinusubukang hanapin ang mga litrato kanina, ngunit tila tuluyan na talaga itong nawala.
"We're here."
Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang magsimula siyang magsalita. Lumingon ako sa paligid at laking gulat ko nang mapagtantong nasa harapan na ako ng bahay namin.
"T-Thank you," nauutal kong wika, saka binuksan ang pinto.
Ngunit nang akmang lalabas na ako, naramdaman ko ang kamay ni Akira sa aking kamay.
"About me and Patty. There is nothing going on between us," aniya na nagpakunot sa noo ko.
"Ha? The hell I care," inis kong tugon.
Tumaas naman ang gilid ng kanyang labi habang marahang binibitiwan ang kamay ko.
"Okay. Sabi mo, eh," saad niya na hindi ko alam kung bakit.
"Ewan ko sa 'yo, weirdo!"
Mabilis akong lumakad palayo sa kanyang sasakyan. Ngunit habang hinahakbang ko ang aking paa, naramdaman ko ang pagluwag ng aking dibdib at wala sa sariling napangiti ang aking labi.
Sa pagpasok ko sa loob ng bahay, bumungad sa akin si daddy na ngayon ay nakahalukipkip.
"Saan ka galing? Gabi na at nakapan-jogging ka pa rin?" tanong niya.
Mababa ang tono ng kanyang salita, ngunit alam kong galit ito.
"S-Sorry, dad. May nakasalubong kasi akong kakilala at napasarap 'yung kuwentuhan namin," nakayuko kong tugon habang nilalaro ang daliri.
"This is the first time na hindi ka nagpaalam sa 'min ng mommy mo, Yumi. Sa susunod na gawin mo ito, hindi ka na magdo-dorm sa Montecillo," galit na wika ni daddy, saka siya tumalikod at lumakad palayo.
Mabilis ang t***k ng aking puso. Ngayon ko lang naranasan na bulyawan nang ganito. Ngunit kahit may takot, tila may kaunting tuwa ang nararamdaman ko.
For the first time, nagawa kong lumaya sa higpit ng kanilang kadena.
***
Matapos akong maglinis ng katawan, agad na akong nagtungo sa higaan at sandaling tiningnan ang cellphone. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Adrian, may mensahe pala siya sa 'kin.
Let's have a talk tomorrow, please.
Bumuntonghininga ako at marahang sinandal ang likod sa headboard ng kama. Makalipas ang ilang minutong nakatitig sa kisame, nakapag-isip isip na rin ako.
Yes, let's talk, maiksi kong tugon sa mensahe niya.
Tama. Sa pagkakataong ito, dapat ay putulin ko na ang kahibangan ko. Alam kong mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Adrian. Ngunit kung walang kasiguraduhan ang pagmamahal na ito, ayoko na. Dapat lang ay itigil na namin ito.