Chapter 9

2303 Words
Yumi's POV MAAGA akong nag-ayos at lumabas ng kuwarto. Agad akong nagpahatid sa driver patungo sa Montecillo upang kahit paano, makapagpahinga nang kaunti sa dorm. Sa mga oras na ito, hindi na ako maaaring mawala sa focus dahil malapit na rin ang midterm exam. Kailangan kong tanggalin ang mga bagay na nagpapagulo sa aking isip. Habang inaayos ang susuotin kong uniporme, napalingon ako sa pinto nang makarinig ng sunod-sunod na katok. "Who's there?" tanong ko habang kunot ang noo. "It's me, Yumi. Pwedeng pumasok?" rinig kong wika ni Shane sa kabilang pinto. Sandali kong binitiwan ang hawak kong damit, saka ako lumakad patungo sa pinto upang buksan ito. "Ang aga mo, girl. Tumawag ako kanila tita kanina, ang sabi nila maaga ka raw umalis, eh," sunod-sunod na wika ni Shane habang lumalakad papasok sa aking kuwarto. "So ayon, dumiretso na lang ako rito," dagdag pa niya saka umupo sa sofa. "Oo. Gusto ko kasi makapag-ayos muna. Also, I need to review para sa darating na exam." "Ah... oo nga pala, exam week na. Okay lang 'yan. Ikaw pa! Lagi ka namang magaling." Kumunot ang aking noo at lumingon sa kanya. "What?" "I mean, magaling ka naman kasi talaga sa lahat ng bagay, hindi ba? Kaya I know na kayang-kaya mo 'yan," aniya saka ngumiti sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako. Akala ko kasi ay iba ang dinig ko. Matapos ang aking ginagawa, sabay kaming lumabas ni Shane sa loob ng aking kuwarto. Nagtungo kami sa cafe. Habang iniinom ko ang paborito kong latte, naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Agad ko itong tiningnan at kumunot ang aking noo nang makita ko ang pangalan ni Adrian. Can we meet after class? naka saad sa mensahe. Mariin akong napalunok. Alam ko namang may usapan na kami pero parang gusto kong umatras. "Hoy! Yumi. Tulala ka na naman," pagputol ni Shane sa bagay na aking iniisip. Mabilis kong tinago ang cellphone sa bulsa, ngumiti na lang ako kay Shane saka muling humigop sa hawak kong inumin. "S-Sorry. Ano nga 'yung pinag-uusapan natin?" muli kong tanong. "So ayon na nga, malapit na ang exam week at kinakabahan na naman ako. Alam mo namang hindi ako magaling sa academics." "Ano ka ba, Shane. Kaya mo 'yan. Nakapasok ka nga sa university na ito." "But thanks to you at nakapasok ako," aniya. "Buti na lang din talaga all out support itong boyfriend ko." Tumaas ang aking kilay nang marinig ang bagay na iyon. Ewan ko ba, hindi pa rin ako sanay na pinagmamalaki niya ang mga bagay na ginagawa ni Adrian para sa kanya. "After midterm exam, university meet na natin. May sinalihan ka na bang sports?" "Chess. Interesado ako ngayon sa chess game," tugon ko. "Ang sakit sa ulo naman ng laro mo," aniya. "Sino ngang kalaban natin?" "Marami, isa na ang Richmond University," maikli kong tugon. "Oh... sounds rich," natatawang wika naman ni Shane. Matapos ang almusal, agad na rin kaming dumiretso sa kanya-kanya naming klase. I need to focus dahil hindi biro ang exam sa unibersidad na ito. Habang nakaupo at tahimik na nakikinig sa klase, bigla na lang akong napasulyap sa bakanteng upuan ni Akira sa tabi ng bintana. Wala siya ngayon dahil hindi naman ito ang subject na kinukuha niya. Akira is irregular student at sa music subject ko lang siya classmate. I think he's on his third-year na, I don't know. Agad kong iniling ang aking ulo at inalis sa isip ang lalaking iyon. Bakit ba kasi lagi siyang sumisingit sa isip ko? *** Natapos ang nakakapagod na araw, agad akong nagtungo sa labas ng university. Sa may malapit na restaurant kasi kami magkikita ni Adrian. Suot ko ang simpleng pink dress at naka-ponytail ang buhok. Nagsuot din ako ng face mask upang walang makakilala sa akin. Sa pagdating ko roon, nakita kong kumakaway si Adrian sa akin. Sandali akong tumingin sa paligid at nakitang wala namang tao sa restaurant. This place is expensive at hindi ito afford ng mga ordinaryong tao. "Kanina ka pa ba? Sorry, late ako," paunang wika ko sa kanya. "It's okay, kadarating ko lang din naman," aniya. Sa pagkakataong ito, ngayon lang ako nakaramdam ng matinding pagkahiya. Madalas naman akong hindi nahihiya sa kanya. He's my comfort zone but this time, parang may nagbago. "Kumain muna tay–" "Adrian, I'm sorry," pagputol ko sa kanyang sasabihin. "I am not here to have a dinner with you." Mariin akong lumunok at diretsong tumingin sa kanyang mga mata. Sinusubukan kong tibayan ang loob dahil kapag naunahan ako ng takot, siguradong hindi ko na ito masasabi. "Y-Yumi?" "Let's break up, Adrian." Nanlaki ang kanyang mga mata. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong nasaktan ko siya at nasasaktan din ako. "I'm sorry pero ayoko na, Adrian. I know from the start that this is not right pero tinuloy ko pa rin. But for now, let's end this," sunod-sunod kong wika. Hinawakan ni Adrian ang kamay ko. Pakiramdam ko ay matutunaw ang aking puso nang gawin niya 'yon. "N-No, Yumi. Hindi pwede 'yun. I-Isa pa, nakapag-decide na akong makipaghiwalay bukas kay Shane. Ayokong masayang ang desisyon kong iyon. "Adrian, Shane needs you right now. Please 'wag mo siyang iiwan," saad ko saka marahang binawi ang aking kamay. Tumayo ako at inayos ang sarili. Pinahiran ko ang kaunting luha na tumakas sa aking mata. "Until next time, Adrian. I'm sorry." Mabilis akong tumalikod sa kanya. Kahit ilang beses niya akong tinawag, hindi ako lumingon. Natatakot ako na sa paglingon ko, baka muli akong bumalik sa bisig niya. Sa paglabas ko ng restaurant, hindi nagmadali akong lumakad patungo sa gate ng university. Pero tila mapaglaro ang tadhana, nagsimulang bumuhos ang ulan kasabay ng luha sa mata ko. Hinakbang ko pa rin ang paa ko kahit basang-basa ang aking damit. Wala na akong ideya kung saan ako patungo, ngunit maya-maya lang, nakapagtataka na hindi na ako nababasa ng ulan. Naririnig ko pa rin ang patak nito sa paligid ngunit hindi ko nararamdaman ang lamig ng tubig. "Ayos ka lang? Baka magkasakit ka." Kumunot ang noo ko nang marinig ang tinig na iyon. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at tumama ang tingin ko sa mga mata ni Akira. "A-Akira, ikaw pala." "What happened?" aniya. Nang marinig ko ang salitang iyon, bumigay ang aking balikat at tuluyang bumuhos ang aking luha. Napakasakit pala ng ganitong pakiramdam. Hinakbang ko ang aking paa palapit kay Akira, saka sinandal ang noo sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang gulat niya pero wala na akong pakialam. "Wala na kami," mahina kong wika. Hindi siya tumugon, ngunit naramdaman ko ang mainit niyang palad sa likod ng aking ulo. "Sige. Umiyak ka lang." "Salamat." Nanatili kami nang ganoon. Dahil malakas ang ulan, wala na ring estudyante ang nakakita sa amin. Unti-unting gumaan ang loob ko dahil sa init ng kamay niya. Of all people, hindi ako makapaniwalang sa kanya ako hihingi ng comfort. *** Ilang araw ang lumipas, natapos na ang mid-term exam. Kahit masakit ang puso ko, hindi ako nagpaapekto rito. Hindi naman ito nakaabala sa mga sagot ko, bagkus, mas nakapag-focus pa ako nang maayos. Matapos ang klase, nagdesisyon akong pumunta sa clinic upang humingi ng band-aid. Nakakaramdam na naman kasi ako ng kirot sa kamay ko. "Ayan. It's just a simple pain reliever. Hanggang ngayon ba ay sumasakit pa rin 'yan?" tanong ni Dr. Arthwil sa akin. "Opo, doc Madalas siyang sumakit kapag tumutugtog ako. Iniisip ko po kasi 'yung competition na sasalihan ko, baka doon pa ito sumakit." "Hmm... pero wala naman akong nakitang swollen muscles or fractured bones." "Anyway, thank you po, doc." Hindi na ako nagtagal pa sa clinic, nagtungo na rin ako sa sakayan ng buss upang magtungo sa Music and Arts building. "Oh! Ms. Yumi Ortega, how are you?" "Hello po, Mrs. Jang. I'm fine po," pagbati ko sa Dean ng Music and Arts na si Mrs. Jang. "By the way, I was thinking if you want to represent our school sa national piano competition this year?" diretsong tanong niya sa akin, habang nagpapaypay ng abanikong may kumikinang na palamuti. Isang matamis na ngiti ang aking binigay, saka tumugon, "It is my pleasure to be a representative, ma'am. Pero I'll check my schedule po muna since I have a lot of competition on my list. Pasensya na po talaga." "Ganoon ba?" bumuntonghininga si Mrs. Jang na animoy dismayado sa sinabi ko. "Kinausap ko kasi 'yong Third year student na si Mr. Thiago Villaruz but he declined. Anyway, I hope he changed his mind. Sige na, hija. Mauna na ako," sunod-sunod na wika ng Mrs. Jang. "S-Sige po, ma'am," paalam ko saka ngumiti. "Thiago Villarus? Sounds familiar ang pangalan niya. Parang anak ba siya ng sikat na pianist?" Umiling na lang ako dahil ayoko na ring sumakit pa ang ulo ko sa kaiisip. And also, I need to prepare sa university meet. *** It was the third-week of October, diretso akong nakatingin sa queen white chessman na nasa aking harapan. Halata naman sa kalaban ko na kinakabahan siya. Maya-maya lang, ginalaw niya ang chess piece King at tumaas ang aking labi. I moved my queen and announced my win. "Check-mate." "Woah!" hiyawan ng mga tao sa paligid. Ito na ang huli kong kalaban at ang win ay sa Montecillo University. Hindi man lang ako pinagpawisan sa mga nangyari. "Ang galing niya talaga. She was indeed perfect," rinig kong wika ng mga tao. Napayuko na lang ako. Sa totoo lang, ayoko ring naririnig ang salitang perpekto, naririndi na ako. "Congratulations, Yumi! The best ka talaga," pagbati sa 'kin ni Shane. "Salamat. Ikaw, kumusta ang tennis team?" tanong ko sa kanya. "All goods! Panalo rin kami," masaya niyang anunsyo. "Anyway, nandito ako para sunduin ka. Punta tayo sa game ni Adrian. He's part of the soccer team," aniya. "P-Pero–" I was about to refuse nang hilahin niya ang kamay ko. Bago kami magtungo sa soccer field, nagdesisyon kami ni Shane na dumaan sa cafeteria upang bumili ng maiinom. Sakto lang dahil nauhaw na rin ako. "Hi, available ba ang mango?" tanong ni Shane sa babae sa counter. "Yes, ma'am," tugon naman nito. Agad na nag-tap ng ID si Shane matapos siyang bumili. Then, it was my turn. "One lemon juice, please," saad ko habang hinahanap ang ID sa bag ko. "I'm sorry, ma'am. Hindi na po available ang lemon juice," aniya. Napatigil ako sa paghahanap at napatingin na lang sa kanilang menu. But then, wala akong matipuhan. Hindi ko napansin na ilang minuto na pala ang nakalipas at medyo naiinip na rin ang mga tao sa likod ko. "Yumi, ano na girl?" saad ni Shane na animoy nagmamadali. "W-Wait lang kasi." "If you are having a hard time choosing, try Densuke Watermelon." Napatingin ako sa tabi ko nang marinig ang isang tinig ng babae. "H-Ha?" kunot-noo kong tanong. Tiningnan ko ang kanyang ID at nakita ko ang pangalang Maxine Sevilla. She is pretty: tall, slim waist, long black-hair, and fair complexion. I was thinking kung isa ba sa qualification ng university na ito ang maging maganda. Bumuntonghininga ako at ngumiti nang matamis sa kanya. "Thank you for the suggestion. Sige, I will try that," tugon ko sa kanya. Ngumiti siya pabalik sa akin. Maging ang pagngiti niya ay napakahinhin. "Yumi, tara na!" pagtawag sa akin ni Shane. Matapos akong mag-order, I tap my ID at nagpaalam sa babaeng iyon at sa mga kasama niya. "Thank you ulit, Ms. Maxine," wika ko saka lumakad palayo. Mukhang nagtaka pa siya dahil alam ko ang kanyang pangalan. Pero na-realize niya rin iyon dahil naalala niya ang ID niya. Matapos iyon, agad na kaming nagtungo sa soccer field. Nkaupo na ako sa bench at nanonood ng laban ng Richmond University at Montecillo University. Adrian was there pero pinaupo rin siya half of the game. "Ang galing talaga ng babe ko!" masayang wika ni Shane sa tabi ko. Malapit nang matapos ang game at biglang nagsimulang umulan. Nakuha ang atensyon ko ng isang player na nasa goal keeper. He seems having a hard time na nagpakunot sa aking noo. Matapos niyang harangin ang almost goal kick ng kalaban, bigla siyang hinimatay, dahilan upang magkagulo ang mga tao. "Ariston!" sigaw ng isang babae. Sa paglingon ko, nakita ko ang babaeng kasama ko sa chorale. She's Deyanne, right? Boyfriend niya ba 'yung Ariston? tanong ko sa isip na animoy tsismosa. "Oh! My gosh! Ayos lang kaya siya?" ani Shane. "Siguro naman ayos lang siya. Maraming tao ang concern sa kanya," saad ko sa sarili. Marahan akong tumayo. "Saan ka pupunta? Kausapin muna natin si Adrian." Nang marinig ko ang pangalan ng lalaking iyon, tila sinuntok ang puso ko. "I'm sorry, pagod na ko," maiksi kong tugon saka nagsimulang lumakad. Hindi ko na pinansin ang muling pagtawag sa 'kin ni Shane. Nakakainis siya. Hindi pa rin ba siya nakakahalata? Nagtungo ako sa music room kung saan walang tao. Malapit na ring matapos ang araw at pagod na rin ako. Pero nais kong maibsan ang lungkot sa puso ko kaya nais kong tumugtog kahit isang piyesa. Sinimulan kong ilapat ang daliri sa ibabaw ng piano, saka malumanay na tumugtog ng moonlight sonata, saka pinikit ang aking mata. Matapos iyon, nakarinig ako ng sunod-sunod na palakpak, dahilan upang mapalingon ako. "Akira? Anong ginagawa mo rito?" "Tapos na kasi ang game ko at gusto kong mag-relax," tugon niya. Pumasok siya sa loob at umupo sa tabi ng bintana. "Keep playing that piece. It's my favorite," aniya. Umiling na lang ako at muling tumugtog. "Maayos na ba ang kamay mo?" tanong niya. "Medyo. Pero kung minsan sumasakit pa rin." "I guessed those trauma will stay." Huminto ang aking daliri sa pagtugtog, saka kunot-noong tumingin sa kanya. "What did you say?" "Yumi, may gusto sana kong sabihin sa 'yo." Seryoso ang mukha ni Akira at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa bagay na sasabihin niya. "A-Ano 'yon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD