Chapter 4

1245 Words
Akira's POV "I like you." Kumunot ang aking noo nang marinig ang bagay na iyon sa babaeng nakatayo sa aking harapan. A beautiful woman with a blonde hair. Her eyes was always fierce and that intimidates me a lot, pero wala rin naman akong pakialam doon dahil madalas ko naman siyang iwasan. I stand firm and pat her head. Nanlaki naman ang mata ni Patty dahil sa ginawa ko. Matipid akong ngumiti at nagsimulang magsalita, "thank you," ang tangi kong tugon sa kanya, saka tumalikod at hindi na muling lumingon pa. *** Dahan-dahang bumukas ang talukap ng mata ko nang marinig ang tunog ng alarm-clock. Inabot ko ito gamit ang aking kamay at pinatay ang alarm. Yeah, right! I have an early class. Sinimulan ko nang kumilos at agad na nag-shower. Sa paggapang ng tubig sa aking balat, marahan kong pinikit ang aking mata. Bigla ko namang naalala ang bangungot na iyon. Why did I dream about that? tanong ko sa isip. It's not that I don't like Patty, I just don't like the attention she's having. As an introvert, gusto ko lang mag-isa at masaya na ako roon. Sa tuwing kasama ko ang babaeng iyon, pakiramdam ko ay matutunaw ako sa dami ng taong tumitingin sa amin. It's better that I reject her, besides, I even say thank you. Kahit iwasan ko rin naman ang babaeng iyon, makikita ko pa rin siya dahil dating talent ng father niya ang daddy ko. She is the heiress of Azucarera de Valencia at tulad ko, gold tier din siya sa Montecillo University. Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang tumama ang tingin ko sa isang bagay na nakasabit sa aking shower-room, isang lumang bracelet na mula sa isang batang babae sa aking nakaraan. Matapos kong gawin ang mga bagay-bagay, agad na akong lumabas ng kwarto. Lumakad ako patungo sa elevator at isa-isang nagdatingan ang ibang gold tier student. Una kong nakita ang isang lalaki, I guessed Thiago ang pangalan niya, not good at names though. He's just familiar dahil pareho kami ng course. Madalas ko siyang naririnig tumugtog sa music room at tulad ko, may pagka-weirdo rin ang isang to. Before the elevator open, dumating ang dorm leader na si Xian. Nakikita ko siya minsan sa opisina ng mga Park sa tuwing bumibisita roon si dad. Paglipas ng ilang minuto, bumukas ang pinto ng elevator. Sandali akong natigilan nang makita si Patty sa loob, kasama niya sina, Perry, Patrick, at si Ariston. I know them ngunit mas pinipili kong hindi makihalubilo sa kanila. Iniisip ko palang ang atensyon na makukuha nila, nahihilo na ako. "Patty," wala sa sariling pagbanggit ko sa pangalan niya. "Akira," tugon naman ni Patty saka mabilis na umiwas ng tingin. Sinimulan kong ihakbang ang aking paa papasok sa elevator katabi niya. Nang makita niya si Xian, agad niya itong tinawag. "Xian, come here!" sigaw ni Patty. Hinila niya ito papalapit sa kanya at nilagay sa pagitan namin. "Patty, you look lively today," pagbati ni Xian sa kanya. "Of course! It's a great day to be beautiful," ang tugon naman ni Patty. Ngumiti na lang si Xian at ang iba'y napabuntonghininga. Bumalik naman ako ng tingin sa numero na naka-flash sa screen ng elevator. Pakiramdam ko ay isang taon na akong nasa loob nito. *** Huminga ako nang malalim nang makarating ako sa lecture room. Inilagay ko ang aking mga kamay sa bulsa at agad na pumasok sa pinto. "Nandiyan na si Akira. Hi, Akira. Good morning." "Good morning, babe." "Good morning, pogi." Ilan lang ito sa mga pagbati sa akin ng mga babaeng kasama ko sa klase. I am an irregular student and this class is a nightmare. Kung hindi ko lang kailangan ang ibang subject na nasa klaseng ito, baka nag-drop out na ulit ako. Dahil hindi ako tumitingin sa aking nilalakaran, isang bagay ang aking natapakan. "Sorry, you're stepping on my pen." Napatingin ako sa isang babaeng nagsalita. Kumunot ang aking noo dahil tila pamilyar ang kanyang hitsura. Saan ko ba siya nakita? Tumungo ako at nakita ang isang stylus pen na nasa ilalim ng aking sapatos. Binalewala ko ang bagay na iyon at diretsong naglakad patungo sa aking upuan. "What a pain," bulong ko nang sa wakas ay makapwesto ako. After class, naisipan kong matulog. Nagtungo ako sa Rose Garden ng university, isa itong garden sa tabi ng kahabaan ng iba't ibang school building. Marami ring tao sa lugar na iyon ngunit may isang spot doon na paborito kong puntahan. Nakatago kasi siya at may malaking puno kung saan ako pwedeng matulog. Napangiti ako nang sa wakas ay makarating ako sa Rose Garden. Agad akong umakyat sa puno at humiga sa isang malaking sanga. Hindi naman nagtagal ay nakaidlip din ako. "Kiss me." Kumunot ang aking noo at nagsimulang magising ang diwa dahil sa ingay ng mga taong naglalampungan sa ibaba. "Nababaliw ka na ba? Paaano kung may makakita sa 'tin?" Isang pamilyar na tinig ang narinig ko, dahilan upang dahan-dahang mamulat ang aking mata. Umupo ako at tumingin sa ibaba. Tumaas ang gilid ng aking labi dahil sa nakita. "Interesting," mahina kong bulong sa sarili. Nakita ko lang naman ang babae kanina at isang lalaki. Sa palagay ko ay may tinatago ang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip, ngunit kakaiba ang dating sa akin ng babaeng iyon. Tila nakita ko na talaga siya kung saan at hindi ko lang maalala. Sa aking pakikinig, doon ko nalaman ang lihim ng dalawa. Napailing na lang ako at nang umalis na ang lalaking iyon, saka ako nagpakita. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ng babaeng iyon nang makita niya ako. Napangisi ako dahil namutla ang mukha niya, para siyang nakakita ng multo. "S-Sabihin mo, may nakita ka ba?" nauutal pa niyang tanong. Tumalikod ako at akmang lalakad na palayo, ngunit muli ko siyang nilingon at nagsalita, "'wag kang mag-alala. Walang makakaalam na may relasyon ka sa lalaking may ibang nobya," pang-iinis ko sa kanya. Mas lalong tumingkad ang pagkaputla niya. Tila may kung ano sa akin ang nagkaroon ng kakaibang pakiramdam. Sa totoo lang sa ganitong sitwasyon, wala naman dapat akong pakialam, ngunit tila iba ang dating niya sa akin. Iba ang dating ng babaeng ito. Mas lalo kong nakumpirma ang aking nararamdaman nang makita ko siya sa loob ng music room. Nanlaki ang aking mata nang marinig ang pagtugtog niya sa Moonlight sonata. Isang tao lang ang alam kong kayang tumugtog ng ganoong klase. Ang batang iyon – si Yumi. Nang makita ko ang pilat sa kanyang braso, lahat ng sakit at pagsisisi ay bumalik sa aking damdamin. Sa wakas nakita rin kita... *** Kinabukasan, umasa ako na makikita siyang muli sa music room ngunit wala siya roon. Umupo ako tabi ng bintana at dumungaw dito. "Anong sasabihin ko kapag nagkita kaming muli? Mukhang hindi naman niya ako naaalala at abala siya sa ibang bagay," sunod-sunod kong sambit sa hangin. Maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata nang isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. "Hayop ka! Akala ko ba hindi mo ipagsasabi? Sinungaling ka!" bulyaw niya sa akin na hindi ko alam kung bakit. "What the f*ck are you talking about?" sigaw ko pabalik dahil sa inis ko. Not until malaman namin na isa lang itong misunderstanding. Isang bagay ang pumasok sa aking isip dahil sa pagkakamaling iyon. Nagkaroon ako ng dahilan upang mapalapit muli sa kanya. Siguro nga ay hindi niya ako naaalala, ngunit sisiguraduhin kong maaalala niya akong muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD