Akira's POV
NANG MATAPOS ang klase, agad akong sumakay ng mini-bus patungo sa dorm. Ayoko namang maglakad dahil malayo ang mga establishment sa buong Montecillo University. This mini-bus is provided by Celerio Transit Corporation, ang kompanya ng bestfriend ni Patty na si Ariston.
After a few minutes sa wakas nakarating na rin ako sa dorm. Sa pagpasok ko sa loob, agad kong sinalampak ang aking katawan sa malambot na kama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na natagpuan ko na ang babaeng hinahanap ko. But right now, hindi ko alam kung paano ako magpapakilala sa kanya. Paano ko siya kakausapin dahil marami nang nagbago. Mukhang naging magaspang din ang pakikitungo ko sa kanya nitong nakaraan, hindi ko naman iyon sinasadya dahil nakagawian ko na.
"Aargh!" inis kong sigaw saka sinubsob ang mukha sa unan.
Nang muli ko itong inangat, tumama ang tingin ko sa bracelet na nakapatong sa lampshade table na nasa tabi ng aking kama. Marahan akong umayos ng upo at kinuha ko ito. Inilagay ko ito sa aking palad at tinitigang mabuti.
Isa itong silver bracelet na may pendant na hugis music notes. Marahil ay mahalaga sa kanya ang bagay na ito, kailangan kong gumawa ng paraan para maibalik ito sa kanya. Habang hawak ko ang bracelet, hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga bagay na nangyari sa nakaraan.
I WAS nine years old nang tumira kami sa isang malawak na mansion. Ang sabi ni dad, pag-aari raw iyon ng yumao niyang ama, my grandfather. Ilang buwan lang kami roon at kinailangan din agad naming bumalik sa Manila dahil sa trabaho ni mommy, ngunit sa loob ng ilang buwan na iyon, isang batang babae ang nakilala ko.
I guessed isang taon lang ang agwat naming dalawa and I am older than her. I used to be cheerful and friendly. Lahat ng bata sa neighbor namin na makikita ko ay binabati at kinakaibigan ko, until I met her. I didn't get her name at sa tingin ko, iyon ang malaking pagkakamali ko noon.
She's kinda weird. Hindi siya nakikihalubilo at wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umupo sa veranda ng bahay nila at magbasa ng libro. At her age she is a very serious girl.
I became curious. Being a cheerful little boy, I Tried to approached her and be her friend. I get a lot of rejections dahil sa tuwing aayain ko siyang maglaro, she will just run and close the door of their house.
Dahil malikot ako at may katigasan ng ulo, umakyat ako sa kanilang veranda at sumilip sa maliit na fold ng bintana. There I saw her playing a piano. Nanlaki ang mata ko at namangha. She is playing the song Moonlight sonata in a very melodramatic way. As if she wanted to say, set me free.
As I roam around my eyes, I found her mother listening to her music with closed eyes. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa puso. Pakiramdam ko ay napakasakit ng kantang 'yon at tila may kailangan akong gawin.
Kinabukasan, I tried my best para mapalapit sa kanya. May kung ano sa akin ang nais malaman ang lahat tungkol sa kanya.
Nang hindi sinasadyang magkita kami sa isang flower garden malapit sa mansion. Binigyan ko siya ng bulaklak and when I saw her smile, natuwa ako at tila mas nais ko pang makita ang mga ngiting iyon. Naging madalas ang pagkikita namin sa hardin na iyon.
Pero hindi ko akalain na dahil sa akin, isang aksidente ang mangyayari.
"k**i, 'wag mo nang kunin 'yan delikado!" sigaw ng batang babae na kasama ko.
"Ayos lang! Abot ko to, matangkad naman ako, eh," pagyayabang ko pa.
Sa isang mataas na puno, nandoon ang isang napakagandang bulaklak. Gusto kong ipagyabang noon na kaya kong kunin ang bulaklak na iyon para sa kanya, ngunit nabigo ako. Nang maabot ko tangkay, isang malaking ngiti ang sumilay sa aking labi.
"Tingnan mo nakuha ko!" sigaw ko saka tumingin pabalik sa kanya mula sa itaas. Ngunit narinig ko ang pagputol ng sanga na hinahawakan ko dahilan upang ako ay tuluyang bumagsak.
"k**i!"
"Aaah!"
Malakas ang pagtama ng aking likod sa lupa. Nakaramdam ako ng matinding sakit at hindi ko maigalaw ang aking katawan. Pinilit kong imulat ang aking mga mata at laking gulat ko nang makita ko ang batang babae na iyon sa aking tabi. Pilit pala niya akong sinalo gamit ang maliit niyang katawan, dahilan upang masugatan ang kanyang braso.
Nais ko man siyang lapitan at iligtas ay hindi ko magawa. Hanggang sa nawalan na kami ng malay.
Sa paggising ko, wala na siya. Hindi ko na nakita pa ang batang babae na iyon. Ang sabi ni mommy, dinala raw siya sa Maynila at doon nagpagaling. Naging maayos naman daw ang areglo ng magkabilang pamilya ngunit pinili na lang ng batang iyon na lumipat ng tirahan.
Labis ang aking pagsisisi dahil sa nangyari. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat. Muntik na siyang mamatay dahil sa aking ginawa. Tila ba nagkaroon ako ng trauma at naging mailap sa tao. Dahil sa katigasan ng aking ulo at sa pagiging mayabang, isang buhay ang muntik nang mawala.
Nang muli akong bumalik sa lugar kung saan nangyari ang aksidente, isang bracelet ang nakita ko sa sahig. Mas sumikip ang aking dibdib nang maalalang sa babaeng iyon ang bracelet. Nangako ako sa sarili na sa oras na magkita kaming muli, ibabalik ko ito sa kanya.
Simula noon, sinisi ko ang aking sarili. Nagsimula akong tumahimik at lumayo sa mga taong nakakasalamuha ko. Mas ninais kong mapag-isa at magbitiw ng kaunting salita sa mga kinakausap. Hanggang sa makasanayan ko na ang gawing ito.
Huminga ako nang malalim saka nilagay sa lamesa ang bracelet. Sa paglipas ng oras, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
***
KINABUKASAN, agad akong nag-ayos at nilagay sa aking bulsa ang bracelet. Sa araw na ito, magpapakilala ako sa kanya. I will apologize at sana ay hayaan niya akong makabawi.
Sumakay ako elevator at agad ding nakarating sa ground floor ng dorm. Sandali akong naghintay sa mini-bus at sumakay agad nang dumating ito. Patungo ako sa School of Arts and Music Building kung saan nandoon ang subject na kinukuha ko sa klase nila Yumi.
Napangiti ako nang wala sa sarili. Umiling ako at sinandal ang aking ulo sa glass window ng mini-bus.
I can't believe I finally got her name, saad ko sa sarili.
"Is that Akira?"
"Oo nga si Akira nga."
"May kasabay pala tayong guardian angel."
Tila tumibok ang ugat sa aking noo nang marinig ang bulungan ng mga babaeng kasabay ko sa bus. Tinapunan ko sila ng masamang tingin at agad naman siyal umiwas. Siguro nga ay hindi na mawawala sa akin ang ugaling ito. Ang totoo, naiinis din ako sa mga taong nagpapapansin sa akin. I guessed I will just remain as it is.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin ako sa Building ng Music and Arts. Hindi pa simula ang klase kaya pinili ko munang maglakad. Nagbabakasakali ako na nasa music room si Yumi at sana ay maisauli ko na ang kanyang bracelet.
Nang makarating ako roon, hindi ako nagkamali. Nandoon si Yumi at tumutogtog siya ng piano. Sandali akong sumandal sa pinto at hindi muna pumasok. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang magandang musika na ginagawa niya. Ngunit maya-maya lang, bigla akong dumilat nang huminto si Yumi. Sa pagsilip ko sa loob, nakita ko ang mariin niyang pagpikit dahil sa sakit ng kanyang kamay.
Nanlaki ang aking mga mata at wala sa sariling tumakbo papasok sa loob.
"Yumi!" sigaw ko saka hinawakan ang kamay niya. "A-Anong nangyari?" tanong ko.
Diretso siyang tumingin sa akin at nababalot ng pagtataka ang kanyang mukha.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.
"H-Ha? K-Kasi," nauutal kong tugon. Nang mapagtanto niyang hawak ko ang kanyang kamay, agad niya itong kinuha. "Sorry," saad ko.
"H-Hindi, okay lang."
"Madalas bang sumakit 'yang kamay mo?" tanong ko saka umupo sa maliit na upuan malapit sa kanya.
"Oo, eh. Baka dahil sa dalas ko mag-ensayo." Tumango lang ako sa kanyang sinabi.
Marahan kong nilagay ang aking kamay sa loob ng bulsa ng suot kong pants, hinawakan ko ang bracelet niya at akmang ilalabas ito.
"By the way, there's something I want to return–"
"O baka dahil din sa pilay na nakuha ko noong bata pa ko," muli niyang saad na pumutol sa aking sasabihin at nagpalaki sa aking mata.
Mariin kong naikuyom ang aking kamay habang hawak ang bracelet nang marinig ang bagay na iyon. Nakaramdam ako ng kirot sa puso at nakonsensya. Binitiwan ko ang bracelet at nanatili ito sa aking bulsa.
"A-Ano ba kasi ang nangyari?" pagpapanggap ko.
"I just don't want to remember that day. Sinusumpa ko ang araw na iyon," aniya.
Mariin akong napalunok at nasaktan sa sinabi niya. Kung ganoon, marahil maging ang bata na nakilala niya noon ay kinasusuklaman niya. Hindi ko na nagawa pang magsalita. Nanatili akong tahimik tulad ng madalas kong gawin.
Mas lalo akong naduwag na magpakilala sa kanya. Siguro, sasabihin ko na lang ang lahat sa oras na handa na siya.