CHAPTER 54: Nicolai Arman Olivero’s Point of View. THREE DAYS, AND Eury is still unconscious. Kinakabahan na kaming lahat sa mga posibilidad na mangyayari. Maging ang doctor ay hindi maipaliwanag kung bakit hindi pa rin siya nagigising. Ilang beses na akong tinatawagan ni Manager Alondra, pero hindi ko iyon sinasagot. Noong unang beses, ipinaliwanag ko naman na sa kanya pero ngayong inabot na ako ng limang araw dito sa Siargao, hindi na siya mapakali. Nag-umpisa na kasi ang rehearsal namin para sa gagawing music video at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-practice. Wala naman akong pakialam kung hindi ako makapag-practice ngayon. For now, I just want to ensure that Eury is in good condition. Hapon ng pangatlong araw na hindi pa rin nagigising si Eury, abala ako sa pagkakape h