THIRD PERSON'S POV: "WHAT IS IT VERNON?" Mainit ang ulo ni Fabian nang makatanggap ng tawag mula sa kanyang private investigator. Sa nakalipas na mga buwan ay ito na ang naging mga mata n'ya para malaman ang kalagayan ni Guia. Ibinalita naman nito sa kanya ang nasaksihan nang makitang may kasamang doctor ang dalaga. Muling uminit ang ulo ni Fabian. Gano'n na lang ba talaga kadali para sa dalagang kalimutan s'ya? "Get all the information you can about that Doctor." Matapos no'n ay ibinaba n'ya ang tawag at napahilot sa kanyang sentido. Mabilis n'yang kinuha ang coat at papalabas na sana ito nang may kumatok naman mula sa labas ng kanyang opisina. "What?" Iritableng pagkakasabi ni Fabian sa kanya secretary. "Sir you have a meeting to Mr. Chun-" hindi na nito natapos ang sasabihin nang m