GUIA: ISANG malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago lisanin ang sasakyan ni Fabian. "Are you ready?" Hawak niya nang mahigpit ang kamay ko. "Yes." Agarang sagot ko. Nasa labas kami ngayon ng hacienda. Lumabas ang mga katulong maging ang hardinero namin ay nag taka nang makitang magkahawak-kamay kami ni Fabian. "Fabian ang mga tao." Tatanggalin ko na sana ang kamay ko nang mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak. "Don't mind them." Seryoso n'yang sagot habang diretso ang tingin sa daan. "S-Senyorita." Nakita ko pa ang isang katulong na malapit kay Sandra. "Ang papa?" Ang mga mata nito'y gulat na gulat. "N-Nasa loob po." Magsasalita pa sana s'ya nang hilahin na ako ni Fabian papasok ng hacienda. "Guia Fabian?" Kaagad na bungad ni Sandra. Lumingon ang papa at nanlaki ang m