GUIA: "FABIAN alagaan mo ang anak ko." Bilin ng papa bago kami umalis ni Fabian ng hacienda. Nakapag-decide kaming dalawa na bumalik ng Maynila hanggang sa ako'y manganak. Hindi rin n'ya pwedeng iwanan ang kanyang kompanya sa mahabang panahon. Hindi na rin nagpakita pa si Sandra at mas mabuti na ngang wala s'ya. "You have my word Fernan. Makaka-asa ka." Nagkamayan sila bago kami sumakay ng sasakyan. ISANG LINGGO ang nakalipas nang kami ay lumuwas ni Fabian. Bumalik na rin sa dati ang lahat. Nasa opisina siya ngayon habang ako naman ay abala sa pagluluto nang may mag door bell. Itinigil ko muna ang ginagawa nang magsalita ang isa sa mga katulong. "Mam ako na po titingin kung sino." Naghintay naman ako sa salas nang bumalik ang katulong. "Mam kaibigan n'yo raw po si Ms. Clarise." "Sig