LUMUHOD si Fabian at pinunasan ng sariling panyo ang puting gown ni Ashanti. Dinampot ko naman ng walang pag-aanlinlangan ang basag na kopang nagkalat sa sahig. "Guia, leave it there." Pilit akong tinatayo ng papa. "No papa it's okay." Sabi ko. Lumapit na rin ang isang katulong na may dalang tray na walang laman. Tinulungan n'ya akong isa-isahin ang mga bubog. Hindi ko maiwasan, hindi ko kayang pigilan ang pag tingin sa kanilang dalawa. Ni hindi man lang ako dinapuan ng tingin ni Fabian na abalang-abala sa paglilinis ng gown ng fiancee n'ya. Kitang-kita ko kung paano ito naging maginoo kay Ashanti. Sinasamba, ginagalang n'ya ito at ang isipin ang mga salitang 'yon ang s'yang pumupunit ng aking puso. After all s'ya pa rin pala ang hahanap-hanapin ko. Napapikit ako ng mariin nang maramd