DAYS have passed when the party has ended. Iniwan n'ya akong lumuluha. Binalikan n'ya si Ashanti. Kaagad din akong umuwi ng Maynila matapos ang gabing iyon. Hindi na ako muling nagpakita kay Fabian. Hindi ko na rin sinabi sa papa ang dahilan ko kinabukasan nang magpas'ya akong umuwi na. Inililigpit ko na ang mga gamit nang pumasok ang aming punong-guro. Magkakaroon kasi ng meeting mamaya para sa gaganaping Intrams ngayong papalapit na Mayo. May mga negosyante ring nakipag tulungan at nag donate sa aming paaralan para dito. Bigla namang tumunog ang phone ko matapos nitong umalis. Tumatawag si Clarise na absent ngayon. "Guia nakausap ko na si Ms. Corpel." Nagliwanag ang aking mukha sa magandang sinabi nito. "Talaga. Nakaabot ba ang donation ko?" "Oo. Tuwang-tuwa si Ms. Copel dahil maram