Warning!! Ang kaganapan sa loob ng kabanata na ito ay hindi pinahihintulutang mabasa ng edad deysi otso pababa. Kabanata 37.. "NAGUSTUHAN mo ba ang pamamasyal natin mahal?" gulat na napaharap siya sa kaniyang likuran ng marinig ang kaakit akit na boses ng marinig niya iyon. Nang makauwe sila kinagabihan sa bahay ng binata, diretsyo si Amanda sa kaniyang kuwarto tanging kaway lang ang ginawa niyang paalam kay Juriel. Pananakit ng katawan ang inabot niya sa ilang araw nilang magkasama ng binata idagdag pang may sakit na yata siya ng nerbyos dahilan sa mga ikinilos nito ngunit hindi maitatangging nagustuhan niya. Mabuti na lang hindi na siya nito inistorbong kinatok nito bago matulog kinagabihan. Pero kung kakatukin din naman siya sa mga oras na iyon, hinanda narin naman niya ang sarili.