Warning!! Ang kaganapan sa loob ng kabanata na ito ay hindi pinahihintulutang mabasa ng edad deysi otso pababa. Kabanata 31.. DAOP PALAD silang humakbang habang bitbit niya ang hindi kabigatan na bagpack at naglalaman ng mga kakainin nila. Simple niyang nilingon ito, itsurang wala man lang sa itsuray nito ang dalang malaking bag na alam niyang naglalaman ng mabibigat na bagay. Nagbaba siya ng paningin, mahigpit na hawak nito ang palad niya. Sa laki ba ng katawan nito sisiw lang na baka pati siya ay kaya nitong ilagay sa likuran nito. Lihim siyang napatikhim. Inalis niya ang paningin matapos iinuon niya iyon sa diretyong nilalakaran nila. Mga kalahating oras natin silang naglalakad na akala niya ay malapit lang, kailangan pala nilang ikutin ang daan kung saan papunta sa nakita niyang