Kabanata 30. NAGLULUNDAG ang puso niya habang nakatunghay sa mukha ni Juriel sa 'di kalayuan sa kaniya. Habang nasa loob siya, ng sasakyan nito ito naman ay nasa labas. Pakiramdam niya pinupunan nito ang isang pagmamahal na hindi niya naranasan mula nuon. Tila ba sapat na ang pagmamahal na pinaparamdam nito na hinahangad niya sa sariling ina. Hindi siya makapaniwala, sa isang pagsisinungaling at nakhanap siya ng isan pagmamahal. Ayaw niyang isipin kung totoo ba o hindi. Para sapat na sa kaniya ang halik nito at yakap na nagsasabing magtiwala siya para rito. Naka suot ito ng shade na lalong nagpatingkad ng ka gwapuhan nito. Sa laki ng katawan nito, tila ba gusto kona laging nakapaloob doon at nakayakap. Pero dahilan sa nangyare kanina sa kanila, ang kapwa kapusukan nila ay kailangan niy