Warning!! R-18. Nakapaloob sa kabanata na ito ang maseselang hindi angkop sa edad na deysi otso pababa. Kabanata 21.. ILANG araw na ang nakalipas ng maibunyag ni Juriel sa dalaga ang gusto nitong malaman. Ang tungkol sa pagkatao niya. Pansin niyang ilang araw na rin na tila balisa ito sa lahat ng kilos nito. Hindi na katulad ito ng dati kung kausapin siya, tila ba bawat pag buka ng bibig nito ay mayroong limitasyon at may pag iingat sa mabibigkas maging sa pag kilos ay may naka bantang takot. Hindi siya sanay sa ilang araw niyang kasama na ganito ang dalaga sa pakikitungo nito sa kaniya. Daig pa niyang may nakapasan sa magkabilang balikat ang nararamdaman niyang bigat sa pakikitungo nito. Idagdag pa lalong namigat iyon ng biglaang dumating ng walang pasabi si Jeric sa bahay nila at di