Kabanata 22.. MALAKAS na napabalikwas si Amanda ng upo galing sa pagkakahiga. Malakas na kabog ng dibdib ang agarang naramdaman niya dahilan sa malakas na ingay galing sa labas. At dahil likuran ng kuwarto niya ay kusina alam niyang doon ng galing ang malakas na ingay. Iniangat niya ang kamay padako sa ulo. Nakaramdam pa kase siya ng pagka antok. Anong oras naba siya natulog? Sumilay sa labi niya ang isang ngiti. Pumasok sa isipan niya ang halik na pinagsaluhan nila ng binata. Kahit isang beses lang sila nitong nagtukaan para nakatatak nasa isipan niya ang labi nito paano kung gumalaw. Paano saluhin ng palad nito ang ulo niya maging ang paghaplos nito sa kaniyang likuran. Para sa kaniya hindi kabastusan iyon. Pero ano nga bang maitatawag sa nangyareng halikan nila ng binata? Pagkatapo