Kabanata 35.. "BUKAS anong oras nga pala tayong uuwe?" Bahagya niya itong nilingon ng magtanong siya nag abot naman ang kanilang paningin. Nakita niya itong ngumiti bago sagutin ang katanungan niya. "Bakit tinatanong mo?" bumagal ang paghakbang nito at iginalaw galaw pa ang magkadaop palad nila. Naglalakad sila ng mga oras na iyon. Hindi ba't nangako itong aakyatin nila ang bundok kahit ba nagising sila ng mag aalas dose na ng tanghali? Kaya ng makakain sila ng tanghalian nagpahinga lang ng kaunti at nagmadali na silang gumayak. Literal na napa ismid siya sa sinagot nito. Dahilan sa katindihan ng init, ramdam niya ang pagtulo ng pawis sa mukha at sa kaniyang likuran maging ang kaniyang maumbok na harapan. Maging ito'y nakitang niya tagktagak ng pawis sa mukha ng kaniyang linguni