Kabanata 18.. Nangangalahating ibinaba nito ang bote. S'ya naman ay wala sa sariling inabot ang ladies wine at sinalinan ang sariling kopita ng matapos niyang sabihin ang mga hinulaang pangalan. "Congrats Amanda. Sa dami ng anak mo naitaguyod mo iyon lahat?" Naandoon parin sa mukha nito ang malaking pagka gulat. At ng tumango siya, napalitan iyon ng may pagka bilib sa kaniya. "Sa totoo lang, ngayon lang ako naka encounter ng tulad mo. Ang iba pag nasawi sa pag ibig kung hindi nababaliw ay nagpapatiwakal. Pero ikaw iba." Napailing matapos magsalita ngunit nagpatuloy parin at nakinig ako, "Sa daming lalakeng dumaan sa buhay mo mas ninais mong tumayo sa sariling paa mo." saka tumingin sa kaniya. Hindi ko alam pero sinalubong ko iyon. Gusto kong ipagsigawan na isa akong 'dalaga' at wal