Kabanata 17.. Hindi mapaliwanag agarang naglaho sa katawan niya ang init na nakapaloob doon. Hindi rin niya maiwasang ilang ulit lingahin ang pintuan ng kuwarto ni Amanda. Binawi niya ang paningin at ibinaling kay Nes. Lasing na lasing ito sa harapan niya habang maiging isinasayaw ang kamay nito kasama ang pang ibaba niya. Walang emosyong, binunot niya ang palad nito. Bumakas sa mukha nito ang pagtataka ngunit walang nanulay na paliwanag sa labi niya. Humakbang siya papalapit sa sopa, matapos umupo. Pinunan niya ng tingin ang mga kaibigan na kapwa abala sa mga babaeng katukaan. Samantalang si Jeric, abalang dumadayal sa tawagan nito ngunit ang isang palad nito ay gumigitara sa harapan ng babaeng katabi nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya si Joven. Nakaupo ito sa wine bar ha