NAGHAHANDA na si Jasmine para sa araw ng cover shoot niya sa anniversary issue ng Beauty Magazine. Hindi siya makapaniwala na malayo na ang narating niya in such a short time.
Sa loob ng dressing room ay hindi maiwasan ni Jasmine na kabahan dahil ito ang magiging unang photoshoot niya. Napatingin siya sa full-length mirror. Tapos na siyang inayusan ng makeup artist at hair stylist. Kaya naman, ito ay nagbigay sa kanya ng confidence.
Suot naman niya ang gown na gawa sa mamahaling scarlet silk, isang tela na nakakapit sa kanyang balat at nagbibigay diin ito sa bawat kurba ng sexy niyang katawan. Maganda ang daloy ng lace mula sa neckline hanggang sa bewang na nagbibigay ilusyon sa mala-hourglass niyang figure. Jasmine completed her look with a pair of red stilettos with lace accents that matched her gown.
Lumabas na siya para sa photoshoot. Huminga muna si Jasmine nang malalim saka siya nagpunta sa puwesto niya.
“Okay, ready na tayo,” wika ng photographer, tumango lang si Jasmine.
Unang flash ng camera ay napangiti ang photographer dahil sa ganda ng kuha niya. He couldn't help but compliment her as the camera flashed, capturing her from every angle.
"You're a natural, Jasmine! These shots are going to be iconic."
Napangiti si Jasmine sa narinig niya, nakadagdag ito ng confidence kaya mas lalo niyang ginalingan.
Fabian was mesmerized by Jasmine's grace and charm. Hindi niya maiwasan titigan ito as the photographer captured her. He realized as the shoot progressed that Jasmine was more than just her stunning looks. Her charisma and genuine smile shone through the lens of the camera.
Nakita ni Fabian kay Jasmine ang dedikasyon at passion nito sa trabaho. May kung anong spark ang naramdaman niya sa loob. It wasn't just her beauty that drew him in kundi naalala na naman niya ang imahe ni Madison. Umiling si Fabian. Mali na makita niya kay Jasmine ang yumaong nobya. Hindi niya dapat ito kinukumpara.
Matapos ang shoot, lumapit si Fabian kay Jasmine who was catching her breath and wiping away a few beads of sweat from her brow.
“Jasmine, that was incredible,” he said with a warm smile. “You are a star in the making.”
Namula si Jasmine dahil sa compliment saka bumilis ang t***k ng puso niya. She looked up at him, her eyes filled with gratitude. “Thank you, Sir Fabian. Hindi ko po magagawa ito kung wala ang supporta mo.”
Mahinang natawa si Fabian. “Tawagin mo akong Fabian, please. And it’s not just my guidance and support, dahil ‘yon sa talent at beauty mo.”
Binigyan ni Jasmine ng ngiti ito, her heart pounding with a mix of emotions.
Ilang sandali pa ay lumapit si Dominic kay Fabian.
“Sir, it’s time for your meeting.”
“Oh yeah I almost forgot!” Napatingin si Fabian sa relo niya, mabuti na lang ay may fifteen minutes pa siya.
“I have to go, Jasmine. I’ll see you around.”
Ngumiti ulit si Jasmine. “I-I’ll see you around, S-Si… Fabian,” nahihiyang bigkas niya sa pangalan nito. Hindi siya sanay na tawagin lang ang first name ng boss niya.
Sinundan niya ng tingin si Fabian hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Hindi niya mapigilan ang ngumiti rito. Kinikilig siya sa pagiging friendly ni Fabian.
“Baka ma-fall ka na niyan.”
Napalingon siya at nanlaki ang mata na makita si Stella. “Omg! Kanina ka pa?” gulat niyang tanong.
“Oo! Kanina pa ako simula no’ng nag-shooting ka.” Lumapit si Stell saka bumulong ito. “Crush mo si Fabian, ‘no?” mapang-asar na tono ni Stella.
“Ano?” Mahinang nahihiyang tinulak ni Jasmine si Stella. “Hindi ah! Boss ko lang ‘yon, dapat maging mabait ako sa kaniya!” nahihiyang sabi ni Jasmine.
Napapigil na lang ng tawa si Stella lalo pa’t nakita niyang namumula ang mga pisngi ng kaibigan.
“Sus! Pa-deny-deny ka pa. Kitang-kita naman na—”
Agad na tinakpan ni Jasmine ang bibig ng kaibigan. Pinagtitinginan na kasi sila ng mga staff nito.
Bumulong siya rito, “Umalis na tayo, nakakahiya sa mga staff, ang ingay natin.”
Natahimik si Stella nang mapansin niya ito. Diretsong nauna siya lumakad palayo dahil sa kahihiyan, agad namang sumunod si Jasmine.
“Alam mo, ang suwerte mo, Jasmine. Akalain mong sa isang viral photo lang, yumaman ka na kaagad!” masayang wika ni Stella habang naglalakad sila palabas ng building.
“Anong yumaman? Ang layo ko pa para d’yan. Siguro swerte ako dahil natutulungan ko si tatay lalo na’t hindi pa siya stable. Kailangan ko rin pagandahin ang negosyo ko. Alam mo namang pangarap ko magkaro’n ng sariling restaurant.”
“Kung sabagay, marami ka pang obligasyon. Pero h’wag kang mag-alala dahil magaling si Ate Tyang mag-manage! Naka-twenty thousand kami sa isang araw!”
Napahinto si Jasmine dahil first time niya magkaro’n ng gano’ng kalaking sales.
“Talaga?” gulat niyang tanong. Ngiting tumango si Stella. “Oo! Ang dami naming customer kanina. Kailangan namin gumising ng maaga bukas para mamalengke.”
Humugot nang malalim na hininga si Jasmine. “Maraming salamat, Stella, ah? Kung hindi dahil sa’yo, baka nagsara na ang karinderia,” nahihiyang sambit niya saka niya ito hinagkan.
“Ano ka ba! Parang hindi naman tayo magkaibigan!” naiiyak na sabi ni Stella, na-touch siya kay Jasmine.
Humiwalay ng yakap si Jasmine saka umarteng umiyak sa harap ni Stella. Natawa si Stella. “Para kang bata!” Inakbayan niya ito. “Let’s eat? Gutom na ako!”
Kumain sila sa restaurant, treat ni Jasmine. Masaya silang nagkuwentuhan. Habang kumakain ay biglang nag-vibrate ang cellphone ni Jasmine. Napadilat siya ng mata na makita ang pangalan ni Eva.
“Wait, sagutin ko lang ang tawag.”
Lumabas ng restaurant si Jasmine saka sinagot niya si Eva.
“Hello, Ma’am Eva?”
“Hi, Jasmine. Are you available this evening? The agency already discussed your first date with Eros.”
“Of course, Ma’am Eva,” sagot ni Jasmine. Sinusubukan niyang kumalma kahit deep inside ay medyo kinakabahan siya. Iniisip niya kasi ang unang date nila ni Eros, isang mayaman at elite member ng VIP Marriage.
“Available po ako this evening,” kumpirma niya. “Puwede bang malaman ang detalye kung saan ang meetup?”
“You don’t have to worry. May susundo sa’yo, sa bahay mo exactly at 7pm. Wear an elegant dress.”
Eva briefly explained the arrangements and assured Jasmine that she had nothing to worry about.
“Thank you po, Ma’am Eva,” Jasmine said.
Bumalik sa table si Jasmine. Napansin ni Stella na malalim ang iniisip ng kaibigan.
“Ayos ka lang ba?” tanong niya.
Tumango si Jasmine. “Oo. Ayos lang ako.”
“Sino ba tumawag?”
Hindi kaagad makasagot si Jasmine. Di niya pwedeng sabihin dito ang tungkol sa VIP Marriage, nabasa niya kasi sa kontrata na confidential ito. Kailangan niya magsinungaling, yung valid reason sana.
“Ahhh. Sa ospital! Tumawag ‘yong nurse, sabi hindi pa raw gising si tatay. In-update lang din ako sa schedule para sa MRI niya,” biglang sabi ni Jasmine. Napahigpit na lang siya ng hawak sa cell phone niya, sana kumagat ito.
“I see. Sana nga gumising na si Tito Hector,” malungkot na wika ni Stella, nakahinga naman ng maluwag si Jasmine. Effective ang rason niya.
Umuwi na si Jasmine pagkatapos nilang kumain. Namomroblema siya ngayon sa susuotin niya para sa first date niya kay Eros. Halong emosyon ang naramdaman niya with excitement. Di niya maiwasan isipin kung ano kaya ang magiging experience niya mamaya.
Napatingin siya sa salamin habang hawak niya ang dalawang sunday dress. Bigla niyang naalala na kailangan pala elegant dress ang susuotin niya. Masyado namang lavish tingnan kung pareho ang style na susuotin niya kanina sa photoshoot. She chose a more elegant but understated black dress that highlighted her curves.
“Puwede na siguro ‘to,” aniya nang itapat ang dress sa kanya.
Naglagay ng kaunting makeup si Jasmine. She reminded herself to stay natural, saka magsusuot naman siya ng maskara kaya ayos lang.
Nakatayo si Jasmine sa tapat ng kanyang bahay limang minuto bago sumapit ang alas siyete ng gabi. Huminga siya nang malalim habang hinihintay ang sundo niya. Ilang sandali pa ay nanlaki ang mata niyang makita ang isang limousine car na pumarada sa tapat niya. Pinagbuksan siya ng chauffeur. Pagpasok niya ay mas lalo siyang nakaramdam ng kaba.
Sh*t! Kaya ko ba? Atras na lang kaya ako?
Madaming tanong ang pumapasok sa isip niya. Paano kung hindi siya magustuhan ni Eros? Pinilig niya ang kaniyang ulo. Kailangan niyang galingan para naman hindi sayang ang isang milyon ng VIP Marriage. Saka malay niya ay makabingwit siya ng bilyonaryong lalaki na mamahalin niya at pakakasalan niya.
Dinala siya ng limousine sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Nagtaka lang siya na mapansin niyang tahimik ang lugar. Nirentahan ba ng VIP Marriage ang buong restaurant? Natawa na lang sa isip si Jasmine. Sobrang yaman siguro ang may-ari nito. Isang milyong signing bonus ba naman, at i-arrange ang date nila sa mamahaling restaurant. Hindi kaya sila lugi rito?
Bumaba na ng sasakyan si Jasmine habang inaalalayan siya ng chauffeur. Habang naglalakad siya papasok ay biglang bumilis muli ang t***k ng puso niya. Para atang mauubusan siya ng hininga dahil sa kaba.
“Sana lang may naka-ready na oxygen sa loob,” pabiro niyang sabi sa isip.
Eva had already arrived at the front door. She presented Jasmine with a stunning mask made of delicate gold lace with intricate designs honoring the goddess of beauty—Aphrodite.
"You must wear this," Eva said softly but authoritatively.
Agad namang sinuot ni Jasmine ang maskara. “Salamat, Ma’am Eva.”
“Goodluck and enjoy sa first date niyo ni Eros,” ngiting sabi nito.
Pumasok na sa loob si Jasmine. Ang atmospher ng restaurant was enchanting. Dimmed lights, luxurious décor, at may live jazz band pa. Grabe! Very expensive ang gabing ito
Walang katao-tao sa loob maliban ang nag-iisang table sa gitna ng restaurant. Dahan-dahang naglakad si Jasmine at di kalaunan ay biglang bumagal ang takbo ng oras nang makita niya ang isang lalaki, standing beside their table. His black mask was elegant, emphasizing his strong jawline and captivating eyes. His gaze was filled with curiosity and desire.
Eros.
Eros was waiting for her, and their gazes locked each other hanggang sa makaramdam ng kuryente si Jasmine sa katawan niya.
It felt like I never wanted this moment to end. I just wanted to experience it over and over again.
Is this love at first sight?
Paano si Fabian?
Wait. Fabian? No way!
Two men at the same time?!