MAG-ISANG nakaupo si Fabian sa opisina niya. Muli siyang napatingin sa litrato ni Jasmine sa cellphone saka siya bumuntong-hininga. Bigla niya na lang kasi naalala ang ex-girlfriend niyang si Madison.
It's been two years nang mawala sa piling niya si Madison. Ngunit no'ng makita niya si Jasmine ay para bang kahapon lang nawala ang nobya niya.
Napapikit siya at bigla niyang dinala ang sarili niya sa nakaraan.
Nakahiga sa pribadong kuwarto si Madison suot ang hospital gown. Maputla na ang mukha nito at tila bang nanghihina na ang katawan. Pagpasok ni Fabian ay amoy niya ang mga medical equipment sa loob, at ang tunog ng mga machines para i-monitor ang vital signs ni Madison. Umupo si Fabian sa tabi ni Madison saka hinawakan ang kamay nito. Gumilid ang luha ni Fabian nang makita niyang nahihirapan si Madison.
"Maddie," bulong niya na may halong emosyon ang tono. "You have to fight, my love. You can't leave me, not like this."
Isang mahinang ngiti ang ginawa ni Madison. Nagbabanaag sa kaniyang mga mata ang matinding kalungkutan. Alam niya sa sarili niyang hindi na siya magtatagal.
"I love you, Fabian," paos niyang bulong na halos hindi ito marinig ni Fabian. "But I don't think I can fight this anymore. It's too much," dagdag pa niya.
Bumagsak ang mga luha ni Fabian sa kamay ni Madison habang nakayuko para halikan ito sa noo. Desperado at umaasa siyang babalik ang sigla ni Madison. "You're the strongest person I know, Maddie. Please don't give up. We'll find a way. I promise."
"I have a request, Fabian," mahinang wika ni Madison. Mas nilapit ni Fabian ang pandinig niya rito.
"Yes, please tell me."
"You have to find her. You have to find my donor who gave me a chance to experience so much in life for seven years. Ipangako mo sa akin, Fabian, that you'll let her know how grateful I am."
"I promise, Maddie. I will do everything in my power to find your donor and express our gratitude."
Mahigpit na hinawakan ni Madison ang kamay ni Fabian saka pinikit niya ang kaniyang mga mata at tila bang nahihirapan na rin itong huminga. Nanlaki ang mata ni Fabian kaya niyakap niya ito nang mahigpit. Fabian was praying for a miracle.
Ngunit sa kabila ng kanyang mga luha at taimtim na pagdarasal, Madison's battle with leukemia came to end. Nanlambot ang mga kamay ni Madison sa pagkakahawak niya kay Fabian, at tumigil na rin ang pagtaas-baba ng puso niya sa heartbeat monitor. The room was filled with an unbearable silence.
It was a memory that haunted Fabian for years, a memory that left an mark on his heart. Hindi niya maiwasan isipin si Madison nang makita niya si Jasmine dahil sa pagkakahawig ng dalawa.
Tumunog ang cellphone ni Fabian. Sinagot niya ang tawag nang makita ang pangalan ng VIP Marriage account manager niya na si Karen.
"Fabian, we have a large number of new Entry Levels. Baka gusto mong pumili?" Karen explained.
Huminga nang malalim si Fabian. "Sige pupunta na ako dyan."
Halos mag-iisang taon na siya sa VIP Marriage to give way for himself to look for the right one. Pero lahat ng nabasa niyang profiles ay hindi match sa preference niya, siguro dahil halos ikumpara na niya ang characteristics ni Madison sa mga Entry Levels.
Pagdating niya sa reception agad siyang sinalubong ni Karen.
"Here's the file. Siguro naman sa pagkakataon na 'to ay may matipuhan ka na," ngiting pabirong sabi ni Karen dito.
Mahinang natawa na lang si Fabian. "We'll see."
He began scanning through the profiles. Walang mga litrato ang bawat profiles for data privacy kaya sa interest siya nakabase sa kung anong katangin ang meron sa mga babae.
Ilang sandali lang ay napahinto siya. One particular profile immediately caught his attention. He couldn't believe na paboritong solo artist nito ay si Gareth Gates same as Madison's. "It Happens Every Time" at "Anyone of Us" naman ang favorite songs nito.
Nang mapansin ito ni Karen ay napatingin siya sa profile ni Aphrodite.
"Oh, si Aphrodite na ba ang napili mo?"
"I don't know, Karen, but I want to meet her. She's quite interesting."
Napangiti si Karen dahil sa pagkakataong ito ay nakapili na si Fabian.
"Right away, Mr. Forbes! I'll set up your first date with this lucky girl—Aphrodite!" masayang sabi ni Karen saka siya umalis.
Nasa lobby si Jasmine at kabadong hinihintay ang account manager niya na si Eva. Ginala niya ang buong reception at bigla siyang natigilan nang makita niya si Fabian kausap ang isang naka-formal attire na babae.
"Sir Fabian?" gulat na tanong niya sa sarili. "Oh sh*t! Kailangan kong magtago!" dagdag pa niya sa isip.
Mabilis na nagtago si Jasmine sa gilid ng wall. Mas lalo siyang nag-panic nang makita niyang naglalakad si Fabian papunta sa direksyon niya. Dagli siyang lumipat sa lounge area saka tinakpan ng magazine ang mukha. Pasilip niyang tiningnan si Fabian palabas saka siya huminga nang malalim.
"Muntikan na ako don, ah?" aniya sa sarili saka napahawak siya sa dibdib.
Napaisip si Jasmine kung sumali ba si Fabian sa VIP Marriage. Naghahanap din kaya ito ng mapapangasawa niya?
Umiling lang si Jasmine pero hindi niya maiwasan ang nakita niya kanina. Sigurado siyang kasama si Fabian sa mga mayayamang miyembro ng VIP Marriage. Kinakabahan tuloy siya sa meetup nila ni Eva. Paano kung hindi siya tanggapin ni Eva?
Kumuha ng salamin si Jasmine sa bag at inayos ang buhok, ni-retouch pa niya ang mga labi niya gamit ang lipstick.
Kailangan niya maging presentable sa account manager. First impression last pa naman 'ika nga.
Ilang sandali pa ay dumating na ang account manager niya. Eva was a tall woman. Makikita niya sa lakad at tindig pa lang nito ay very competent na tao. She had an air of authority that put Jasmine at ease.
Eva smiled warmly at Jasmine and extended her hand. "Jasmine, it's a pleasure to see you. I've been looking forward to discussing your preferences and potential matches."
Jasmine shook Eva's hand, her voice steady despite her earlier anxiety. "Thank you, Ma'am Eva. Na-appreciate ko ang opportunity to be part of Entry Level ng VIP Marriage."
Tumango si Eva. "I must say, you have a certain elegance and charm about you, which is precisely what our elites are seeking. You certainly have the qualities that many of our elites desire."
Nagtungo sila sa opisina ni Eva. Pagdating sa loob ay agad na binigay ni Eva ang profile ni Jasmine.
"Simula nong pumayag ka kahapon to join us, we already gathered your information, that's how high-tech VIP Marriage is."
Nanlaki ang mata ni Jasmine nang mabasa niya ang profile niya. Kuhang-kuha lahat ng information na meron siya. Pati mga paboritong color, pagkain, at interest niya ay nakasulat na sa papel.
"Grabe po, Ma'am! Very detailed po ito. H-How is it possible?"
Eva smiles confidently. "Well, we have data analyst experts that work also in the FBI. We aim to provide the best possible service for our clients, ensuring that the matches we make are as compatible as possible. Your profile suits us."
Patango-tango lang si Jasmine pero ang totoo niyan ay nag-no-nosebleed na siya sa English ni Eva.
"As you can see on your profile, your code name is Aphrodite."
"Aphrodite?"
"Yes. Goddess of beauty. Ginagamit namin ang deities in Greek mythology as code names. Hindi namin pinapakita ang mukha niyo or even your real name sa profile for data privacy. We want to protect our clients as much as possible. Hindi biro ang mga pumapasok dito dahil malalaking tao ang mga elites."
Kanina pa kasi binabanggit ni Eva ang Elites pero hindi niya maintindihan masyado ang meaning no'n.
"May I know po kung ano pagkakaiba ng mga Elites sa Entry Level?"
"We have 3 types of members in VIP Marriage. Elite ang tawag sa mga taong bilyon ang assets nila. Diamond naman kapag milyon ang assets, while Entry level naman ang tawag sa mga kagaya mo."
May binigay pa na document si Eva kay Jasmine.
"You may read this contract for more details. Nadyan ang rules and flow ng matching. At kapag nabasa mo na lahat, puwede mo na siyang pirmahan. Balik ka bukas dito once you decided."
Pagkatapos ay dumiretsong umuwi si Jasmine. Kaagad niyang binasa at pinag-aralan ang process ng VIP Marriage.
Tatlong stage ang pagdadaanan ng couple.
Una ang Getting to know stage. VIP Marriage Agency na mismo ang bahala sa location. Kailangan kasi walang taong nakapaligid sa kanila. At ang members ay kailangan suot ang maskara. Kapag nag-click ang dalawa sa first date nila, puwede sila i-proceed sa second date hanggang third date lamang. Cover pa rin ito ng VIP Marriage Agency at kailangan
nakamaskara pa rin ang couple.
Courting Stage, dito naman ay malaya ang dalawang tanggalin ang kanilang mga maskara. Puwede silang mag-decide kung gusto na nila ang isa't isa para sa next level. Hindi na ito cover ng VIP Marriage Agency tungkol sa dating set up. Umaabot hanggang tatlong buwan lamang ang courting stage. They have to decide kung mag-po-proceed ba sila sa last stage.
Wedding Stage, dito na mag-de-decide ang dalawa kung gusto na ba nilang magpakasal. May offer ang VIP Marriage Agency, na kapag pumayag ang dalawa after ma-complete ang lahat ng stages, sponsor na ng agency ang engrandeng kasal. Kapag hindi sila nag-click, maghahanap ulit ng bagong partners ang dalawa bago mag-expire ang one year membership plan nila. Since nasa VIP Marriage Agency, bawal ka magkaro'n ng girlfriend or boyfriend na hindi VIP member, masisira kasi ang matching nila.
One year membership plan for Elites costs two million pesos, while Diamonds costs one million pesos. Kapag nalaman nila na may kasintahan ka sa labas, magbabayad ka ng at least five hundred pesos. To terminate the membership plan, 50% ng membership cost ng level mo ang kailangan mong bayaran sa agency. Sa entry level naman, at least fifty thousand pesos ang babayaran to terminate.
Binagsak ni Jasmine ang sarili niya sa kama matapos niyang basahin ang kontrata.
"Bongga din pala ang VIP Marriage. Kakayanin ko kaya 'to?"
Napapikit na lang si Jasmine saka niya naalala ang lagay ng tatay niya. Kailangan niyang gawin ang lahat para gumaling lang ang ama. Kaagad siyang nagtungo sa mesa, kumuha ng ballpen saka pinirmahan ang kontrata.
Kinabukasan ay maaga siyang bumalik sa VIP Marriage. Dumiretso siya sa opisina ni Eva.
"Ready na po ako, Ma'am," lakas loob niyang sabi saka binigay ang pirmadong kontrata.
Napangiti si Eva. "Great! We actually sent your profile sa Elites yesterday. And there's one Elite member who's interested in you."
Nanlaki ang mata ni Jasmine. Hindi pa nga siya nakakapirma ng kontrata pero may gusto nang makipagkita sa kaniya. Halo ang emosyon ang naramdaman niya. Sino kayang Elite ang gusto siyang maka-date?
Napansin ni Eva na kabado si Jasmine. "You looked overwhelmed, Jasmine. Relax. Maganda ang unang pasok mo rito." May binigay si Eva kay Jasmine. "Ito pala ang profile ni Eros," dagdag niya pa.
Eros pala ang codename.
Napatitig muna si Jasmine sa papel na hawak ni Eva saka niya ito tinanggap.
"Pag-aralan mo kung sino ang lalaking 'yan."
"Kayo po ba, Ma'am Eva, kilala niyo po ba siya? I mean in person, his true name?"
"No, Jasmine. Hindi namin alam kung sino siya unless na ako ang account manager niya. Confidential lahat ng detalye ng bawat member at tanging account manager lang ang may access nito."
"Pero paano niyo po nasasabing match kami?"
"Malalaman mo na lang na compatible kayo in a long run. Hindi ba't may stages kayong dadaanan?"
Tumango lang si Jasmine saka binasa niya ang laman ng folder. Ilang sandali pa ay biglang may pumasok na isang lalaki at may dala itong black case.
"Here's your one million cash as your signing bonus," wika ni Eva.
Napahigit ng paghinga si Jasmine habang pinagmamasadan niya ang lalaki ang paglatag ng black case sa mesa.
S-Seryoso? One million cash?!
Lumapit si Jasmine sa mesa para tingnan ang laman. Napanganga siya sa nakita niyang mga one thousand banknotes sa case.
"O-One million po ito, Ma'am?" nauutal niyang tanong dito.
"Yes. And that one million is all yours dahil nag-sign ka ng kontrata," ngiting tugon ni Eva.
Hindi makapagsalita si Jasmine. But deep inside ay tuwang-tuwa siya na tila bang gumaan ang pakiramdam niya. Hindi na siya mahihirapan na gamutin ang tatay Hector niya.
"Malaking tulong po ito sa pamilya ko, Ma'am Eva lalo na't na-ospital ang tatay ko."
"Masaya akong nakatulong ang VIP Marriage sa family mo, Jasmine. Kung magiging maganda ang kapalaran mo rito, mas gagaan lalo ang buhay mo. Alam mo bang marami nang mga Entry levels ang yumaman?"
"Alam ko pong yayaman ang mga Entry levels pero hindi po 'yon ang habol ko. Kung ikakasal man ako sa lalaki, 'yong taong mahal ko po, hindi 'yong sa pera lang. Wala din kasi akong time sa pag-ibig pero binigyan ako ng VIP Marriage to find my true. Sana nga lang," ngiting sabi ni Jasmine.
Napangiti muli si Eva. "You have a good heart, Jasmine. I like your personality. O siya, Victor will accompany you to your bank para ma-deposit na 'yan. Hindi pwedeng mag-isa mo lang dadalhin ang pera."
Mabuti na lang ay may existing bank si Jasmine.
"Ma'am, sorry pero kailangan niyo po i-upgrade to passbook ang account niyo. Malaking pera po ito kung regular savings lang," sabi ng teller kay Jasmine.
Pumayag naman si Jasmine and it took half an hour to process. Nag-iwan lang siya ng fifty thousand pesos as cash on hand para may panggamit siya sa ospital.
Binigay na sa kaniya ang passbook at new ATM card saka sila umalis ni Victor.
"Saan ko po kayo ibababa, Ma'am?" tanong ni Victor.
"Sa Family Care Hospital po tayo, Sir."
Pagdating sa ospital ay bumaba na si Jasmine saka siya nagpasalamat dito. Kaagad siyang pumunta sa doctor ng tatay niya para sa MRI.
"Doc, kailangan na po natin i-MRI si tatay."
"Sige. Ipapa-schedule ko na sa secretary ko para bukas ma-MRI na 'yong tatay mo."
Pumunta sa billing station si Jasmine para bayaran ang hospital bill na three hundred thousand pati ang MRI ng tatay niya.
"Bayad na ang three hundred thousand, Ma'am. MRI na lang po ang kulang saka ang on going treatment ni Sir Pedrosa," sabi ng teller.
Namilog ang mata ni Jasmine. "W-Wala po akong natandaan na nagbayad na po ako. Puwedeng malaman kung sino?"
"Uhm, check ko po, Ma'am."
Maraming tanong na pumasok sa isip ni Jasmine. Napailing lang siya dahil wala siyang ideya kung sino, unless VIP Marriage ang sumalo pero impossible naman.
"Ang Forbes Health Care po ang nagbayad."
Napahigit ng paghinga si Jasmine. Mas lalo siyang nakaramdam ng kahihiyan dahil sobra-sobra na tinulong ni Fabian.
"B-Bali bayaran ko na lang po ang MRI ni tatay."
Pagkatapos bayaran ni Jasmine 'yon ay dumiretso na siya sa kuwarto ni Hector. Lumipat na pala ng pribadong kuwarto ang tatay niya mula sa ICU.
Pagdating niya ay naiyak siyang makitang wala pa rin malay ang tatay niya. Bigla siyang nakaramdam ng awa dahil iniwan niya itong mag-isa kaninang umaga.
"Andito na po ako, 'Tay."
Napahinto si Jasmine nang mapansin niyang may bulaklak, prutas at pagkain sa mesa. Naipaisip siya kung bumisita ba ngayon ang nanay niya. Napailing siya. Alam niya kasing nagtratrabaho pa ito.
"You're here?"
Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses. She turned around in surprise to see Fabian come out from the bathroom. Pansin niya ang basa at magulong buhok nito. His shirt clinging to his well-defined chest dahil basa rin ito.
"Sir Fabian? A-Anong ginagawa niyo rito?"
Nagtama ang mata nila saka pilyong ngumiti si Fabian. Dahil do'n ay biglang nakaramdam ng pag-init ng katawan si Jasmine. Hindi niya alam kung nahihiya siya dahil binayaran ni Fabian ang hospital bill ng tatay niya, o baka naman nagwa-gwapuhan siya rito.
"I came to see you, Miss Jasmine. Sorry kung hindi na ako nagpaalam sa'yo."
"Galing ako sa billing station kanina. Bakit niyo binayaran ang hospital bill namin? Sobra-sobra na po ang tulong na ginawa niyo, Sir Fabian. Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran."
"Binasa mo ba talaga ang kontrata, Miss Jasmine? The contract stated na insured ka at ng family mo. Forbes Health Care ang nagbayad, hindi ako."
Jasmine left speechless, and an awkward silence hung in the air.
Fabian took a step back, still wearing that charming smile. "I should get going. Your father looks like he's recovering now. Mag-leave ka muna ngayon, magkita na lang tayo sa Beauty Magazine bukas, malapit na ang cover shoot."
Tumango si Jasmine. "S-Salamat po sa lahat, Sir Fabian."
Fabian turned to leave the room, and Jasmine stood there watching him. She was alone with her thoughts as the door closed behind him. Hindi niya maiwasan na mapaisip kung bakit ganito na lang siya tratuhin ni Fabian.
Ipinilig niya ang kanyang ulo, sinusubukang i-clear ang kanyang isip. "Siguro mabait lang talaga siya," aniya niya sa sarili. "Pero kahit na, napaka-unusual naman para sa katulad niyang maging concern sa amin."
Napabuntong-hininga na lang si Jasmine saka binalik ang atensyon niya kay Hector. Grateful siya dahil sa magandang nangyari ngayon pero hindi mawala sa isip niya si Fabian.
****
Play now "It Happens Everytime" and "Anyone of Us" by Gareth Gates.