END

2865 Words
PAGLAPAG NA PAGLAPAG ng chopper sa helipad ng Stallion Riding Club ay mabilis na nagtungo sa nag-aabang na sasakyan si Diosa.  Naitawag na kasi ng mga kuya niya ang kanilang pagdating at dahil malayo-layo rin ang helipad sa Clubhouse proper ay kinakailangan pa silang sunduin doon ng sasakyan.  Sensitibo raw kasi ang mga kabayo sa ingay kaya inilayo talaga ang helipad.  Iniwan na niya ang mga nakatatandang kapatid at tinangay ang isa sa dalawang sasakyan. A few minutes later, ngarag na siya sa paghahanap kay Yozack.  Una niyang pinuntahan ito sa bahay nito.  Wala.  Sumunod ay sa mga kuwadra.  Wala rin.  Ang sabi ng mga tauhan doon, katatapos lang ng mga match races kaya posibleng nasa private spa ng SRC ang binata kasama ng iba pang miyembro.  Madali naman niyang natagpuan ang naturang lugar dahil iyon lang ang nag-iisang spa facility doon.  Ang The Spa and Lodge.  Ang problema lang, dalawa pala ang part niyon.  Isa para sa mga guests ng Club at ang isa ay exclusive lang para sa mga members.  Ibig sabihin ay hindi siya puwedeng makapasok.  Bukod pa sa bawal doon ang mga babae. Ngunit siya si Diosa Samaniego.  At walang sinoman o walang anoman ang puwedeng makapigil sa kanyang gawin ang isang bagay na dapat ay matagal na niyang ginawa. May namataan siyang isang empleyado ng The Spa.  Marahil ay breaktime nito sa trabaho kaya saglit itong lumabas upang manigarilyo sa smoking area ng lugar.  Nahirapan lang siyang kausapin ito dahil masyado itong loyal sa trabaho nito at sa pamunuan ng buong Club.  Ngunit nang sabihin niyang kapatid siya nina Jigger at Trigger ay bahagyang nagliwanag ang mukha nito. “Ikaw si Diosa Samaniego?” “Kilala mo ako?” “Naging usap-usapan kasi kayo ni Sir Yozack sa buong Club nitong mga nakaraang araw.” Nagningning naman ang mga mata niya nang marinig ang pangalan ng binata.  “Nandiyan ba si Yozack sa loob?  Ang sabi kasi ng napagtanungan ko sa kuwadra kanina, baka raw nandito siya.” “Oho.  Nandoon nga siya sa loob.  Nagpapamasahe kasama ng iba pang members.” “Tulungan mo akong makapasok.  Please.  Kailangan kong makausap agad si Yozack.”  Naglabas pa siya ng pera.  “Kakausapin ko lang siya.  Wala ng iba.  Hindi ako manggugulo o mag-e-eskandalo.  I love him.  And I need to tell him that, bago pa magkagulo na naman kami.  Please?” Nangilid ng luha ang mga mata nito.  “Huwag na ninyo akong bayaran, Ma’m.  Tutulungan ko na kayo.  Mas bagay kayo ni Sir Yozack kaysa sa sino pa mang babae dito sa Club.” “Salamat.” Lumingon-lingon ito sa paligid.  “Sumama ka sa akin, Ma’m.” Ilang sandali pa ay dire-diretso na ang lakad niya sa mahabang hallway ng The Spa, suot ang uniporme ng babaeng empleyadong nakausap niya kanina.  Binigyan din siya nito ng instructions tungkol sa kung saan niya makikita sa mga rooms na iyon ang binata.  Sa huling room, sa west wing, walang sere-seremonya niya iyong binuksan.  Ngunit imbes na si Yozack ang matagpuan ay si Zell ang natagpuan niya. “What are you doing here?  Bawal dito ang mga…why are you wearing that uniform?” “Nasaan si Yozack?” “I don’t know.  Diosa, you need to get out.” “No, not until I found Yozack.” “He’s not here.” “Kung ganon nasaan siya?” “Nasa men’s locker room—“ Hinila na niya ang kuwelyo nito.  “Where is it?” “What do you want him for?  To lead him on again and then turn him down?” “I didn’t lead him on…” “Of course you did.  Iyon naman lagi ang ginagawa mo sa kanya.  May mga mata kami, Diosa.” She had lead him on and then turned him down?  Always?  “I want to apologize…” “And then what?” “I don’t know.”  Ano na nga ba ang mga pinaggagagawa niya kay Yozack?  Lagi na lang niya itong nasasaktan.  Kung ganon… “I just wanted to see him.  Marami akong gustong sabihin.  Siguro kapag nakita ko na lang siya ay saka ko lang masasabi kung ano man ang mga iyon.  Please, Zell.” “Paano kung hindi ko sabihin sa iyo kung nasaan siya?” “Then I’ll find him myself.  Manigas ka diyan!” “Diosa.” “What?” “Do you love Yozack?” “Oo.” “I love Paz Dominique.  Tell me where she is and I’ll tell you where Yozack was.” Napatanga na lang siya rito.  Tama ba iyong pagkakarinig niya?  The great Renzell Zapanta just confessed to her that he loved the woman everybody knew he hates.  Kung ganon, pareho lang pala sila nito na itinatago lang ang totoong nararamdaman sa taong minamahal nila. “Bumalik siya sa Cebu.”  Iyon kasi ang sinabi sa kanya ni Dominique nang tawagan niya ito upang kumustahin sana sa nalalapit na eleksyon.  “Now tell me where Yozack is.” “Straight ahead.  Left side.” “Thanks.  Take good care of Dominique.” “And be careful.  That’s the men’s locker room.” Sinundan niya ang direksyong sinabi ni Zell.  Habang papalapit sa kanyang destinasyon ay mas lalong lumakas ang t***k ng kanyang puso.  Buong-buo na ang desisyon niya ngayon.  Kailangang magpakatotoo na siya sa kanyang sarili at sa binata.  Kung hindi ay baka tuluyan na nga itong mawala sa kanya.   Bahagya namang nakabukas ang locker room kaya nakapasok siya agad.  Nanuot ang halo-halong amoy ng aftershave cologne, men’s perfume, at bath soap sa kanyang ilong kasabay ng pagkagulat ng mga lalaki roon na karamihan pa nga ay nakabalot lang ng towel ang katawan.  Kanya-kanyang diskarte ang mga ito sa kung paano maitatago ang mga katawan sa pangahas na babae. “Where’s Yozack?” she demanded. “Diosa.”  Gaya ng ibang kasamahan nito, nakatapis lang din ito.  “What are you doing here?” “Mag-usap tayo.” “Okay.  Hintayin mo ako sa labas.” “Hindi.  Ngayon na mismo.” “We can’t talk here.” “Then just listen to me.” Yozack eyed the half n***d men around them and then he pushed her out of the door.  Iniharang nito ang katawan sa pinto pagkatapos iyong isara.   “Okay, I’m listening.” “Hindi ka man lang ba magti-t-shirt?” “Nah, I’m fine.”  Humalukipkip pa ito. Hindi tuloy niya maiwasang pagmasdan ang magandang proportions ng katawan nito na ngayon lang niya napansin dahil sa sobrang excitement kanina nang makita ito.  Now she was speechless again.  Not because she doesn’t want to expose her feelings but because she just couldn’t help but admire everything about him.  Pero wala siyang balak na manahimik na naman ngayon.  Pagkakataon na niya ito at wala siyang balak na palagpasin iyon.  Kahit na nga halos ma-distract siya nang husto sa katawan nito. “Yozack, I want to tell you something.  I mean, a lot of things.” “Okay.” “Ahm…”  Ano na nga ba ang mga sasabihin niya?  s**t!  Nawala na naman siya.  Kaya inilabas na niya ang kanyang huling baraha.  Isang lukot-lukot na papel na pinagsulatan niya kanina ng mga dapat niyang sabihin habang nasa helicopter pa sila.  “Sorry sa mga sinabi ko sa iyo noon.  Sa mga kasinungalingang sinabi ko sa tuwing tatanungin mo ako tungkol sa personal kong nararamdaman.  Natatakot lang kasi akong ipakita sa iba ang feelings ko, lalo na sa mga taong mahalaga sa akin dahil alam kong makakaya nila akong saktan.  Lalo na sa iyo dahil alam kong sa isang salita mo lang, maaari na akong masaktan.  I’m afraid of rejections, Yozack.  So you’re right about me.  I’m not that tough.  Nagtatago lang ako sa katapangang iyon dahil mahina ako.  Pero ikaw na rin mismo ang nagpakita sa akin na okay lang ang maging mahina.  Dahil tao lang tayo at lahat tayo ay may kahinaan.   “I hated rejections.  That’s why everytime I refused to let you know my feelings for you.  Hindi ko naman kasi alam kung ano ang nararamdaman mo para sa akin.  At ang tendency ng mga gaya kong duwag, itago ang sarili.  Magsinungaling.  Hanggang sa hindi na namin alam na may nasasaktan na pala kami.  Hindi lang ang aming sarili.  Kung bakit ako nagsasalita ngayon, dahil hindi ko pala kayang mawala ka.  Ilang beses kitang nakitang may kasamang ibang babae.  Sa bawat pagkakataong iyon, parang gusto kong kaladkarin ang mga babaeng iyon at ipalapa sa mga buwaya.  I hated those women.  Bakit sila tinitingnan mo samantalang ako na lagi mong kasama, hindi?  Ano ba ang meron sila na wala ako?  E, mas maganda naman ako sa kanila.  And finally, I love the way you kissed me.  I don’t care if you have reasons for it just as long as you kissed me.  It was enough.”  Itiniklop niya ang sulat dahil hindi na niya mabasa ang iba pang nakasulat doon.  “’Yun lang.” Pinagmasdan niya ang guwapo nitong mukha sa mga magiging reaksyon nito.  But he just stared at her for a while.  Nang kumilos naman ito ay kinuha nito ang papel na hawak niya at muli iyong binasa.   “Why do you have to read it?  Nasabi ko na sa iyo ang lahat ng nandiyan.”  Wala pa rin itong imik.  “Wala ka man lang bang reaksyon?  Comments?  Suggestions?  Violent reactions?” “Ito lang ba ang kabuuan ng mga sasabihin mo?” “Ha?” “Kung ganon kulang pa ito.” “Kulang?” Nilamukos nito ang papel at basta na lang iyon itinapon sa likuran nito.  “Isa lang naman talaga ang gusto kong malaman, Diosa.” “Ano iyon?” “May gusto ka ba sa akin?” “Wala.” Sa wakas ay nagkaroon na rin ng reaksyon sa mukha nito.  Hindi nga lang maganda dahil tila nagalit pa ito. “Then what’s with all this confessions?  It seemed to me that you like me somehow.  Pero itinatanggi mo pa rin.  Ano ba talaga ang gusto mong palabasin, Diosa?” “That I just don’t like you.  I love you, Yozack.”  Lumapit pa siya rito nang husto.  “You made me noticed you so deal with me.” Hindi na niya ito hinintay pang magsalita nang basta na lang niyang hapitin ang batok nito at siilin ito ng halik sa mga labi.  Kasabay ng paglalapat ng kanilang mga labi ay ang pagyakap naman sa kanya ng mga braso nito.  He had welcomed her lips with his warm ones.  And she could almost feel the intensity of his kisses.  Malalim ang bawat halik nito, punung-puno ng matinding emosyon na nakakapagpaawit sa kanyang puso.   He had told her everything she was afraid to ask him.  na may nararamdaman din ito sa kanya.  Na espesyal din siya para rito.  Na mahal din siya nito.  Kahit ilusyon lang niya iyon.  She could take some illusions, just as long as it was with him.   “I love you, Diosa,” sambit nito nang sa wakas ay maghiwalay ang kanilang mga labi.  “Akala ko talaga hinding-hindi ka na matatauhan.  Susuko na sana talaga ako sa iyo dahil ayaw mong umamin sa nararamdaman mo.  Si Crista ang huling baraha ko.  Na wala rin nangyari dahil hindi ka pa rin umamin hanggang sa huli.” “Teka, anong ibig mong si Crista ang huling baraha mo?” “Kinuntsaba ko siya para pagselosin ka nang matindi para lang mapaamin ka.” “What?” “Pero hindi ka pa rin nga umamin kahit halata na ang pagseselos mo.  Na-frustrate ako kaya sinundan kita sa bathroom.  Sa sobrang frustrations ko sa iyo, kinalimutan ko ang napag-usapan namin ng mga kuya mo.  Na huwag na huwag kang hahalikan.” Lalo siyang naguluhan sa mga sinabi nito.  “Paanong napasok sa usapan ang mga kuya ko?” “Dahil noong una pa lang, sila na ang tumutulong sa akin para mapaibig ka.  Nang unang beses kitang makita noong magkatapatan sina Kai at Zia, nakuha mo na agad ang interes ko.  I just couldn’t get my eyes off you.  You were so pretty and smart and and funny—“ “And witty and sexy and oozing with s*x appeal.” “Yes, and those things.  Kaya hindi na kita tinigilan noon.  Ang kaso, unang diga ko pa lang sa iyo, tinanggihan mo na ako.  You even rejected my friendship.  Kaya naisip kong tigilan na lang ang mga balak ko.  I mean, marami pa namang babae akong makikilala na mas maganda at mas matalino sa iyo.  But then you kissed me and all my plans were dissolved.  Pero kinausap ako ng mga kuya mo.  ang sabi nila, kung gusto raw talaga kita, hayaan na lang kita sa mundo mo dahil hinding-hindi mo ako lilingunin kung ayaw mo.  Hindi ako nakinig.  That’s when I kissed you.  Your brothers almost tore me into pieces after that.  Kung ano-ano na ring pagbabanta ang ginawa nila sa akin.  Hindi ako nakinig.  I guess noon pa man, mahal na talaga kita.  At nakita siguro iyon ng mga kuya mo kaya tinulungan na rin nila akong makuha ang atensyon mo.  Sila ang nagsabi sa akin na sa tuwing lalapit ako sa iyo ay huwag kong patulan ang mga ipapakita mong interes sa akin.  Para mas ma-curious ka sa akin hanggang sa huli ay mabuhos na sa akin ang atensyon mo.  Effective naman, hindi ba?” “Oo.”  Hindi niya akalain na magagawang harapin nito ang mga kuya niya para lang makuha siya.   Hinaplos nito ang kanyang buhok.  “You’ve always been my little goddess.  Lagi kitang naiisip sa gabi.” “Sa gabi lang?” “Sa bawat sandali.  Hindi mo lang alam kung paano akong halos mabaliw na sa tuwing tatanggihan mo ang mga tanong ko sa iyo kung may nararamdaman ka sa akin.” “Akala ko hindi marunong magmahal ang mga playboy.” “Anong hindi?  Mas matindi nga kami kapag nagmahal dahil ibig sabihin ay titino na kami para sa babaeng mahal namin.” “So, inaamin mo ngang playboy ka?” “Na tumino nang dahil sa iyo.” Gusto niyang tumili.  Ngunit nakuntento na lang siya sa isang ngiti.  “Ang dami kong hang-ups sa buhay.  Pasensiya ka na.  Tumagal tuloy tayo ng ganito.” “Okay lang.  Its all worth it.  At wala ako ni isang pinagsisisihan sa mga naging kalbaryo ko nang dahil sa iyo.  In a way siguro, paraan ko na rin iyon para humingi ng tawad sa mga babaeng dumaan sa buhay ko na hindi ko nakayang pagbigyan ng puso ko.”  Muli siya nitong niyakap.  “At may kasalanan din ako kung bakit tayo umabot ng ganito katagal.  Hindi kasi ako nagtapat nang mga panahong dapat ay nagtatapat na ako.” “Bakit nga ba?” “Sinabihan ako ng mga kuya mong huwag magtapat hangga’t hindi ikaw ang unang nagtatapat.  Or else mababalewala ang lahat ng pinaghirapan namin.  Dahil nga sa tendency mong mambalewala kapag nawalan ka nang interes.” “Sina Kuya na naman pala ang dahilan.  Hanggang saan ka ba nakinig sa mga payo nila?” “Hanggang sa makuha ko ang pag-ibig mo.  And I’m glad I listened to them.” “’Buti hindi ka nila pinag-trip-an.” “Nope.  Nakuha ko yata kasi ang boto nila nang alagaan kita noong sumakit ang ngipin mo.” “Oh, yeah.  Salamat uli doon, ha?” “Ako dapat ang magpasalamat.  Kung hindi dahil sumakit ang ngipin mo, hindi ako makakalapit nang husto sa iyo.  Although I’m not saying na natutuwa ako sa pagsakit ng ngipin mong iyon.  All I’m saying is that—“ Muli niyang kinabig ang batok nito at siniil ito ng halik sa mga labi.  “Tama ng daldal iyan, Yozack.  It was enough that you told me you love me.” He tightened his arms around her.  “Sabi ko nga.” They were sharing their sweet kisses once again.  At nakalimutan na niya kung pang-ilang halik na iyon nila ni Yozack.  Ang importante na lang sa kanya ngayon, nasa kanya na rin ang pag-ibig nito.   May kumatok mula sa pinto ng locker room. “Yozack, hindi pa ba kayo tapos diyan?  Pare, gusto na naming lumabas.” “Napa-praning na kami rito.” “Ang sabi pa naman nila, may lumalabas daw ditong multong bakla.” Yozack didn’t stop kissing her and just knocked back at them.  “Nagpapauso na naman kayo ng mga kuwento!  Diyan na muna kayo.  Hindi pa kami tapos dito.” “Pakasalan mo na muna si Diosa bago ninyo tapusin ang kung anomang tinatapos ninyo diyan.” “I will.”  Yozack rained her face with tiny kisses.  “After we’re finish here.”     THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD