“DIOSA, DARLING baby. Bakit kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili mo? May problema ba?”
Sumiksik lang si Diosa sa tabi ng ina. Parang bagyo ang naging pagtatapos ng eksena nila ni Yozack sa Café Helenas kanina. He kissed her and then he just left with those irritating parting words. At ang peste naman niyang puso, parang walang anoman iyon. She was supposed to hate him. Dini-disregard lang kasi nito ang nararamdaman niya. Hahalikan siya nito at pagkatapos ay babalik sa kandungan ng ibang babae. Hinabol nga niya ito para sana kumprontahin. Ngunit nakaalis na pala ito. Medyo natagalan pa kasi siya ng kaunti bago mahimasmasan kaya hindi na tuloy niya ito naabutan.
At bitbit niya hanggang sa kanilang bahay ang dilemma niyang iyon.
“Mommy, may nangyari sa akin kanina.”
“Ano iyon?”
“Someone kissed me.”
“That Yozack guy?”
Napaangat siya ng mukha. “Kilala ninyo si Yozack?”
“He kissed you again? Aba, nakakarami na yata siya sa aming unica baby.”
“Paano ninyong nakilala si Yozack? At paano ninyong nalaman na nahalikan na niya ako dati?” Then it struck her. “Sinabi nina Kuya Trigger?! Ang dalawang asungot talaga na iyon!”
“Kung ganon hinalikan ka nga niya uli?”
Hindi na siya nakatanggi sa ina. Inamin na niya rito ang totoo. “Pero balewala lang naman iyon sa kanya, Mommy. Dahil sa tuwing hahalikan niya ako, lagi niyang sinasabing ‘wala lang iyon’.”
“Naniwala ka naman na wala lang nga talaga iyon?”
Sumandal siya sa kinauupuan. “Ano naman ang magiging dahilan niya bukod sa masarap lang talaga akong halikan?”
“What else do you think?”
Nilingon niya ang ina. “May…gusto siya sa akin?”
“Anak, sino ba naman ang makakatanggi sa ganda mong iyan? Mana ka sa akin, eh. Okay, so now tell me kung bakit umabot ng ganito katagal ang drama ninyong ito.”
Atubili na siya sa pagsasalita. Kahit kailan talaga, hindi siya kumportableng pag-usapan ang kanyang mga nararamdaman. She hated revealing herself. Dahil baka may makitang flaw sa kanya ang ibang tao at ayawan na siya. But this was her mom. Ang taong laging nakaalalay sa kanya, sumusuporta sa lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya at makikipag-away sa mga pulis at abogado para lang ipagtanggol siya, kahit siya ang mali.
If she exposed her feelings now, her mom was the last person who would criticize her. Niyakap niya ito.
“I love him, Mommy. Kaya nga siguro hinahayaan ko siyang halikan ako kahit ang dahilan niya ay wala lang. ngayon lang ako nakaramdaman ng ganito. ‘Yun bang tipong nakakalimutan ko na kung sino ako at kung paano ninyo ako pinalaki dahil lang sa nariyan siya sa harap ko. Nanghihina ako kapag siya na ang pinag-uusapan. Hindi ko kayang maging matapang sa harap niya, Mommy. Siya lang ang tanging lalaking nakapagparamdam sa akin na okay lang maging mahina. Dahil nandiyan lang naman siya sa tabi ko para ipagtanggol ako.”
“Napakasuwerte ng kulugong iyon.”
“His name’s Yozack, Mom.”
“Okay. O, tapos?”
“He’s the first guy who made me take notice. Nasanay akong sarili ko lang ang nakikita ko at ang mga bagay na mapapakinabangan ko. The rest, dini-discard ko na. Kay Yozack, hindi ko mapigilang hindi siya tingnan kahit nasa ibang direksyon ang tingin niya.”
“Hindi ka niya tinitingnan at nasa ibang direksyon ang tingin niya? Baka naman duling iyon, anak. Dapat nga lang natin siyang unawain—“
“Mommy, he’s perfectly fine. And he has the most beautiful eyes I’ve ever seen.” She filled her mind with his smiling eyes, sexy lips and handsome face. “He’s the most handsome man I’ve ever known. At alam mo, Mommy, nagtiyaga siyang alagaan ako noong sumakit ang ngipin ko. Kahit na nga bugbog-sarado siya sa akin, hindi niya ako iniwan.”
“Talaga? That sounds nice.”
“Oo nga, Mommy. Now can you blame me if I’ve fallen inlove with him?”
Natawa lang ito. “Hija, kapag nagmahal ka, hindi ka puwedeng magkamali. Kaya nga hindi ka dapat nagsisisi. E, matanong ko lang. Nasabi mo na ang mga iyan sa kanya?”
“Hindi. Ayoko, Mommy.”
“Why not?”
“Paano kung tanggihan niya ako?”
“Paano kung tanggapin ka niya?”
Napaisip siya. Oo nga, ‘no? There’s a fifty percent chance that he liked her as well. Kaya lang, meron ding fifty percent chance na wala naman itong nararamdaman para sa kanya. Isinubsob niya ang mukha sa balikat ng ina.
“Mommy, anong gagawin ko? I don’t like this kind of feeling. Ang pangit. Hindi bagay sa akin.”
“Then do something about it.”
“Nasabi ko na rin iyan sa sarili ko. Pero ano naman ang puwede kong gawin?”
“Well, first things first. Kumain na muna tayo. Nagugutom ka kasi ako, eh. Naririnig ko ng nagrereklamo ang tiyan ko.”
Naiwan siya sa sofa nang tumayo ang ina. Muli tuloy itong bumalik sa tabi niya at hinaplos ang kanyang buhok.
“Let’s talk about this with your dad and brothers.”
“Baka pagtawanan nila ako, Mommy.”
“Gigilitan ko sila ng leeg kapag may nakita ako kahit isang ngipin nila na lumabas habang nagsasalita ka. But I’m sure we don’t have to resort to that. Ikaw ang nag-iisang prinsesa ng mga Samaniego. Imposibleng pagtawanan ka nila lalo na at seryoso iyang problema mo. Let’s go—“
“Mommy!”
Ever the eternal mama’s boys, dinumog ng mga kuya niya ang kanilang ina. Kanya-kanya ng yakap at halik ang mga ito. Siya naman at sinalubong ang kanilang ama na kasabay marahil ng mga kuya niyang dumating.
“Parang may nagbago sa iyo, Diosa,” puna nito. “You’re not your usual self.”
“May konting problema lang, Dad.”
“Saan?”
“Sa puso,” sagot ng kanyang ina. Nasa magkabilang tabi na nito ang kambal habang nakayakap pa rin dito. “Our litlte baby is all grown up.”
“You’re inlove?” Gaya ng mga kuya niya, their father possessed the ability to make anyone around them got addicted to his smile. Their mom fell for that particular smile. “Pero bakit parang malungkot ka pa rin?”
Tinapunan niya ng tingin ang mga kuya niya. Nakamasid lang ang mga ito sa kanya, tila ba hinahayaan siya sa kung ano ang magiging diskarte niya sa buhay.
“Yes, I’m inlove. His name’s Yozack. Alam na siguro ninyo iyon dahil naidaldal na sa inyo nina Kuya.”
“I haven’t heard anything about it,” her dad said before turning to their mother.
“Hindi ko na talaga sinabi sa iyo ang tungkol doon, Alec dear. Naisip ko kasing malalaki na naman ang mga anak natin at dahil galing sa atin ang genes nila, kaya na nilang lusutan ang lahat ng problema nila.”
“Kaya naman talaga, Mommy,” wika ng Kuya Trigger niya. “Itong si Maning lang ang nagpapagulo.”
“Simple lang naman talaga ang problema ni Diosa kung tutuusin,” segunda ng Kuya Jigger niya. “All she needed to do was say it.”
“Hindi ganon kasimple iyon! Palibhasa hindi pa kayo nagmamahal kaya ganyan ang tingin ninyo sa nangyayari sa akin!” Natahimik ang mga ito. Sabi na nga ba, hindi pa natututong maghamal ang dalawang kumag na ito. “Akala ninyo larong pambata lang ang lahat na puwede ninyong pakialaman kung kailan ninyo gusto.”
“May nangyari na ba?”
“Jigger, Trigger,” baling dito ng kanilang ama. “May kinalaman ba kayo sa nangyayari sa kapatid ninyo ngayon?”
“Wala naman, Dad.”
“Boys.” Kapag ganon ang tono ng kanilang ama, siguradong seryoso na ito. And her brothers, who had so much respect on him, couldn’t deny.
“Dad, hindi kami puwedeng makialam kahit gustuhin man naming tulungan si Diosa.”
“Manipulators lang kami. Hindi spokespersons.”
“And what’s that supposed to mean?”
“You’re asking the wrong person, sis. Si Yozack dapat ang kinakausap mo. Hindi kami.”
Naguguluhan siya sa sinasabi ng mga ito. Kumilos na ang kanilang ama. Saglit itong may tinawagan bago muling hinarap ang mga kuya niya.
“I heard that Yozack guy is a part of the Stallion Riding Club sa Laguna,” wika nito. “Handa na ang chopper. Dalhin ninyo rito ang lalaking iyon.”
“Dad, anong gagawin dito ni Yozack?”
“Kakausapin ko lang siya.” Itinaas pa nito ang isang kamay. “Pramis.”
Lalo siyang naging diskumpiyado sa iginawi nito. Narinig niyang tumawa ang kanyang ina.
“Alec dear, sa akin lang bagay ang mga ganyang movements.” Hinalikan nito sa pisngi ang mga kuya niya. “Sige na, sunduin na ninyo ang lalaking iyon. Gusto ko rin siyang makausap.”
Paalis na ang mga kuya niya nang magdesisyon siya. “Kuya, sandali! Sasama na ako.”
“Bakit?”
“Ako na muna ang kakausap kay Yozack.”
“Magtatapat ka na?”
“Hindi, ‘no? Kakausapin ko lang siya.”
“Magtatapat ka na nga.”
“Kakausapin—“
Sabay siyang inakbayan ng mga kuya niya habang palabas ng bahay. “Ano man ang mangyari, we still wish you all the best, sis.”
“And you can thank us later, too.”