CHAPTER 13

2556 Words
DIOSA TAPPED her pen on her sketch pad.  She’d been trying to create a new designs for her creations.  Tinawagan na kasi siya ng mga clothing companies kung saan isa siya sa mga senior designers.  Pero nakakadalawang order na siya ng mocha frappe ay wala pa ring pumapasok na kahit na anong idea sa utak niya.  And all she came up with were weird sketches of undecipherable things on her paper.  At ang utak niyang ilang beses na niyang pinakiusapan na makisama naman ay walang ginawa kundi ang punuin ng mga larawan ng guwapong mukha ni Yozack ang kanyang alaala. Tatlong araw na mula nang magpahatid siya sa Maynila mula sa Stallion Riding Club.  Dumating na kasi ang mga magulang niya galing Australia kung saan ang huling destinasyon ng mga ito para sa kanilang around-the-world tour.  Nagpapahinga na ang mga ito sa kanilang bahay sa isang exclusive village sa Marikina.   “Hay naku, nakakainis!”  Naupo sa bakanteng silya sa table niya si Cheka, ang isa sa mga waitress ng naturang café bar.  Dinukot nito sa bulsa ng uniporme ang isang face powder at walang kiyemeng nag-retouch.  “Ang hirap talagang magbanat ng buto, ‘no?  Nakaka-oily ng skin.  Mabuti ka pa at nakaligtas dito kahit paano.” “Kaya mo rin namang makawala sa obligasyon mo rito kung gugustuhin mo,” wika niya.  “You’re an international model now, aren’t you?  Kapag nagto-tour ka na sa ibang bansa.” “Well, yeah…” Kapitbahay at kababata niya si Cheka since magkakaibigan ang kanilang mga magulang sa iisang village kung saan karamihan sa kanila ay doon pa rin nakatira.  At dahil sa isang pangako noon ng mga magulang nilang iyon kaya ngayon ay heto silang mga anak na nagseserbisyo sa Café Helenas minsan sa isang buwan.  May sentimental value raw kasi ang lugar na iyon sa mga ito kaya dapat lang na alagaan nilang mga anak iyon.  When she was in highschool, madalas na siya roon mag-waitress.  Natigil lang iyon nang magpunta siya sa America para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. “Yozack Florencio,” sambit ni Cheka. Napamaang siya rito.  “Paano mong nakilala si Yozack?” Itinaas niya ang sketch pad niya.  Ang mga weird na sulat niya roon ay may isang malinaw na pangalang rumehistro.  Yozack Florencio. “Ikaw, ha?  Kaya pala kanina pa kita napapansin na parang lumilipad ang isip.  Naalala mo ang iyong fafa.” Binawi niya rito ang sketch pad at pinagmasdan iyon.  “Oo nga, eh.  I miss him.” “Tawagan mo.  Kaya nga nauso ang cellphone para sa mga hopeless romantics na gaya mo.” “I can’t.” “Why not?” “Gusto ko muna kasi siyang kalimutan ngayon.  Nagugulo kasi ang utak ko kapag nasa tabi ko siya.  Hindi ko alam kung ano ang gusto at ayaw ko.” “Sino ba naman kasi ang nagsabi sa iyong matino ang magmahal?  Kayanga maraming nababaliw sa pag-ibig, di ba?  Ganon talaga iyon.” “May boyfriend ka na?” “Dati.  Pero ngayon wala na muna.  And anyway, puwede naman akong magka-boyfriend kung gugustuhin ko.  Ang daming guwapo sa paligid.” Iminuwestra pa nito ang mga lalaking customers ng Café Helenas.  Isa-isa rin nitong itinuro ang mga kapitbahay nilang lalaki sa village na naroon at pinagsisilbihan ang mga customers.  Mga guwapo nga ang mga ito.  Ngunit wala siyang ibang guwapong mukhang hinahanap kundi ang mukha ni Yozack. “You’re not interested,” wika nito nang mapansin ang reaksyon niya.  “Ang suwerte ng boyfriend mo.  Wala kang ibang tinitingnan kundi siya.” “He’s not my boyfriend.” “He’s not?  E, sino iyong iniisip mo kanina pa?” “The man I love.” “O, e di boyfriend mo nga.” “Hindi nga, eh.  Hindi kasi niya alam ang nararamdaman ko.” “E, bakit hindi mo sinabi?” “Marami pa kasi akong gustong linawin sa sarili ko.” “Tulad ng?” “Hindi ko rin alam, eh.  Basta, may dapat akong i-straightened out sa akin bago ko siya harapin uli.” “Hmm.  Bilisan mo lang at baka kung kailan maayos na ang lahat sa iyo, wala ka na palang babalikan.” “Huwag ka namang ganyan, Cheka.  Just wish me luck, okay?” Napailing na lang ito saka ipinagpatuloy ang pagre-retouch.  Subalit pinag-alala siya ng mga sinabi nito.  Kahit sa kanya ay malabo ang mga gusto niyang linawin sa sarili at paano na nga kung sa pagbabalik niya kay Yozack ay may ibang babae na ito?  Ano na ang gagawin niya kung sakali? Lumapit sa kanila ang manager ng Café Helenas na si Tanner.  Isa ito sa dalawang anak ng may-ari naturang establishment. “Diosa, wala ka bang ginagawa ngayon?  Marami-rami ang mga customers ngayon at kinukulang na kami sa mga tao.  Tatlo kasi sa mga nakatoka ngayon dito ang hindi nakarating dahil sa kung ano-anong dahilan.  Could you give us a hand for a while?” “Sige, okay lang.” “Cheka, hindi mo ba puwedeng gawin iyan sa women’s bathroom?” “Oo na po, Impong.”  Tumayo na ito at ibinalik ang face powder sa bulsa ng uniporme.  “Maganda na ba ako?” “You were always pretty, Cheka.  So, puwede mo bang kunin ang ibang mga orders ng mga customers?” “Well…” “Please?” “Okay.” “Daig mo pala ang may Day Care Center dito, Tanner.” “You have no idea.”  Ibinigay na nito sa kanya ang apron na nagsisilbing uniporme na rin.  “Ang pangit naman nitong uniform ninyo rito.  Ipaalala mo sa akin ang tungkol dito, Tanner.  Ako na ang magde-design ng bagong uniform ng mga tauhan mo rito.” “Thank you.  Ilang beses na nga ring nagreklamo sa akin sina Cheka at Ishi.  Manang-mana raw sa akin ang uniform ng mga tauhan ko.  Walang taste.” Hinawakan nito ang sketch pad niya habang isinusuot niya ang uniporme.  Kaya hindi naiwasan pang makita nito ang nakasulat doon. “Yozack Florencio,” sambit nito, gaya ng pagkakasambit ni Cheka kanina.  Ibinalik na nito iyon sa kanya pagkatapos niyang magbihis. “Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung sino ang lalaking ito sa buhay ko?” “I don’t have to.  Nasabi na sa akin nina Jigger.”  May inginuso ito sa bandang entrance ng café.  “That’s him, right?” Si Yozack nga ang nakita niyang papasok na ngayon ng naturang establishment.  Na may kasamang ibang babae.  Hindi si Andrea.  Mas maganda ito at mas sopistikada.  Puwedeng-puwedeng ipangtapat sa kanya.  Agad sinaklot ng matinding selos ang puso niya.  Naalala niya ang mga sinabi ni Cheka kanina.   Bilisan mo lang at baka kung kailan maayos na ang lahat sa iyo, wala ka na palang babalikan. Huli na nga ba siya? “The woman was pretty,” narinig niyang wika ni Tanner sa kanyang tabi.  “Pero kayang-kaya mo iyan, Diosa.  Ano pa at pinangalanan ka ni Tita Pretzel ng Diosa kung hindi mo iyon paninindigan?” He winked at her before he went back to the counter.  Nararamdaman niya ang matinding selos pero walang anomang rumerehistrong anomang pag-aaklas sa dibdib niya.  Ibig sabihin ba ay isunusuko na niya si Yozack? No! sigaw niya sa isip. Then do something, sagot naman ng munting tinig na iyon sa utak niya.   Do what? Nakita niyang napalingon sa direksyon niya si Yozack at ngumiti.  Lalo lamang tila may pumiga sa puso niya.  She still loves him so much!  Ayaw niya itong isuko.  Ngunit ano na ang gagawin niya para makuha itong muli?  Hindi na dapat siyang lumayo pa noong una.  Ngayon tuloy ay kailangan niyang magdusa sa katangahan niya.  Hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sariling naglalakad patungo sa table ng mga ito.  Halos mabingi na siya sa lakas ng kaba sa kanyang dibdib nang sa wakas ay makarating sa puwesto ng mga ito.   He looked even more handsome now than the last time she’d seen him.  And she just missed him so much. “Bakit ngayon ka lang lumapit?” antipatikang tanong sa kanya ng babae.  “Kanina pa kami naghihintay dito, ah.” Yozack, bakit naghanap ka agad ng ibang babae?  Talaga bang wala kang nararamdaman sa akin?  Nawalan din pala ng silbi ang pangangalaga at pagpoprotekta niya sa kanyang puso para hindi masaktan.  Dahil nasasaktan na siya ngayon. “Brewed coffee.  No sugar.  Hurry up.  Ang bagal-bagal mong kumilos.” “How about you, Yoz—I mean, Sir?  What’s your order?” “I’ll just order later, thanks.” Tila siya ipinaghele nang sa wakas ay marinig ang boses nito.  Talk to me, Yozack.  Ask me to come back to you.  Tell me you love me too. “Ano pang itinatayo mo riyan?” asik uli ng babae sa kanya. Subalit ilang sandali pa siyang nanatiling nakamasid lang sa binata bago iniwan ang mga ito.  Sa counter siya dumiretso upang ibigay ang order. “What a b***h!” narinig niyang wika ni Robyn nang magtungo na rin ito sa counter upang ibigay ang mga nakuha nitong orders.  “Narinig ko kung paano alipustahin ng babaeng iyon si Diosa.” “Ikaw naman kasi, Diosa,” singit na rin ni Ishi.  “Nakarating ka lang sa America, tumino ka na.  What happened to you?  Noon ikaw ang laging gerera sa atin kapag may nang-aaway sa atin sa village.  Tapos ngayon, pumapayag ka ng ganyanin?  Nasaan na ang Diosa Samaniego na nakilala namin?” Tinanong din niya iyon sa kanyang sarili.  Ano na nga ang nangyari sa Diosa na walang katulad?  Na hindi nagpapaapi?  Kung hindi niya makikilalang muli ang kanyang sarili, baka tuluyan na ngang mawala sa kanya ang lalaking minahal niya nang husto.   So, a girl’s got to do what a girl’s got to do.  Walang susuko.  Lalaban siya hangga’t hindi sinasabi ni Yozack na hindi siya nito mahal.  Dumating na ang kapeng in-order niya.  Lihim siyang tsini-cheer ng mga kababata niya habang patungo siya sa table nina Yozack.  Ngunit mataman itong nakikinig sa kuwento ng babaeng kasama nito kaya hindi man lang siya nito tiningnan.   Bakit ayaw mo akong tingnan, Yozack?  Para namang ‘the others’.  Para namang wala tayong pinagsamahan sa Stallion Riding Club.  Para namang hindi tayo naghalikan.  Ng dalawang beses! Lihim niya itong sinipa.  Sa wakas ay tumingin na rin ito sa kanya.  Tila naging panggatong sa natutulog niyang dugo ang sulsol ng mga kababata kaya ngayon ay nagawa na rin niyang ngitian si Yozack. “O-order na ba kayo, Sir?” “Sinabi na niyang hindi pa siya o-order,” sagot ng babae para rito.  “Hindi mo ba naintindihan iyon?” “Crista, its okay.  O-order na rin naman ako.”  He looked over the menu.  Habang ang malditang si Crista ay panay lang ang irap sa kanya.  Well, sorry na lang ito dahil mas maldita siya rito.  At hello, mas maganda ako sa antipatikang iyan, ‘no?  Mas mabait pa. “Yozack, kumusta ka na?”  Napaangat ng tingin sa kanya ang binata.  Pinigilan niya ang sariling huwag palunod sa sobrang t***k ng kanyang puso.  “Natatandaan mo pa ako?  Ako natatandaan pa kita.  Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga pinagsamahan natin sa Stallion Riding Club.  I miss those days.  And I…miss you.” Parang gusto na niyang tumakbo pabalik ng counter at maghukay kung saan niya ibuburo ang sarili nang wala man lang siyang makuhang reaksyon sa binata.  Tahimik lang siya nitong pinagmasdan.   You’re not an ordinary woman, Diosa.  Ipakita mo iyan sa kanya.  So, she stayed put and continued her own version of confession. “Lagi kong naalala ‘yung mga araw natin doon.  Especially the time when you kissed me.  Twice.”  Okay, that wasn’t all true.  But hey, this was her moment.  “I was waiting for your call.  And then I remembered, wala ka nga palang cellphone number ko.” “Excuse me,” singit ni Crista na namumula na ang mukha at naniningkit ang mga mata sa sobrang pagpipigil sa galit nito sa kanya.  “Are you talking to my boyfriend?” “You’re his girlfriend?  Official or non-official?” “Aba’t—Hoy, hindi papatol sa isang pangit na gaya mo si Yozack!  And he would definitely would not kiss someone like you.  You’re not his type.” Daig pa niya ang nasampal sa sinabi nito.  You’re not his type.  Umalingawngaw iyon sa isip niya.  I’m not his type.  Kaya ba ni minsan ay hindi ito nagpahiwatig na may gusto ito sa kanya?  Then why did he kiss me? Women kiss me all the time, for no particular reason. Those were Yozack’s own words.  Maaari kayang pareho rin ng prinsipyo ng mga babaeng humahalik dito ang prinsipyo nito?  That he would also kiss a woman just for the heck of it?  Kung ganon, hinalikan lang din siya nito dahil…wala lang. She snatched the menu from him and faced the woman.  “Come on, girl.  Yozack’s a player.  Natural lang sa kanya ang manghalik ng walang dahilan.  Get used to it.” And then she went to the bathroom.  Doon niya balak na maglabas ng sama ng loob dahil sa mga nalaman subalit naistorbo naman siya nang mag-ingay ang kanyang cellphone.  Hindi pa sana niya iyon sasagutin kung hindi lang niya nakita ang nakarehistrong caller niya. “Hello, Mommy.” “Diosa, my darling baby girl!  Ang ganda talaga ng boses mo kahit sa phone.  Manang-mana ka kay Mommy.” Naudlot ang mga nagbabantang luha sa kanyang mga mata at napalitan iyon ng ngiti sa kanyang mga labi.  Her mom always made her day. “Tatapusin ko lang ang one-hour shift ko rito sa Café Helenas, ‘My.  Then I’ll treat you to lunch.” “Naku, huwag na.  Dito tayong lahat sa bahay magla-lunch.  Matagal-tagal na panahon na rin mula nang huli tayong nagkasalo-salo sa hapag-kainan na kumpleto.  Be here before lunch, okay?” “Yes, ‘My.” “Is there something wrong, hija?” “Bakit po?” “You sound a bit…sad.  Bakit?  May nangyari ba sa iyo?  natalo ka ba sa Jai Alai?” “Hindi ako nagsusugal, Mommy.” “Well, you know…” Hindi na niya nasundan ang sinasabi ng ina dahil nakita niyang pumasok na ng banyong iyon si Yozack matapos i-lock ang pinto.  Wala na rin siyang pagkakataon na makuwestiyon ito dahil isinalya na siya nito sa pinto ng isa sa mga cubicle doon at siniil siya ng halik sa kanyang mga labi.  It was just a very brief kiss but it sent her thoughts into haywire. “Sorry,” wika nito na kulang naman sa sinseridad ang paghingi ng paumanhin.  “I just had the urge to kiss you.” Napalunok siya.  Tumatahip nang husto ang kanyang dibdib.  “W-why—?” “No particular reason.”  Muli siya nitong hinalikan.  Mas masuyo nga lang ngayon, at mas matagal.  They were both huffing when he ended the kiss.  “Get used to it, Diosa.” What?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD