NAPABUNTUNGHININGA NA lang si Diosa habang pinagmamasdan si Yozack na inaayos ang saddle na gagamitin sa likod ng kabayo nito. Napakaganda talaga nitong tingnan kapag naka-uniform ito. Kahit saang anggulo niya tingnan, wala itong flaw. At hinding-hindi na yata niya ito pagsasawaang panoorin pa.
Mula sa kuwadra ay lumabas ang dalawa pang Club members na unipormado rin hawak ang renda ng kani-kanilang mga kabayo. Agad niyang nakilala ang mga itong sina Kai at Reigan na minsan na niyang nakilala sa Clubhouse. Guwapo at napakakisig din ng mga ito sa kanilng uniform. Ngunit nanatiling na kay Yozack lang talaga ang kanyang atensyon.
“Yozack, narinig namin na may ka-date ka raw ngayon. Alam na ba iyan ni Diosa?”
“Baka ibitin ka nun ng patiwarik.”
Hinarap ang mga ito ng binata. “Oo, alam na ni Diosa. In fact, kasama ko na nga siya ngayon.”
Itinuro siya nito at sabay na napalingon sa kanya ang mga lalaki. Subalit imbes na mapahiya ay ngumisi pa ang mga ito nang lumapit sa kanya.
“Diosa, hindi pa ako nakakapagpasalamat sa iyo sa tulong na nagawa mo para sa akin ni Zia ko.”
“Walang anoman iyon, Kai. Kumusta na nga pala si Zia? Pinakasalan mo na ba?”
“Next month. By the way, totohanan na ba itong sa inyo ni Yozack?”
“Baka magsisi ka,” dugtong na biro ni Reigan.
Lumapit na si Yozack sa kanyang tabi at hinarap ang mga ito. “Leave Diosa alone, you mere muggles.”
Imbes na sundin ito ay tatawa-tawa lang na naglabas ng cellphone ang mga ito at sunod-sunod silang kinuhaan ng larawan ni Yozack. Nakapagtatakang hinayaan lang ang mga ito ng binata samantang pinalalayas na nga nito ang mga kaibigan.
“Teka, alam na ba nina kambal na itatanan mo ang munting Diosa nila?” tanong ni Reigan. “Baka mamaya, malaman na lang namin na ibinibitin ka na pala nila ng patiwarik sa puno.”
“Alam na nila ito.” Saglit pa siyang sinulyapan ni Yozack. “May basbas na nila kami.”
“Iyan ang gusto ko sa iyo, bata,” wika naman ni Kai na tinapik-tapik pa ito sa balikat. “Mabilis kang magtrabaho.”
“Kailangan lang.”
Hindi niya maintindihan ang direksyon ng pag-uusap ng mga ito. Subalit dahil maganda naman ang pakiramdaman niya ay hindi na siya nagsalita pa. Mukha naman kasing sila pa rin ni Yozack ang tinutukso ng mga ito sa isa’t isa. Kaya masaya na rin siya. Nalukot lang ang mukha niya nang may isang babaeng lumapit sa kanila. Diretso ang ngiti at mga mata nito kay Yozack. She remembered this woman. Andrea Calderon, ang nauna ng babaeng nakita niyang laging nakadikit sa binata bago sila nagkaroon ng isyu sa isa’t isa.
“I knew I’d find you here. Puwede ba tayong mag-usap sandali, Yozack? Importante lang.”
“Ah, can’t it wait? May pupuntahan pa kasi kami ni Diosa.”
Tinapunan lang siya ng sulyap ng babae na tila ba isang alikabok lang siya sa mga mata nito. b***h!
“Sandali lang naman tayong mag-uusap, Yozack. And anyway, its about business so I’m sure mas uunahin mo iyon kaysa…” Muli siya nitong tinapunan ng tingin. “Sa ibang bagay. I’m putting up a coffee shop, at iniisip kong kunin ang company mo para maging major supplier din namin ng kape. How about it?”
Nilingon siya ni Yozack. Halatang nagdadalawang isip din itong pagbigyan ang babaeng biatch. “Diosa, can I leave you here for a moment? Kakausapin ko lang sandali si Andrea. Sandaling-sandali lang kami—“
“Go ahead.” How dare you! Ipagpapalit mo ako sa impaktang iyan?! “Mas importante naman talaga ang negosyo.”
“Hindi naman sa ganon, Diosa—“
“Oo na, naiintindihan ko na.” Nilingon niya ang malawak na lupain sa harapan nila. “Mag-iikot-ikot na lang muna siguro ako.”
“Wait for me, okay?”
“Okay.”
Pinisil nito ang kanyang kamay bago sumama na kay Andrea. Gustung-gusto na niyang utusan ang mga kabayo roon na sipain ang bruhang mang-aagaw, kung sana’y nakakaintindi lang ang mga hayop. Hindi naman na lumayo pa ang mga ito kaya nakikita pa rin niya kung paanong lumingkis ang babae sa mga braso ni Yozack. Inaakit nito ang binata! At ang sira ulo namang si ungas, nagpapaakit pa!
“Babaero talaga kahit kailan!” sambit niya. Na narinig naman ng dalawang lalaking kasama niya.
“Don’t mind them, Diosa. Come on, kami na muna ang magpapasyal sa iyo habang hindi pa sila tapos mag-usap.”
“Ayoko. Salamat na lang, Reigan.”
“Nakakasama ka naman ng loob, Diosa. Dalawa na nga kaming guwapo na kasama mo, hindi ka pa kuntento.”
Binalingan niya ang mga ito. “Hindi ba ninyo pupuntahan ang mga girlfriends ninyo? Hayaan na lang ninyo ako rito. Kaya ko na ang sarili ko.”
“But we can’t leave you here. Baka kung anong gawin mo.”
“Ano naman ang gagawin ko—“ Muli siyang napalingon sa direksyon nina Yozack nang marinig niya ang tawanan ng mga ito. “Puwede ko bang ipakaladkad sa mga kabayo ang babaeng iyon? Gusto ko siyang makitang magkaluray-luray.”
“Ahm…”
“Nevermind. I was just kidding.” Pero kung magkakaroon lang siya ng pagkakataon, hindi malayong gawin nga niya ang naisip na planong iyon. Nagseselos ka kasi siyang talaga.
Ang Yozack naman kasing iyon, hindi man lang inisip na may nauna na itong kasama. Basta na lang siya nito pinabayaan. At gumagawa pa ng kalokohan sa harap pa mismo niya. Sinong umiibig ang hindi magdadalamhati? Anak ng patis! Sa sobrang selos niya ay nakakapangilabot na mga salita na tuloy ang mga nasasabi niya kahit sa isip.
Hanggang sa hindi na rin siya nakatiis. “Puwede bang magpahatid na sa inyo sa Clubhouse?”
“Pero hindi ba’t may date pa kayo ni Yozack?”
“Hintayin mo na siya, Diosa. Sandali na lang naman siguro iyon.”
Tinalikuran na lang niya ang mga ito at sinalubong ang bagong dating. Zell was riding at the back of his own horse and looked at her with a knotted forehead when she approached him. Halata ang hindi magandang timpla ng mood nito Pero wala siyang pakialam. Mas dapat intindihin ng tadhana ang init ng ulo niya.
“Could you take me back to the Clubhouse?”
“And why would I do that?”
“Dahil ako lang ang makakatulong sa iyo kay Paz Dominique.”
Saglit itong nag-isip. “And why would I be needing your help?”
Ang hirap talagang kausap ng isang ito! “Because you love her and she loves you. Tamaan ng kidlat si Yozack kung mali ako.”
Kahit hindi tumingin ay alam niyang direksyon ng binata ang tiningnan ni Zell bago muling bumaling sa kanya. Akala niya ay hindi na ito matitinag. But then he leaned down and reached a hand to her. Ngunit bago niya iyon matanggap ay may nauna ng humawak sa kanyang kamay.
“She’s coming with me.”
Si Yozack na iyon. Mahigpit nitong hawak ang kanyang kamay at kunot-noo na ring bumaling sa kanya. “Hindi ba’t sinabi ko na sa iyong sandali lang kaming mag-uusap ni Andrea? At akala ko ba mag-iikot-ikot ka lang habang hinihintay ako?”
“Nagbago na ang isip ko.” Pinilit niyang bawiin ang kamay dito subalit hindi siya nito pinakawalan. “Gusto ko na lang palang umuwi. Balikan mo na si Andrea. Baka hindi pa tapos ang ‘pag-uusap’ ninyong dalawa.”
“Nagseselos ka ba kay Andrea?”
Oo! Manhid! “Hah, excuse me. Huwag mo nga ako ikukumpara sa hamak na taga-lupang iyon. Hindi kami magka-level.”
“Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko.”
“Because its not even a question, Yozack.”
“Huwag mo ng paikutin ang usapan, Diosa.”
“Okay, fine. Hindi ako nagseselos. Kuntento ka na?”
“Hindi pa rin.”
“Bahala ka sa buhay mo.” Pinandilatan niya ito nang pigilan pa rin siya nito sa braso. “My arm, please.”
Ilang sandali rin itong tila nag-isip. Ngunit sa huli ay sumuko na rin marahil ito dahil napabuntunghininga na lang ito saka siya binitiwan. “I’ll take you home.”
“Sige. Pero hindi ako sasakyan sa kahit na anong klase ng hayop dito.”
“Mas mapapabilis tayo kung mangangabayo na lang tayo.”
“Okay lang. Hindi naman ako nagmamadali.” Nauna na siyang maglakad. Sumabay sa kanya ang binata. “Hindi mo na sana ako sinamahan. Kaya ko ng bumalik ng Clubhouse mag-isa. Malapit lang naman iyon dito. Doon na lang ako magpapasundo kina Kuya Trigger.”
“Kanselado na ang date ko. So, wala na rin naman akong ibang gagawin kaya sasamahan na kita kahit saan ka pa makarating.”
“Nagsisisi ka ba?”
“Oo.”
“E di balikan mo si Andrea.” Gusto mo sipain pa kita pabalik sa kanya, eh.
“Bakit ko naman siya babalikan? Ikaw ang ka-date, hindi ba?”
“Hindi ba’t mas gusto mo naman siyang kasama? Basta mo na nga lang akong ipinagpalit sa kanya.”
“Ikaw ang nagsabing okay lang na mag-usap kami sandali.”
“Whatever.” Muntik na siyang mawalan ng balanse nang bigla na lang siya nitong pigilan sa braso. Napilitan tuloy siyang harapin ito. “Ano bang problema mo, Yozack? Gusto mo ba talaga akong mapilayan?”
“Nagselos ka kay Andrea kanina, hindi ba?”
“Hindi.”
“Bakit ba napakahirap para sa iyo na aminin ang totoo mong nararamdaman?”
“Dahil wala akong aaminin.”
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Umamin ka nga, Diosa. May gusto ka ba sa akin o wala?”
“I refuse to answer that.”
“Bakit?”
“Tinatamad ako.”
“Diosa.” Halatang nauubusan na ito ng pasensiya base na rin sa pagtatagis ng mga bagang nito. “This is the last time that I’m gonna ask you.”
“You don’t have any right to ask me about my personal feelings, Yozack. Besides, bakit mo ba ako tinatanong ng mga ganyang bagay? Ano naman sa iyo kung nagseselos nga ako kay Andrea? Kung may gusto man ako sa iyo? Bakit kailangan mong malaman?”
Kitang-kita niya ang pagbabago ng ekspresyon sa guwapo nitong mukha. She couldn’t read the meaning behind it but she knew it wasn’t good. Dahil unti-unti ng lumuwag ang pagkakahawak nito sa mga balikat niya.
“You’re right,” anito. “Wala akong karapatang tanungin ka ng mga ganong bagay. Samantalang hindi ko rin naman masabi sa iyo ang mga dapat kong sabihin.”
“What?”
Ngumiti lang ito. But his smile didn’t reached his beautiful eyes. Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. Sa nakikita niya ngayon dito, tila may kung ano itong isinuko na hindi niya maintindihan. In any case, tinanggap na rin niya ang kamay nito. And the moment their hands touched, tila bulang naglaho na namana ng lahat ng mga negatibong naramdaman niya rito kanina. Muling nawalan ng maskara ang puso niya.
She was still totally inlove with him.
Gusto na niyang sabunutan ang sarili. Bakit ba kasi ang g**o-g**o niya? Urong-sulong. Siguro kailangan na muna niyang lumayo rito at nang makapag-isip naman siya ng tama. Kaya lang, kaya naman kaya niyang hindi ito makita pansamantala? Binalingan niya ang tahimik na binata habang magkahawak-kamay silang naglalakad. Mami-miss niya ito, iyon ang sigurado. Pero kailangan din niyang ayusin ang isip niya. Dahil mababaliw ang mundo sa kanya kung magpapaulit-ulit lang siya ng kadramahan niya sa buhay. And that wasn’t like her.
Matino ang Diosa Samaniego na kilala ng lahat ng living things sa mundo. Hindi katulad ng nakikita niya ngayon at naririnig. Magulo, redundant, at nasisiraan ng ulo.
“Diosa?”
“Hmm?” Parang gusto niyang maiyak nang marinig na banggitin ni Yozack ang kanyang pangalan sa pinaka-sweet na tono na nairnig niya. She would definitely miss him.
“Sorry about what I said.”
“Okay.”
“Galit ka ba sa akin?” Hindi siya makasagot. “Can we do this again next time? I mean, go on a date again?”
“I didn’t know this was a date.”
“Kaya nga sa susunod, aayusin na natin.” Hinila siya nito palapit dito. “Sa susunod, wala ng makikialam.”
That was a promise. But of what? Ang alam kasi niya, siya lang ang panggulo sa buhay nila. Kung ganon ididispatsa na siya nito? Kung ganon paano na ang date nila?
Aaahhh! Peste! Ayoko ng magtanong!
“Well?” untag nito.
“I don’t know.”
Saglit itong nawalan ng imik. Pagkatapos ay nagpakawala na naman ito ng malalim na buntunghininga.
“Ano pa kaya ang puwede kong gawin para sa iyo, Diosa?”
“Huh?”
He smiled at her. But it was a sad smile. “Nothing.”