CHAPTER 11

1100 Words
“O-OKAY LANG sa iyo na—“ “Yeah.  Don’t worry.  Hindi naman ako naniniwala sa panatang iyon ng mga Club members.  Pauso lang nila iyon dahil ang kauna-unahang miyembro ng namin ay ikinasal dito sa Club.  Narinig lang nila sa mga babaeng guests ng kasalang iyon kung gaano ka-romantic ang eksena kung saan ang kabayo ng member ang ginamit na carriage.” Daig pa ni Diosa ang pinagbagsakan ng eroplano.  Peste!  Ni hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong mangarap.   “May ilang members ng nagpapatunay na totoo iyon,” patuloy nito.  “But it was their choice.  Sa akin, walang kaso kahit sino pa ang isakay ko sa kabayo ko.  Sa huli naman kasi, ako pa rin ang magdedesisyon kung sino ang babaeng gusto kong makasama habambuhay.  I won’t let a mere joke affect one of the most important aspect of my life.”  Ibinalik nito sa ibabaw ng ref ang apron saka siya hinarap at masuyong tinapik ang kanyang pisngi.  “So, cheer up.  Ipapasyal lang talaga kita.  Pangako, hindi kita ididiretso sa simbahan.” Cheer up?  Ni ang mangiti nga ngayon ay hindi niya magawa.  She wasn’t expecting anything from him, that’s a given fact when she realized she has fallen inlove with him.  Kaya lang, sa tuwing lalapit na lang ito sa kanya at magiging ganon ka-sweet, talagang hindi niya maiwasang mangarap ng mas higit pa sa friendship. Pinalis niya ang kamay nito.  “Sige na.  Sasama na ako sa iyo.  Gusto ko na rin namang mag-enjoy habang nandito sa Pilipinas.” “You’re going somewhere?” “Balak kong balikan ang trabaho ko sa America.  Mas malaki nga naman ang suweldo ko roon.”  Ang totoo, ngayon lang niya iyon naisip.  Ewan rin niya kung bakit.  Paghahanda na ba iyon para sa napipinto niyang kabiguan? Ang saklap naman ng magiging kapalaran niya kung ganon.   “I thought you’re going to stay here for good?” “Paano mong nalaman iyan?” “Sinabi sa akin ng mga kuya mo.” “Sina kuya?”  Hindi niya maiwasang magduda.  “Napapansin kong marami kang nalalalaman sa kanila tungkol sa akin.” “Napag-uusapan ka lang namin minsan.” Hayan, basag na naman ako.  Hay.  Tama na ngang pag-aasam ito.  Pumapangit na ang drama ko sa buhay.  Hindi bagay sa kagandahan ko. “I see.  Kung may gusto kang malaman sa akin, ako na lang ang tanungin mo.  Kapag sina kuya kasi ang nagkuwento, para silang eleksyon sa Pilipinas.  Maraming dagdag-bawas.” “Napansin ko nga,” natatawa lang nitong sagot.  “Mauuna na ako sa iyo, Diosa.  I’ll just see you tonight.” “Tonight?  Mangangabayo tayo ng gabi?” “I mean, later.  Later this afternoon.” “Ah.  Okay.”  Subalit ilang sandali na silang nakatayo roon at nakamasid lang sa isa’t isa ay hindi pa rin umaalis ang binata.  “Yozack, akala ko ba aalis ka na?” “Oo nga.” “E, bakit nandito ka pa rin hanggang ngayon?”  Nanatili lang itong walang imik habang nakatingin pa rin sa kanya.  Tila may gusto pa itong sabihin na ngunit hindi naman ito nagsasalita.  Tinapik niya ito sa balikat. He just caught her arm and looked at her with that mysterious glow in his eyes.  Sa isang iglap ay tila fireworks iyon na sinindihan at muli na namang nagwala ang sira ulo niyang puso.  Napasandal na lang siya sa katawan ng refrigerator nang lumapit ito nang husto sa kanya.  He was literally looking down at her.  At dahil nga nakialam na ang puso niya, literal na rin siyang walang masabi.  Pero napakaraming bagay ang umiikot sa isip niya. Kapag hinalikan ako nito, talo-talo na!  Wala na akong pakialam kung ano kahihinatnan natin.  Bahala ka na rin kung ano ang balak mong gawin.  Basta— “Excuse me.” Bigla na lang siyang humagis nang may kung sinong harabas na nagbukas ng refrigerator.  Mabuti na lang at naalalayan siya ni Yozack.  Kung hindi, sumubsob na siya sa kalan. “Jigger, easy on your sister.” Jigger?!  Nang mahimasmasan ay nilingon niya ang nakatatandang kapatid na nagdududa ang tingin sa kanilang dalawa habang tumutungga ng canned beer.   “Kuya Trigger, anong ginagawa mo rito?” “Umiinom.”  Masamang tingin ang ibinigay nito kay Yozack.   Kumilos na ang binata.  “Pasensiya na sa istorbo, Diosa.  Mauuna na ako sa iyo.  Magkita na lnag tayo mamaya.  Susunduin kita rito.” Tinanguan lang ito ng kuya niya nang magpaalam naman ito rito.  nagtataka siyang mukhang hindi naman ito natakot sa kuya niya.  Pero parang may iniwasan itong bigla.  Pinalo niya sa balikat ang kuya niya. “Bakit mo naman sinindak si Yozack?  Umalis tuloy agad.” “Aba, malay ko sa kanya.  Baka guilty.” “Wala kaming ginagawang masama.” “Wala pa.  Pero kung hindi ako dumating, baka nadumihan na itong kusina ni Jigger.  Magagalit iyon.”  Nilingon siya nito habang tinutungga ang inumin.  “may date kayo mamaya?  Doon lang kayo sa mga maliliwanag na lugar, ha?  At dapat nakabalik ka na sa bahay bago mag-alas otso.” Inirapan lang niya ito.  “Duh.” Inakabayan lang siya nito.  “Sigurado ka na ba talaga sa isang iyon, sis?  Hindi mo pa siya gaanong kilala.  At hindi ka dapat agad nai-inlove sa mga hindi mo pa lubos na kilala.” “I’m not inlove with him!” “Yeah, right.  Maghahalikan na nga kayo kung hindi lang ako dumating.” “Hindi maghahalikan!  Guni-guni mo lang iyon—aw!”  Idinikit nito ang malamig na canned beer sa kanyang pisngi.   “Sinong lolokohin mo?  Gawain ko rin iyon, ‘no?” Nilingon niya ito.  “Nanghahalik ka rin ng walang dahilan?” “Fool.  Lahat ng halik, may dahilan.” “Anong dahilan iyon?” “Umamin ka muna.  Are you inlove with Yozack?” Natigilan siya.  Handa na nga ba siyang aminin sa ibang tao ang damdamin niyang iyon?  Maaari.  Pero wala siyang balak na aminin iyon sa mga kuya niya.  At ayaw niyang makialam ang mga ito sa kanya.  Personal na kasi ang usapin sa puso. “No.” “Okay.”  Tinalikuran na siya nito.  “Oo nga pala, huwag ka na uli magpapahalik kay Yozack kung hindi mo naman pala siya mahal.  Sagrado ang mga ganong bagay.  Para lang iyon sa mga nagmamahalan.” “Teka, Kuya!  Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko kung ano ang dahilan ng isang tao kapag may hinalikan siya?” “Nasagot ko na iyan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD