“HAPPY BIRTHDAY.”
Nag-angat ng tingin si Diosa mula sa binabasang libro at binati siya ng nakangiting mukha ni Yozack. This was like the time right before she had her toothache dilemma three days ago. Nasa front porch siya at nananahimik sa kanyang mundo nang dumating ang binata. Ngunit sa pagkakataong ito, buong puso niyang tinanggap ang invasion nito sa kanyang pananahimik.
Tiningnan niya ang maliit na karton na hawak nito. “Next year pa ang birthday ko.”
“I wasn’t talking about you. I meant your tooth that just had a cavity fill.” Itinaas nito ang cake. “Happy birhtday to it.”
“Alam mo, Yozack, mabuti na lang at ka-eksena mo ako ngayon sa buhay mo. Kung hindi, nilangaw ka na sa sobrang corny ng joke mo.”
Napangisi na lang ito at nagkamot ng batok. “Corny ba? Hindi bale, guwapo naman.”
Hindi na niya ito binara pa. He’d been good to her the past few days. Ito kasi ang matiyagang nagdala sa kanya sa dentista at nag-asikaso sa kanya. Ang mga kuya kasi niya ay hindi na talaga lumapit sa kanya habang may sakit siya. Hindi niya masisisi ang mga ito. Its always been her problem when she’s not feeling good. Kaaway niya ang mundo kaya noon pa man ay natutunan ng mga kuya niya na hayaan na lang siya hanggang sa gumaling siya. O kaya naman hanggang sa siya na mismo ang lumapit sa mga ito upang humingi ng tulong. Pero hindi na nga niya kinailangan ang tulong ng mga ito dahil nasa tabi na niya lagi si Yozack. At wala siyang reklamo.
Ano ba ang irereklamo niya? Inaalagaan siya ng lalaking hindi niya inakalang mamahalin niya ng ganito? At kahit magaling na siya, heto pa rin ito sa kanyang tabi.
“Hindi ako puwedeng kumain ng matatamis. Utos ng doctor.”
“Ang sabi lang niya, huwag mong kalilimutang magsepilyo tuwing pagkatapos kumain ng matatamis. Wala siyang ipinagbawal na kainin mo.” Inilabas na nito ang kasamang paper plate at plastic fork ng cake. “Ikaw kasi, hindi ka nakikinig. Mas inintindi mo pa ang pagtingin sa mukha ko.”
Napadampot tuloy siya ng paper plate nang wala sa oras. “Excuse me. Hindi ikaw ang tinitingnan ko, ‘no? ‘Yung bungong display sa likuran mo ang tinitingnan ko doon. At tsaka, ano naman kung tiningnan nga kita? Masama na ba iyon?”
“Hindi naman. Natutuwa lang ako.” Ito mismo ang naglagay ng piraso ng cake sa kanyang plato. “Inisip ko kasi noong unang beses tayong magkita, na wala kang ibang nakikita o nakikilala kundi ang sarili mo. Marunong ka rin naman palang tumingin sa mga tao sa paligid mo.”
“Ano naman ang palagay mo sa akin? Autistic? May sariling mundo?”
“Nah. I just thought you’re a bit of a snob, that’s all. Hindi naman pala.”
“I’m… a snob? Kaya ba hindi maganda ang tingin sa akin ng ibang babae doon sa Clubhouse?”
“Sabi ko na nga, hindi na, di ba? Besides, those women, I’m pretty sure na medyo naiinggit lang sila sa iyo.”
“Naiinggit?”
“Dahil ako lagi ang kasama mo.”
“Ganon?” He was probably right, though. Dahil kahit siya, kaiinggitan ang babaeng laging nasa tabi nito. Pero hindi na niya iyon kailangang problemahin ngayon. Yozack was at her side now. And she’s loving every second of it.
“Yozack.”
“Hmm?”
“Salamat, ha?”
“For what?”
“For everything.”
“Wala iyon.”
“At tsaka sorry din nga pala. Sinaktan pa kita samantalang tinutulungan mo na nga ako.”
“Okay lang din iyon. Banat sa exercise ang katawan ko. Kiliti lang ang mga hampas at suntok mo sa akin.”
“Hindi ka rin mayabang, ano?”
“All I’m saying is that, you don’t have to worry about it. I like taking care of you. It makes me feel stronger.”
“What?”
He leaned against the sofa while eating his cake. “You’re a tough girl, Diosa. But after seeing you shed tears over a toothache, I thought you’re not really that tough. Kailangan mo rin ng taong mag-aalaga sa iyo. Dahil hindi sa lahat ng oras, malakas ka.”
“And I also realized that needing someone sometimes isn’t that bad at all.” Pinagtuunan na niya ng pansin ang cake sa plato niya. “Madalas sabihin sa amin noon ng Mommy namin, huwag daw kaming magre-rely sa iba kung kaya rin lang naman naming gawin ang isang bagay. At huwag din kaming makikialam kung nakikita naming kaya din ng isang taong gawin ang isang bagay sa sarili niyang paraan. Kaya nakita mong hindi ako nilapitan o inalo ng mga kuya ko noong nagsa-suffer ako sa sakit ng ngipin. Alam kasi nila na kaya ko pa naman.”
“You were raised to be that tough, huh.”
“No. We were raised to have level-headed minds. Applicable iyon sa akin dahil ayoko rin na pinakikialaman ako sa buhay ko. I’ll shout when I need help.”
“You didn’t shout for help when I came to your side.”
“It was different with you.”
“Paanong naiba ako?”
Napabilis ang pagsubo niya ng cake. Bakit ba niya nasabi iyon? Minsan talaga hindi na niya makontrol ang kanyang bibig. Level-headed mind pala, ha?
“Diosa?”
“Masarap itong cake na dala mo, ha? Saan mo nabili ito?”
Hindi na niya ito narinig na sumagot kaya nilingon niya ito. She saw him looking at her with that smile on his eyes. Muntik na niya itong sigawan. Hindi siya dapat nitong tinitingnan ng ganon dahil nagwawala ang kanyang puso. Okay, fine. Given fact ng may gusto siya rito. Na mahal niya ito. Pero wala siyang balak na ipaalam iyon dito. No way. Not now. Hindi pa siya handang umamin na hindi lang ang presensiya nito sa buhay niya ang gusto niya mula rito kundi pati na rin ang puso nito. Ang pag-ibig nito.
Naks! Drama.
He touched a thumb to the side of her lips, just like before she had her toothache. Inilayo niya ang mukha dito. Natatakot kasi siyang marinig na nito ang sobrang lakas na t***k ng kanyang puso.
“You still don’t like me, do you?” tanong nito. “Ano pa kaya ang puwede kong gawin para mai-consider mo na ako bilang kaibigan, Diosa?”
Kaibigan? Pero ayaw niya itong maging kaibigan!
Kung ganon, ano ang gusto mong maging papel niya sa buhay mo? tanong ng munting tinig na iyon sa kanyang isip. Boyfriend? Lover? Companion? Hindi siya makasagot. Ayaw niyang sumagot.
“Puwede…” Malakas siyang tumikhim. “Puwede na tayong maging magkaibigan.”
“Cool. But why aren’t you looking straight at me? Labas naman yata sa ilong iyang offer mo.”
Pinilit na lang niya ang sariling harapin ito kahit na nga halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng kaba sa kanyang dibdib. “I accept you as a friend. Satisfied now?”
“Puwede na. Bakit wala ka pa ring boyfriend?”
“What?” Saan na ba talaga papunta ang usapan nilang ito? Nagugulo nang husto ang utak niya sa isang ito.
“Bakit wala ka pa ring boyfriend? Ang sabi ng mga kuya mo, limang taon na ng huling beses kang nagka-boyfriend. That was a very long time ago. Maganda ka. Kaya dapat ngayon ay may boyfriend ka na. O kaya naman, fiance.”
“Kung magsalita ka, parang gusto mo na akong ipatali sa ibang lalaki.”
“Of course not. Nagtataka lang naman ako.”
“Ikaw, bakit wala ka pang girlfriend?”
“Sinong may sabi?” May kung anong kumurot sa puso niya sa narinig. May girlfriend na ito? “I have an official and non-official girlfriends. Ano ba roon ang gusto mong marinig na bilang?”
“Wala!” Padaskol niyang inisahang subo ang malaking piraso ng cake. Girlfiends? As in plural with a capital ‘S’? Babaero ang matsing na ‘to, ah!
“Okay. So, bakit wala ka pa ngang boyfriend hanggang ngayon?”
“Dahil tinatamad akong magka-boyfriend.”
“Puwede ba iyon?”
“Sa akin, oo.”
“Ang haba na ng panahong tinatamad ka, ah.”
Inis na niyang ibinaba ang kanyang paperplate. “Bakit ba ipinagtutulakan mo na akong magka-boyfriend? Ayoko pa nga sabi. At wala pa akong nahahanap na worth it kong mahalin. ‘Yung hindi ako babalewalain. ‘Yung walang ibang babaeng titingnan kundi ako lang. ‘Yung pahahalagahan ako ng higit pa sa buhay niya. ‘Yung alagaan ako. ‘Yung mamahalin din ako hindi lang dahil sa wala siyang ibang makuhang maging girlfriend.”
“Pinabayaan ka ba ng nauna mong naging boyfriend?”
“Oo. Dahil ganyan naman kayong mga lalaki. You only took a girlfriend for your own convenience. Para lang may masabing may girlfriend kayo at maging cool sa mata ng ibang tao. Kailangan ninyo ng laging may trophy sa inyong tabi, pang-kumpleto sa get-up ninyo.” Mapait siyang napatawa. “You were all so dense. Parang gusto ko kayong ipasok lahat sa gas chamber.”
“He had hurt you.”
“No, he didn’t. But he managed to influence my beliefs in love and relationships. And not in a good way.”
Napabuntunghininga na lang ito. “Hindi ko akalaing may nag-e-exist palang ganong kalahi namin sa mundo. Ako na ang humihingi ng paumanhin para sa kanya, Diosa.”
“Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, hindi niya ako sinaktan. No one could ever hurt me. Ako pa.”
Ngumiti lang ito. But his smile didn’t reach his eyes. “When I meet that guy, I’ll crush his bones for you.”
“You don’t need to. Nagawa ko na iyon.”
She felt relieved somehow. Kahit naging mahirap ang paliwanagan nila, masaya pa rin na handang makulong ni Yozack para ipagtanggol ang natapakan niyang pride bilang babae.
“Wala akong official girlfriend ngayon,” wika nito mayamaya. “Masyado kasing demanding ang isang relasyon. Kaya hanggat maaari, kung hindi ko naman talaga mahal ang babae, I won’t promise her anything. Ayoko rin namang makasakit ng damdamin ng babae. Takot ako sa karma.”
Fair enough. At least nga naman, alam ng babae kung ano ang pinapasok niya sakaling maka-engkuwentro niya si Yozack. Masaya na rin siyang marinig na wala itong kasintahan sa kasalukuyan. Libre niya itong pangarapin.
“How about your non-official girlfriends?”
“None. You made sure I wouldn’t get one at the moment.” Nakangiti lang ito nang lingunin niya. “Nasabi ko na noon. Hangga’t magkakabit pa ang pangalan natin, hindi ako puwedeng magkaroon ng ibang babae sa tabi ko. Tatalupan ako ng buhay ng mga miyembro ng Stallion Riding Club.”
Noong una ay natutuwa pa siyang pakinggan iyon. Subalit habang tumatagal, parang hindi na iyon nagiging maganda sa kanyang pandinig. Lumalabas kasi na istorbo siya sa lovelife nito.
“Bakit pakikinggan mo ang mga taong iyon?” asar niyang wika. “If you wanted to have a life, that’s your business. Huwag mo silang hayaang diktahan ka.”
“Hindi naman sa dinidiktahan nila ako. In a way, gusto ko na rin ang ganito. Tahimik ang buhay ko. Walang nagde-demand ng atensyon ko. Nami-miss ko na rin naman ang mapag-isa.”
“And I was your excuse.”
“It comes in handy.”
Handy?! Nakakasama na talaga ng loob ang herodes na ito, ah! Kung hindi lang niya ito mahal, inihagis na niya ito sa pusod ng lawa ng Taal.
“Ano ba ang puwede kong gawin para maghiwalay na ang mga pangalan natin?” tanong niya. “Ayokong mabigyan ka ng problema sa lovelife mo. Malaki ang naitulong mo sa akin nang magkasakit ako.”
“Hindi kita sinisingil sa tulong na ibinigay ko. Kaya nga tulong iyon, dahil libre. As for my lovelife, I don’t mind being alone at the moment. Ayos naman ako na ikaw lang ang kasama ko. Mas masaya nga.”
“Hindi ako clown.”
“Oo nga. Pero napapasaya mo pa rin ako.”
“Wala akong binibitiwang joke.”
“You don’t have to joke. Makita lang kita, masaya na ako.”
“Iniinsulto mo ba ako?”
“What?”
“Walang nakakatawa sa mukha ko!”
Napakunot lang ang noo nito. Subalit agad ding sumilay ang magandang ngiti sa mga labi nito nang tila maintindihan nito ang ibig niyang sabihin. Her heart wholeheartedly accepted the beautiful sight in front of her. Nawala na tuloy agad ang sintimyento niya rito.
“I didn’t say your face was funny. I just meant that I’m happy everytime I see you. Kaya nga nandito ako ngayon sa inyo ngayon.”
Naglaho na ang anomang asar na nararamdaman niya rito kanina. Balewala na sa kanya ngayon kung binobola na lang siya nito. Basta gusto niya ang ganitong pakiramdam. Mas masaya kasi kung hahayaan mo na lang makaramdam ng kusa ang puso kaysa ang pigilan iyon at magpakatapang. Kunsabagay, puwede naman niyang magamti ang tapang na iyon sa ibang pagkakataon. But as of this moment, kalilimutan na muna niyang maaaring pinasasakay lang siya nito. She liked this feeling. Babaeng-babae ang pakiramdam niya.
“Pero kung naiistorbo ka na sa ginagawa ko, madali lang solusyunan kung paanong maihihiwalay ang pangalan mo sa akin.”
“Ha?” Teka, wala naman akong sinasabing ako ang may gustong matigil na ang pagli-link nila sa ating dalawa. Ang sabi ko lang—
“Dalawa o tatlong araw lang nila tayong hindi makita na magkasama, ayos na iyon. Titigilan na nila tayo. And then we both could take on a companion, that would seal everything. We’ll both be free.”
Ayoko nga sabi! Babatukan na kita! “Bahala ka.”
“Diosa.”
“Ano?”
“Gusto mo pa?”
“Ng?”
“Cake.”
“Ayoko na.” Tumayo na siya. “Magtu-toothbrush na ako. Salamat nga pala diyan.”
Tumuloy na siya sa kusina upang magsepilyo. Habang nakikipagbuno siya sa toothpaste at toothbrush, hindi niya maiwasang isipin si Yozack at ang damdamin niya para rito. Dapat ba siyang magreklamo rito na ayaw pa niyang matapos ang isyu sa kanila sa Stallion Riding Club na iyon? The moment na malaman ng lahat na wala naman pala silang relasyon talaga, dudumugin na naman ito ng mga babae roon. She had seen it and she hated it. Mapapaaway siya ng wala sa oras. Maybe she should tell him about it. Kaya lang, ano naman ang sasabihin niyang dahilan? That she was inlove with him? Pero baka pagtawanan lang siya nito. Hindi niya iyon matatanggap at baka masaktan lang niya ito.
She hated rejection most. Sa kanilang pamilya, never siyang nakaramdam niyon. Sa mga kaibigan, kamag-anak, even sa mga lalaking dumaan sa buhay niya. Lahat ng mga ito ay inilagay siya sa pedestal. At iyon ang kinasanayan niya. Maaaring may mga taong nag-reject na sa kanya ngunit hindi iyon nakaapekto sa kanya dahil wala naman siyang pakialam. But with Yozack, she just knew he could hurt her badly with just his words. At hindi niya alam kung paano iyon iha-handle.
He was right about her. She was tough but she had a very fragile heart. Kaya alagang-alaga niya ang sariling huwag masaktan.
“Diosa.”
Napasinghap siya at muntik ng mabulunan sa bula na dulot ng pagsesepilyo. Mabilis siyang nagmumog bago hinarap si Yozack na nakasunod pala sa kanya nang hindi niya namamalayan.
“What the heck are you trying to do? You scared me half to death!”
“Sorry.” Bahagya itong nakaupo sa kitchen table. “Akala ko alam mong nandito ako.”
“No.” Pinunasan niya ng kamay ang bibig. “Ano pang ginagawa mo rito?”
“May gagawin ka mamaya?”
“Meron.”
“Ano?”
“Mag-iisip pa ako.”
“Gusto mong sumama sa akin?”
Was he asking her out on a date? “Saan?”
“Kahit saan.”
Ibinato niya rito ang apron na nadampot sa ibabaw ng refrigerator. Nakalimutan na naman siguro iyon ng Kuya Jigger niya roon. But it was a good thing. Dahil kahit paano ay nagkaroon siya ng outlet para maibsan ang excitement na nararamdaman niya.
Because Yozack seemed like he was asking her out.
“Malabo iyan. Kahit magkakilala na tayo, at tinanggap na kitang kaibigan, hindi pa rin ako sasama sa iyo sa ‘kahit saan’ na iyan.”
He grinned at her. Her heart gave in.
“Mangangabayo tayo. Ipapasyal kita. Ang sabi ng mga kuya mo, hindi mo pa raw nalilibot ang buong Club.”
“Mangangabayo tayo? Sa kabayo mo ako sasakay?”
“Well, your brothers told me you don’t know how to ride a horse.”
“Well, my brothers also told me that once a club member let a woman ride with him on his horse, he’ll spend the rest of his life with her.”
Nagkibit lang ito ng balikat. “Its fine with me.”