CHAPTER 7

1007 Words
PAGOD NA ang panga ni Diosa sa kakangiti sa mga taong nakakasalubong niya na nakangiti rin sa kanya.  Hindi niya alam kung ano ang problema ng mga ito pero dahil hindi naman siya supladita, ngiti rin siya.  Pagdating niya sa open air restaurant ay saka lang niya nalaman ang dahilan ng biglaan niyang pagsikat. “You must be Diosa Samaniego.” Dalawang pares ang nakita niyang nakatingin sa kanya mula sa katabing mesa.  “Yes?” “Wala naman,” sagot ng isa sa mga lalaki.  Masuyo nitong hinaplos ang buhok ng babaeng wala na yatang ibang nakikita kundi ang laptop computer nito.  “You don’t look like your brothers.” “I got my features from our mom.  Ahm, bakit ninyo nga pala ako kinakausap?” Natawa lang ng tatlo samantalang napaangat naman ng tingin ang babaeng tumitipa sa computer nito.   “Talagang hinalikan mo si Yozack?  Kung ganon bakit nasa kandungan pa rin siya ng ibang babae?” “Ha?” “Sonja, sweety, iyang nobela mo na lang ang asikasuhin mo.” “Huwag kang magulo, Rodjan.  Tapos na ako sa nobela ko ngayon kaya nga interesado ako sa kuwento nila.”  Muli siya nitong nilingon.  “By the way, my name’s Sonja.  This is my fiancé Rodjan.” “Neiji,” wika ng isa pang lalaki saka niyakap ang katabi nitong babae.  “My wife Winry.” She wasn’t into mushy stuffs.  But she liked looking at these two pairs of lovers.  Parang…parang gusto niyang mainggit. “So, bakit nga hindi mo kasama ngayon si Yozack?” tanong uli ni Sonja.  “Nag-away ba kayo?  Lovers’ quarrel?” “Lovers’ quarrel?” “Oo, ako rin,” singit ni Winry.  “Gusto ko ring malaman kung paano pang nakawala sa mga kamay mo ang isa pang notorious playboy ng Stallion Riding Club.” “Playboy?  I was kissed by a playboy?”  Naalala niya ang mga sinabi ni Yozack kahapon.   Women kiss me all the time, for no particular reason.  I don’t mind.  Ikaw, kung gusto mo uli akong halikan, go ahead.  I won’t mind at all.  Kaya pala balewala lang dito ang katotohanang siya ang nahalikan nito.  Dahil playboy ang unggoy at talagang wala nga itong pakialam kung ilang babae man ang nahalikan nito o humalik dito. “Sino ang nagkalat ng balitang iyan?  Hindi lang ako ang humalik sa kanya.  Hinalikan din niya ako.”  Napatanga ang dalawang babae at napangiti naman ang fiancés ng mga ito.  “And he kissed me in front of my brothers.” “Ah.  Kung ganon totoo nga ang mga sinabi ng mga kuya mo.” “Kuya ko?” “Sa kanila namin nalaman ang tungkol sa inyo ni Yozack,” sagot ni Neiji.  “If I’m not mistaken, sinadaya nilang ipaalam iyon sa lahat.  Those two were doing it again.” “Yup,” sang-ayon ni Rodjan.  “Pati kapatid, hindi nila pinalagpas.”  Napailing na lang ito.  “I hate it when they messed up things around here.  But I’m glad they messed up my life.”  Hinalikan nito ang katabing kasintahan.  Mukhang ang babae ang naging bunga ng kaguluhang inihasik ng mga kuya niya sa buhay nito.  And he looked happy about it. Siya lang ang hindi masaya ngayon.  It just now that occurred to her why her brothers didn’t do anything when she told them Yozack had kissed her.  May malaki siyang pagkakamali kasi.  Sinabi niya sa mga ito ang purpose ng pag-uwi niya ng bansa.  Na hahanapan niya ng mga ito ng mapapangasawa.  Ngayon tuloy ay siya ang isinusuong ng mga ito para maihanap siya ng mapapangasawa.  So they could get rid of her.  Pero bakit naman sa dinami-dami ng mga mukhang matitinong lalaki sa Club na iyon, kay Yozack pa siya itinapon ng mga ito?  O kaya naman, kinuntsaba ng mga ito ang lalaki para lang asarin siya.  Ang pinakamasama pa sa lahat, maaaring hinalikan lang siya ni Yozack dahil sa sulsol ng mga kuya niya. Bakit?  Hindi ba niya ako mahahalikan nang hindi iniuutos nina Kuya? Lalo pang nadagdagan ang yamot niya nang makitang dumating doon ang binata na may kasamang dalawang babae.  Dalawang.  Babae.  Napasulyap ito sa kanya at ngumiti bilang pagbati.  Iyon lang at naupo na ang mga ito sa isa pang table doon.  Hindi na maganda ang timpla niya. “Girlfriends ba niya ang mga iyan?” tanong niya. “No,” sagot ni Neiji.  “Guests lang sila dito.  May seminar kasing ginaganap ngayon sa Stallion Hotel.  Advertising seminar to be exact.  Kasama sila sa grupong iyon.” “Ganon ba?”  She excused herself from her own group and went to his table.  Tumayo siya sa harap mismo nito.  Hindi na nawala ang ngiti sa mga mata nito nang bumaling sa kanya. “Yes?” tanong ng isa sa mga kasama nitong babae.  Halatang hindi nagustuhan ang presensiya niya.  “May kailangan ka?” Gusto na niya itong buhusan ng tubig mula sa flower vase na nasa table ng mga ito.  “Yeah.  I want my guy.” “What guy?” tanong ng isa pang babae. Itinuro niya si Yozack na nagmamasid lang sa kanila.  “That guy.” “Is that so?  Yozack told us he’s not into a relationship at the moment.” “Kailan kayo nagtanong?  Noong nakaraang araw?  Puwes nagbago na ang status niya kahapon.” Saglit na natigilan ang mga babae.  Pero agad ding bumawi.  “You mean ikaw ang babaeng napapabalitang hinalikan ni Yozack ng dalawang beses?” “Yeah,” pag-iinarte na rin niya.  Bakit nga ba siya nakikipag-usap sa mga alikabok na ito?  Paalis na sana siya nang muling magsalita ang isa pang babae. “Dalawang beses lang pala, eh.  What’s the big deal?  I can kiss him more than twice.” Bitch!  “At sino naman ang nagsabi sa iyong hanggang halik lang ang nangyari sa amin?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD