CHAPTER 8

1386 Words
“HELLO.” Tiningnan lang ni Diosa si Yozack na nakatayo na ngayon sa bukana ng front porch ng bahay nila.  Pagkatapos ay ipinagpatuloy na niya ang pagngata ng Toblerone bar habang prenteng-prenteng nakaupo sa sofa na nakalatag sa gilid ng pinto. “Mind if I join you?” tanong nito. Tumango siya.  Ngunit hindi naman nito pinakinggan ang sagot niya dahil naupo pa rin ito sa kanyang tabi. “Anong ginagawa mo rito?  Wala ka bang babaeng bobolahin ngayon?” “Well, since you declared yesterday that I was exclusively yours, wala ng dahilan para maghanap pa ako ng ibang babae.” “Kaya ngayon ako ang guguluhin mo.”  Kumagat siya ng isang buong piraso ng tsokolate at walang habas iyong nginuya.  “You know the reason why I messed your life yesterday?” “You got jealous.” “Ha!”  Eksaherado siyang tumawa.  Muntik pa nga siyang masamid dahil sa ginawa.  “You know, that wasn’t funny.” “I know.  Mahirap mawalan ng ka-date kung kailan gustong-gusto mong makipag-date.” Nilingon niya ito sa kanyang tabi.  “Sinisisi mo ba ako kung bakit wala kang ka-date ngayon?” “Well, medyo.” “Medyo?”  Hambalusin kaya niya ito ng chocolate bar na hawak niya? He turned to her and smiled.  Pagkatapos ay hindi niya inaasahan ang sumunod nitong gagawin.  Inilapit nito nang husto ang mukha sa kanya. “I’m your guy now, Diosa.  Kapag may nakita pa ang mga tao rito na may kasama akong ibang babae bukod sa iyo, tatanungin ka nila ng kung ano-ano.  Gaya ng ginawa nina Neiji sa iyo kahapon.  You ran out of alibis and you looked like a fool in front of them because of me.  Ayoko ng ganon.  I admit I’m a bit of a player.  And for that, I have a lot of respect for women.  As for you, alam kong sanggano ka.  Gayunapaman, babae ka pa rin.  Hindi ako papayag na ako ang magiging dahilan ng lahat ng discomfort mo habang magkadikit pa ang mga pangalan natin.” Sa bawat salita nito ay kasabay ng unti-unti niyang paglayo rito dahil naiilang siya sa sitwasyon nila ngayon.  Isa pa, nang-iistorbo na naman ang malakas na pagkabog ng pasaway niyang puso.  At mas matindi ngayon ang t***k ng kanyang puso.  Mas malakas.  Mas magulo. Ano ba ang ginagawa sa akin ng kumag na ito?  Bakit ganito na lang ang epekto nito sa kagandahan ko? “Wala akong…”  Natigilan siya nang dumampi ang hintuturo nito sa gilid ng kanyang labi. “You have chocolate smudges here…”  Then he licked the tip of his forefinger.  “Hmmm.  Sweet.  Hindi ka kaya magka-cavity niyan, Diosa?” Ni-ransack niya ang utak sa mga dapat niyang sabihin upang lumayo ito sa kanya.  But her heart was getting in the way.  Wala siyang maisip.  Malabo ang kanyang utak at ang tanging malinaw sa kanya ay ang malakas na t***k ng kanyang puso.  And so, for the first time in her life, she backed down.  Umurong siya palayo rito. “G-go away, Yozack.  Naiistorbok mo nak kok.”  Saglit siyang natigilan,  Pagkatapos ay binalingan ito.  “Kapag tumawa ka, sasapakin kita.” Tumingin lang din ito sa kanya, umurong at ilang sandali lang ay malakas na itong tumawa.  Gusto na niya itong tirisin at burahin sa mundo.  Napahiya na nga siya dahil na rin sa saglit niyang pagkawala sa sarili, heto at pinagtatawanan pa siya.  Subalit habang patuloy naman niya itong pinagmamasdan at pinapakinggan ang buhay na buhay nitong tawa, tila unti-unti na ring tinutunaw niyon ang pagkaasar niya rito.  Kaya imbes na insulto ang naging hatid ng tawa nito sa kanya ay tila inaawitan pa nga siya nito ng lullaby.  Ang nangyari tuloy, pinonood na lang niya itong manakit ang tiyan sa katatawa. He was wiping tears from his eyes he finally calmed down.  Namumula pa ang mga pisngi nito nang bumaling sa kanya.  Laugther was still visible in his eyes, though. “Sorry.”  Malakas itong tumikhim.  Ilang sandali rin ang lumipas na hindi sila nag-iimikan bago ito tumayo.  “Maganda ang panahon ngayon.  Sayang kung dito lang tayo sa bahay ninyo.”  Inilahad nito ang kamay sa kanya.  “Let’s take a walk, Diosa.” Okay…now is really the right time to think straight.  To tell him to drop dead and rot in hell.  Ngunit imbes na sundin ang utos na iyon ng kanyang isip ay inaabot pa niya rito ang kanyang kamay.  The moment their hands touched, she felt something that resembled a light volt of electricity.  Napatingala tuloy siya rito since nakaupo pa rin siya sa sofa.  She blinked once.  Twice.  Pero wala pa ring malinaw na explanation siyang makuha sa lahat ng mga nangyayaring iyon sa kanya. Ah, what the hell.  Tumayo na rin siya at magkahawak kamay na silang umalis ng bahay.  Naglakad-lakad sila sa mga lugar na ewan niya kung paano silang napunta roon.  Tulad na lamang sa mataas na bahagi ng maraming puno na iyon kung saan tanaw na tanaw ang magandang view ng Taal Lake.  Abala kasi siya sa pagngata ng tsokolate at pagmamasid sa magkadaupang nilang mga kamay ni Yozack. “This is what I like about this place,” wika nito.  “Magsasawa ka sa ganda ng tanawin ng walang iistorbo sa iyo.  Walking distance pa sa bahay.  Alam mo bang mas maganda ang view na ito kapag nangangabayo?  Especially late afternoon.  You could see the water from the lake, shining like crystals with the fading light of the sun.” Bakit nga kaya parang normal lang ang dating ng paghahawak-kamay nilang iyon?  Samantalang hindi nga sila nito magkasundo.  Or rather, ayaw niya itong makasundo dahil binalewala nito ang halik niya—Nakagat niya nang wala sa oras ang buong piraso ng tsokolate na tinutunaw lang niya sa kanyang bibig bago sana nguyain.  Agad siyang nakaramdam ng kirot na gumapang mula bibig niya hanggang sintido. “I’ve been looking for a place like this,” patuloy ni Yozack.  “Private, great view, nice house, complete facilities and amenities, a place one could relax after a hectic day at work.  Also, it reminds me of the house I grew up with back in Bacolod.  Minus Taal Lake, of course.” Hinawakan na niya ang kanyang pisngi at madiin iyong pinisil upang maibsan ang nararamdamang kirot.  Pinigilan din niya ang sarili niyang mapahikbi.  Subalit may nakawala pa rin sa bibig niya. “I agree with Reid when he turned this place exclusively for the men.  Finally, a place we, men, could call our own.  Although hindi na rin masama na hinayaan niyang may makapasok na ring mga babae rito.  Still, ang mga club members pa rin ang nagdidikta kung…Diosa?  What’s wrong?” Mabilis siyang umiling.  “Bumalik na tayo.  Masakit na ang mga paa ko.” “You’re holding your cheek.” “Pakialam mo ba?” singhal niya rito.  Nauna na siyang bumitiw sa kamay nito at bumalik sa direksyong tinahak nila.  Ang kaso, hindi naman niya matandaan kung saan sila nanggaling.   At kasabay ng muling pagpitik ng kirot ay nahampas na niya ng malakas si Yozack sa dibdib.  Pagsinghap nito ay saka naman ang kanyang paghikbi. “Ang sakit…” “Diosa, bakit?  Anong nangyayari sa iyo?  Anong masakit?” “Wala!” angil niya.  “Walang masakit!  Saan ba ang pauwi?  Bakit mo ba ako iniligaw?  May balak ka sigurong masama—“  Nang muli niyang maramdaman ang pagkirot na iyon ay sa ibang bagay na lamang niya ibinaling ang kanyang atensyon. Upang kahit paano ay maiwasan niya ang mapahiya sa harap nito.  But the pain just keep on growing and there was no way she could handle it anymore.  Sa huli ay nauwi ang inis niya kay Yozack sa sakit na nararamdaman.  Kinurot at pinagpapalo niya ito sa braso at dibdib habang pinipiga niya ang kanyang pisngi.  Sa lahat ng pagkakataong iyon, hindi siya nakarinig ng kahit katiting na reklamo mula rito.  And all the while, he was comforting her with his gentle touch. “You’re having a toothache?” “No!”  Don’t make me fall inlove with you, you moron!  “I’m havign a heart attack!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD