HINDI MAWALA-WALA ang kunot sa noo ni Diosa habang naglalakad patungo sa Clubhouse lobby ng engrandeng Stallion Riding Club. Mula kasi nang dumating silang tatlo doon ng kanyang mga kuya ay napansin na niyang tila masama ang tingin sa kanya ng mga nakakasalubong nilang mga babae.
“Bawal ba ang mga magaganda dito, Kuya Trigger?” Nasa pagitan siya nina Trigger at Jigger habang nakayakap siya sa magkabilang braso ng mga ito. “Para kasing hindi sila natutuwa na makita ako.”
“Kahit ako hindi matutuwa kapag nakita ka.” Napasinghap lang si Jigger nang kurutin niya ito.
“Nagtataka lang ang mga iyon kung bakit may kasama kaming alagang pusa ngayon.” Napasinghap din si Trigger nang kurutin niya ito.
Wala naman siyang makuhang matinong sagot sa mga ito kaya siya na lang ang nagpaliwanag sa kanyang sarili. “Naiinggit lang siguro ang mga babaeng iyon dahil diyosa ako at sila’y mga hamak na tao lamang.”
“May kausap ka?”
“Kuya Trigger, would you rather be with those mere muggles than the goddess you’re with right now?”
“Yeah.”
“Me too,” segunda ni Jigger. “I’d rather be with a perfectly normal human being. Preferrably of the female specie.”
“Hoy, anong palagay mo sa akin? Hindi babae?”
“Who knows? Hilo pa si Mommy noong ipinanganak ka niya, hindi ba? Baka mamaya ‘girl’ lang ang nailagay niya sa birth certificate mo imbes na ‘boy’.”
Nag-high five lang ang mga kuya niya nang tingnan niya ang mga ito ng masama. Pero hindi siya magpapatalo.
“Bakit, hilo rin naman si Mommy nang pirmahan niya ang birth certificate ninyong dalawa, ah.”
“Si Daddy ang pumirma para sa amin”
“Mas malala iyon.” aniya. “Disorriented si Daddy nang ipinanganak kayo. Kaya imbes na male ay letter x ang nailagay ni Daddy sa gender ninyo.” Napangisi siya nang mapakunot ang noo ng mga ito. “O, bakit?”
“How did you know that?”
“Siyempre, magaling ako, eh.” Ang totoo, paborito lang iyong ikuwento sa kanya ng kanilang ina noong maliliit pa sila. Her mom thought it was a cute story. She thought it was funny. And very much useful, lalo na sa tuwing nagkakabarahan na silang magkakapatid. Lagi na lang kasi siyang pinagtutulungan ng mga ito. But through the years they’d been together, natutunan na rin niya kung paanong sakyan ang topak ng mga ito. Sa katunayan, siya na nga lang siguro ang nag-iisang tao sa mundo na hindi tinatablan ng kalokohan ng mga ito.
Napapataas ang kanyang mga kilay sa tuwing may makakasalubong na mga club members. Ilang beses din siyang napapalingon sa iba’t ibang direksyon dahil sa mga interesanteng bagay na kanyang nakikita. Or rather, interesanteng tao.
“Bakit ang daming guwapo dito?” tanong niya.
“Naaambunan namin.”
Hindi niya pinatulan ang patawang kalbo ng mga ito. “Lahat ba ng club members ay mga guwapo?”
“Hindi. Kami lang.”
Imbes na patulan ang kayabangan ng mga ito ay inabala na lang niya ang sarili sa panonood sa mga biyaya ng Diyos sa kababaihan. Kahit saan siya lumingon, may mga naka-unipormeng mga club members siyang nakikita. Madali niyang na-distinguished kung sino sa mga lalaking naroon ang mga club members at kung sino ang mga guests lang ng naturang riding club gaya ng mga ipinaliwanag sa kanya kanina ng mga kapatid.
Hinila niya sa isang café bar na nadaanan nila ang kanyang mga kuya.
“Akala ko ba nagugutom na ang mga anaconda mo sa tiyan?” nagtatakang tanong ni Jigger. “Bakit dito tayo sa café pupunta?”
“Gusto ko munang magkape, Kuya.”
“Jigs,” narinig niyang untag ni Trigger sa kakambal nito. “Look who’s with Yozack.”
Nakiusyoso na rin siya sa tinutukoy ng mga ito. Isang babaeng napakalungkot ng ekspresyon sa magandang mukha ang nakita niya at isang lalaking may nakangiting mga mata ang nakita niya sa isang table doon.
“I wonder what Zia’s doing here. Hindi ba’t baldado pa si Kai hanggang ngayon?”
“Zia?” singit niya. Bigla niyang naalala ang ikinuwento sa kanya ng mga ito noong nakaraang araw tungkol sa nagkakagulong lovers sa Stallion Riding Club. “And that’s Kaiser? He’s handsome.”
“That’s Yozack,” pagtatama ni Trigger. “Siya ang laging pinagseselosan ni Kai.”
“All right! Let’s go.”
Habang papalapit sa dalawa ay hindi niya maiwasang pansinin ang lalaking kausap ni Zia. He was really handsome. Lalo na ngayong ilang metro na lang ang layo nila rito. At mas na-emphasize pa ang gandang lalaki nito sa suot nitong uniporme ng riding club na iyon. He looked like some sort of feudal lord or something. Marami pang ibang members doon na kasing guwapo rin nito. O mas higit pa nga kung minsan. But there was just something in him that made him stand out among the rest. Maybe because he reminds her of her brothers.
Pero hindi rin, eh. A, basta. May kakaiba sa kanya. Tapos.
“Problem?” tanong ng Kuya Trigger niya.
Tinitigan niya ang mukha ni Yozack nang mapalingon ito at ang babae sa kanila. Hmmm, yeah. He was handsome alright. And those smiling eyes. Really cute.
“Kai’s being a jerk,” anito.
“Ayaw pa rin niyang umamin na may gusto siya kay Zia?”
“That man’s one hell of a pain in everyone’s butt here.”
Agad niyang nakuha ang pinoproblema ng mundo kina Kai at Zia. Kaya nakialam na siya. Hindi kasi niya type ang pagkakakunot ng noo ni Yozack. Hindi bagay dito. Although, hindi rin naman iyon nakabawas sa fascination niya sa guwapong mukha nito. Still, she doesn’t want to see him having some problem. Weird.
“Problema ba iyan?” aniya. “E, di paaminin ninyo. Sus, ang dali-dali lang nun, eh.”
Parang gusto niyang mapangiti na lang basta nang balingan siya nang tuluyan ng lalaki. “Its not that easy.”
“Alam mo, mama,” baling din niya rito sa pinakamalambing niyang boses. “Ang mga lalaki, kapag nagmamahal ang mga iyan, madali lang silang pagselosin. Kumuha ka lang ng isa pang lalaking magiging karibal niya. Ewan ko lang kung hindi pa iyon umamin bigla.”
“I hate to admit this,” wika ng Kuya Jigger niya. “But I think Diosa’s right.”
“Of course I am.”
“Diosa?” tanong ni Yozack.
“Our sister.”
“That’s me,” pakilala niya sa sarili. “Hindi kasi makuntento ang Mommy namin sa ‘Princess’ lang. Kaya Diosa ang ipinangalan niya sa akin. Nothing but the best for her daughter. That’s me. And I couldn’t blame her. Diosa naman talaga ang kagandahan ko.”
“Trigger, I think may kailangan pa tayong gawin ngayon.”
“You’re right, Jigs. Let’s go.”
“Kuya, saan kayo pupunta?”
“Somewhere.” Pinapalayo na siya ng Kuya jigger niya dahil may kausap ito s cellphone.
She wanted to stay. Kaya lang baka magmukha lang siyang tanga sa harap ng ibang tao, lalo na ni Yozack na kanina pa niya napansing nakamasid lang sa kanya, kung hindi siya aalis ngayon din. Marahil ay nahalata na nito ang pasimple niyang pagpapa-cute.
“Sama ako!” habol niya sa mga kapatid. Ngunit tamang-tamang papalabas na siya ay nakasalubong naman niya ang isa pang club member base na rin sa uniporme nito. And he looks familiar. “Wait, I know you. You’re Renzell Zapanta, right?”
“Yeah, so?”
Aba, masungit ang bruho. “Dominique’s been talking about you.”
“Dominique?” Kumislap ang mga mata nito.
Hmm, interesting. “She said ‘hi’, by the way. And that you’re the biggest jerk that ever walked on the planet.”
Bad mood yata ito kaya nagsalubong agad ang mga kilay nito. Pero hindi niya iyon pinansin dahil nabaling na ang atensyon niya sa mga bagong dating na kalalakihan sa café bar na iyon. Her day couldn’t get any better as she watched the men walked past her and went straight towards Zia and Yozack’s table.
Well, will you look at that. God’s gifts to womanhood were gathered here, right now. At parang gusto kong mapalibutan ng mga biyaya ng Diyos ngayon. kaya nanatili siyang pinagmamasdan ang mga ito habang abala sa pagdidiskusyon ng problema ng Pilipinas. Este, problema pala nina Kai at Zia. Even her brothers were in the crowd, na siya palang tumawag sa mga ito para magtungo roon ngayon.
“Mahal ka rin ni Kai, Zia,” pahayag ni Yozack. “Alam mo kung bakit? Dahil ikaw ang nag-iisang babaeng tinanggihan niya.”
“Dapat ko bang ikatuwa iyon?”
“Oo,” singit ni Reichen. “It means he treasures you. Dahil kung sakaling tinanggap na lang niya agad ang mga ipinagtapat mo, siguradong magiging katulad ka rin ng ibang babaeng dumating at umalis sa buhay niya.”
“We know Kai,” patuloy ng Kuya Trigger niya. “Masyado ng madilim ang tingin niya sa kanyang pagkatao dahil na rin sa mga nakaraan niya pagdating sa mga babae. Naniniwala siyang wala siyang karapatang magmahal at mahalin.”
“And who the hell is he to say that?”
“Siguro talaga lang ayaw ka niyang masaktan dahil nga ikaw ang mahal niya. Kaya mas minabuti niyang palayuan ka na lang sa kanya bago ka pa niya masaktan.”
Habang pinakikinggan ang diskusyon ng mga ito ay unti-unti na rin siyang nahihilo sa totoong pakay ng pag-uusap na iyon. Subalit mas napansin niya na napapatingin sa direksyon niya si Yozack, kahit na nga halos nasa likuran na siya ng mga kasama nito. And everytime, gusto niya itong tarayan. Hindi lang niya magawa dahil parang nakangiti naman ito sa kanya. And she really love his smiling eyes. So she opted to like him instead.
“He’s an idiot!” naiiyak na wika ni Zia.
“Ah, excuse me. Makasingit nga lang sa usapan, ano?” Hindi na kasi siya sanay na makakita ng kabaro niyang umiiyak. Nagtungo rin siya sa unahan ng mga ito, gently touching the handsome faces of the men as she came forward. “Hello, boys. Anyway, as I was saying, makiki—join lang ako sa inyo. Ano ba talaga ang gusto ninyong gawin? Sino ba talaga ang gusto ninyong tulungan?”
“Si…Zia.”
“E, bakit ipinagtatanggol pa ninyo ang kung sino mang Poncio Pilatong nagpapaiyak sa babaeng ito?”
“We were just explaining to her Kai’s side.”
“Oo nga. Kinakampihan nyo nga ang Poncio Pilatong iyon. Hay naku, make up your minds, boys. Kung tutulungan ninyo si Zia, kumilos na kayo. Ngayon, kung si Mai—“
“Kai,” pagtatama ni Yozack.
“Kai. Sorry. Kung si Kai naman ang kakampihan ninyo, aba’y mga wala kayong kuwenta.” Nilapitan niya si Zia. Sinulyapan niya si Yozack who was watching her. Ngumiti siya at idinampi rin ang kamay sa pisngi nito bago nagpatuloy sa pagsasalita. Beautiful. “Ang mga babaeng gaya namin, dapat tini-treasure at hindi binibigyan ng sakit ng ulo, di ba?” Tumango si Yozack. “Kaya kung sino man ang Kai na iyon, sira ulo siya. Itong gandang ito, paiiyakin niya? Kayo, maaatim ba ninyong makita ang mga angelic faces na gaya namin ni Zia ay may mga luhang pumapatak sa aming mga mata?”
“Don’t go, Zia.”
Nilingon niya ang bagong dating. A guy with a visible bandage on his chest were looking straight at Zia.
“And you are…?” tanong niya rito.
“Kaiser Montezor,” sagot nito. “The only man in Zia’s life.”
“Ikaw si Kai?” Hinarap niya ito nang wala pa ring nagsasalita sa mga kasama niya. “Alam mo, ang tanga-tanga mo. May isang babaeng nagmamahal sa iyo. Heto. She’s pretty like me, she’s nice like me and she’ll go to any length just to have you. She even planned on asking these delicious hunks to help her get you. Its not really my style but I think it’s the greatest thing a woman would ever do for a man. O, saan ka pa makakahanap ng ganong klase ng babae? Huwag ka ngang tanga. Ang guwapo mo pa naman. Bakit mo ba pinahihirapan siya ng ganyan, ha? Samantalang obvious naman na mahal mo rin siya, base na rin sa mga pinagsasasabi ng mga delicious hunks na ito kanina. So if I were you, I’d stop being a jerk and start sweeping her off her feet instead.” Dinampot niya ang tasa ng kape ni Zia na halatang hindi naman nito nagalaw at ininom iyon. “Whew. Ang hirap magsermon sa mga bata.”
“You’re good,” wika dito ni Yozack. “Can I invite you to dinner?”
“How about lunch? Gutom na ako, eh.”
“Sure.”
Magkasabay na silang lumabas ng café bar na iyon ni Yozack. Hindi rin siya sigurado kung paanong basta na lang siyang sumama rito. Samantalang siya ang tipo ng taong hindi madaling magtiwala sa mga taong hindi niya kilala. She looked at him as they walked side by side. Napansin yata siya nito kaya nilingon din siya. And when he smiled at her, she knew could trust him. She didn’t know how or why, she just knew she could.
Huminto ito sa paglalakad. “Hindi pa tayo pormal na nagpapakilala sa isa’t isa.”
“Ha?”
“I’m Yozack Florencio.” Inilahad nito ang kamay sa kanya.
What a gentleman. Tinanggap na rin niya ang palad nito. “Diosa Samaniego.”
“Nice to meet you, Diosa. Your mother’s right when she gave you that name. Bagay sa iyo.”
Batid niyang binobola lang siya nito. Pero hindi pa rin niya napigil ang sariling matuwa sa papuri nito.
“You have good eyes,” aniya. “How about your name, Yozack? Unusual na pangalan iyon para sa isang Filipino.”
“My grandfather’s Russian. He named me after…” saglit itong nag-isip. “Some Russian guy we didn’t know of.”
Tumawa lang siya. “You’re good. Alam mo bang mahirap akong patawanin?”
“Well, now I know.”
“Hmmm.” She noticed their hands were still clasped. “You like my hand?”
“Huh?” Napatingin din ito sa magkasalikop nilang mga kamay at saka lang siya nito pinakawalan. “Sorry.”
“Its okay. Ganyan talaga ang dating ko sa mga bago kong kakilala.”
“What is?”
“Shocked.”
“Shocked?”
“Hindi kasi sila makapaniwalang nakakilala sila ng isang Diosa.”
He grinned. “I do.”
Pumalakpak ang tenga niya. Hindi na rin niya mapigilan ang mapangiti nang husto. “Magaling ka talagang mambola, ano? Ilang babae na ang nadagit mo sa mga linya mong iyan?”
“Hindi ako nambobola. When I like a girl, I always tell the truth.”
“And what is that mean?” May kung anong kiliti na nangungulit sa kanyang puso habang patuloy ang usapan nilang iyon. “That you like me?”
“Would there be a problem with that?”
Muntik na siyang masamid sa narinig. He liked her! Umarangkada ang t***k ng kanyang puso. Sanay na siya sa mga garapal na lalaki sa America. Ngunit ngayon lang siya nakatagpo ng isang lalaking hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga ipinagtapat nito.
He touched her arm. A friendly touch. Friendly?
“You’re smart and funny. You’re easy to be with and I like that.”
“And so?”
“I’d like to be your friend. If that’s okay with you.”
“No.”