“NO?”
“No,” ulit ni Diosa sa kanyang kasagutan. Hindi niya alam pero may kaunting inis siyang naramdaman nang alukin siya nito ng friendship. “Ako lang ang puwedeng mamili kung sino ang gusto kong maging kaibigan. Hindi pa kita kilala kaya ayokong maging kaibigan ka.”
Halatang nagulat si Yozack sa kanyang sinabi. Ngunit saglit lang lamang iyon dahil bumalik na uli ang ngiti sa mga mata nito.
“hindi ako qualified maging kaibigan mo, kung ganon? So, what’s your qualifications?”
“Simple lang. Kahit ikaw pa ang susunod na anti-Christ, kung gusto kitang maging kaibigan ay magiging kaibigan kita.”
“So, it all depends on Princess Diosa, huh.”
“Don’t call me princess. Diosa lang. Diosa.” Saglit din siyang natigilan nang makita ang pagsilay na ng ngiti sa mga labi nito. His eyes were now shining with mystery. Napakunot na lang ang kanyang noo. “Ililibre mo pa ba ako ng lunch? Kung hindi na, sabihin mo lang. Nasasayang na kasi ang oras ko. Anyway, okay lang naman kung mag-back out ka.”
“I never backed out on my words.” Iminuwestra pa nito ang kamay sa tinatahak nilang direksyon kanina bago sila nagkaroon ng ganitong klase ng pag-uusap. “After you, my lady?”
She stepped aside. “No, after you. Hindi ko kabisado ang lugar na ito kaya ikaw na ng mauna. Baka sa bangin lang tayo pulutin kapag ako ang nauna.”
He grinned. Oh, he was handsome alright. “Point taken. Shall we?”
“Sure.”
Tahimik na sila nang makarating sa isang restaurant doon di naman kalayuan sa café bar na pinanggalingan nila. At gaya ng café bar, mangilan-ngilan lamang ang customer doon. Maganda ang atmosphere ng lugar. Cozy but sophiscation was still visible in every corner. Sophisticated. Sosyal. Bagay na bagay siya roon.
Isang magandang babae ang lumapit sa kanila. “Yozack, kumusta? Hindi ka ba nakigulo sa mga kasamahan mo roon sa Café Loco?”
“Galing na kami roon, Jhun. In fact, tapos na nga kaming manggulo kaya nandito na kami. By the way, this is Diosa Samaniego. Diosa, this is Jhunnica Villasis. Eneru’s wife and the manager of this restaurant.”
“Samaniego?” kunot-noong baling sa kanya ng babae. “Kamag-anak mo ba sina Jigger at Trigger?”
“They’re my brothers.”
“Brothers. I didn’t know those two had a sister. So, may kalahi pa pala ang dalawang makulit na iyon? The world must be coming to an end.”
Ngumiti lang siya. Mukha naman kasing nagbibiro lang ito. “Its nice to meet you, Jhun. Ano ba ang puwede naming makain dito?”
“Marami.” Ibinigay nito sa kanya ang menu. “Ikaw na ang bahalang pumili. By the way, Yozack. Dumaan dito kanina si Andrea. Hinahanap ka. May usapan daw kayo?”
Napakamot na lang ito sa ulo. “I almost forgot about that.”
“Ikaw kasi. Hinay-hinay lang sa mga babae. Baka mamaya may magkagulo na naman dito. Hindi pa nga tapos ang giyera nina Dominique at Zell, makikisali ka pa.”
“Peace lover ako.” Binalingan siya nito. Apology was all over his handsome face. “I’m sorry about this, Diosa. But I have to go. May natanguan na kasi akong appointment bago kita inalok kanina for lunch. Pero huwag kang mag-alala. Jhun will charge everything on my account. Just enjoy your food.”
“Aalis ka?”
“Sort of.”
Parang gusto niyang isalaksak ang menu sa bibig nito. Wala pang sinoman ang nakapagbalewala sa kanya ng ganito. At naiinsulto na talaga siya. hindi na nga lang niya iyon ipinahalata dahil ayaw niyang kaawaan. No way, Jose.
“Go ahead and leave. I won’t mind.”
“You sure?”
“Yeah.”
Tila nagduda pa ito sa sagot niya kaya ilang segundo rin siya nitong tinitigan. Nang makuntento naman ay saka nagpaalam na ito.
“Sige, mauuna na ko sa iyo. Jhun, ikaw na ang mag-asikaso kay Diosa.”
“No problemo. Ingat. May sa barracuda pa naman ang Andrea na iyon. Baka mapikot ka ng wala sa oras.”
Tumawa lang ito. Asar pa rin siya habang pinagmamasdan ito patungo sa exit ng restaurant. Madapa ka sana.
“Pasensiya ka na kay Yozack, Diosa. Ganyan lang talaga iyan. Hindi kayang sumira sa kahit na anong salita niya.”
“Hindi lang talaga siya kamo marunong humindi sa mga babae.” Napabuntunghininga na lang siya. “Men.”
“I know. Can’t live with them, can’t live without them.”
“I can live without them.”
“Wala ka pang boyfriend, ‘no?”
“I told you I can live without them.”
Napangiti lang ito. “Sinasabi mo lang iyan dahil hindi mo pa nakikita ang lalaking hindi mo matitiis na hindi makasama sa buhay.”
“Ha?” Nahilo yata siya roon, ah.
Pero parehong nawala ang atensyon nila ni Jhun sa pinag-uusapan nila nang makita nilang sinalubong si Yozack ng yakap ng isang babae bago pa man makalabas ng naturang restaurant ang binata. Nag-unahan sa pagtikwas ang mga kilay niya at nangati ang kanyang ilong.
How dare that man showed up with his woman here? He just stood me up! Walang hiya! Walang modo!
“Yozack’s in trouble for sure,” narinig niyang sambit ni Jhun. “Siguradong hindi na siya pakakawalan ng anak na iyan ni Col. Calderon.”
“Colonel?”
“Member ng club si Col. Calderon. Pero hindi na siya gaanong aktibo sa mga activities dito.” Inginuso nito sina Yozack. “But his daughter was.”
“My ninong Calvin was the country’s AFP Chief of Staff. Patatalsikin ba ng Club ang babaeng iyan kapag na-demote ng ranggo ang tatay niya?”
“I don’t know. But I’d like that woman out of this Club as well.” Nagkatinginan sila ni Jhun. Malapad na ang ngisi nito. “Gusto mong subukan?”
“Ayaw mo rin sa kanya?”
“Lukring iyan, eh. Akala mo kung sino. Lagi siyang inirereklamo sa akin ng mga staffs ko rito dahil masyadong maldita.”
“Kung ganon bakit laging nakadikit sa kanya si Yozack?”
“Iyan din ang hindi ko maintindihan. Mukha namang matino si Yozack, hindi ba?”
Napasimangot siya nang pumulupot ang mga braso ng babae sa katawan ng binata. “Siguro dahil type niya ang mga lukring na babae.”
“Hindi naman niya girlfriend iyan.”
“That’s not what I’m seeing. Ano ba ang nakita ni Yozack diyan? Hindi nga naman maganda ang babaeng iyan.”
Napalakas yata ang boses niya dahil napalingon sa kanya ang dalawa. Agad nagsalubong ang mga kilay ng babae. Wala siyang pakialam. Tinaasan lang niya ito ng kilay saka binalingan si Jhun.
“Ano ba ang pinakamahal ninyong pagkain dito? I want the best of everything for me. By the way, naka-charge ito kay Yozack, hindi ba? He won’t mind giving me the best.” Nilingon uli niya ang dalawa. “You don’t mind, do you, Yozack? In the first place, you offered it to me.”
“Excuse me?” tanong ng babae. “Do I know you?”
“I’m not talking to you.” Napabuntunghininga na lang siya saka marahang umiling. “The world is full of idiots.”
Nakita niyang may gusto pa sanang sabihin ang babae. At sigurado rin siyang nais na siya nitong sugurin kaya inihanda na niya ang kanyang kuko na bagong manicure. Subukan lang nitong kantiin siya at patitikimin niya ito ng body slam at flying kick. Hah. Her brothers had taught her well about self-defense. Pero hindi na rin niya kailangang mag-effort para ipagtanggol ang sarili dahil pinigilan na ni Yozack ang babae na lapitan siya. Doon na tila mas lalong napikon si Andrea.
“Kinakampihan mo pa siya?”
“Wala akong kinakampihan—“
“I hate you! Magsama kayong dalawa hangga’t gusto ninyo!” Pagkatapos ay nagmartsa na ito palayo sa lugar na iyon.
Yozack turned to her and sighed. Jhun excused herself when he walked back to her table.
“Sundan mo ang girlfriend mo,” wika niya nang hindi inaalis ang mga mata sa menu. “Baka magpasipa iyon sa kabayo.”
“Nakukunsensiya ka?”
“Bakit? Hindi ko kasalanan kung magpapakatanga siya. Dahil kung ako sa kanya, tatalon na lang ako ng bangin imbes na magpasipa sa kabayo.” She looked at him over the menu when he sat on the chair in front of her. “Yes?”
“You just lost me my date.”
“So?”
“So, now you’ll have to bear with me.”
“Bear with you? Ano ka, road under construction?” Inilayo niya rito ang menu. “Ayoko ng may kasama sa pagkain. Lalo na ‘yung mga itinapon ng mga ka-date nila.”
Tahimik lang siya nitong pinagmasdan. Hindi niya gusto ang pagkailang na nararamdaman sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Tila kasi inaarok nito ang kaloob-looban niya at hindi niya iyon nagugustuhan. Pagsasabihan na sana niya ito nang tumayo ito.
“Enjoy your meal, Diosa.”
Sinundan na lang niya ito ng tingin nang tahimik na itong lumabas ng restaurant. What happened? Did she do something wrong? Wala siyang matandaang ginawang masama. Pero bakit bakit parang binubugbog siya ng kanyang kunsensiya?
“Wala akong ginagawang masama,” bulong niya sa sarili.
“O, Diosa,” bungad ni Jhun paglapit. “Bakit umalis agad si Yozack?”
“Ewan ko dun.”
“Pinaalis mo?”
Kumibot-kibot ang kanyang mga labi. That must be it. Pinalayas niya si Yozack samantalang ito nga ang magbabayad ng kanyang pagkain. Masama nga naman iyon.
Pero bakit parang may kung anong kumukutkot pa rin sa kunsensiya niya? Nakakayamot naman ang ganito. Hindi naman ganon kasama ang ginawa ko.
“Jhun.”
“O?”
“Pakibalot na lang ang mga in-order ko.”
“Okay.”
“At alam mo ba kung saan ang bahay ni Yozack?”