CHAPTER 5

929 Words
“MANDING, SAAN ka pupunta?” Hinarap ni Diosa ang Kuya Trigger niya.  “Diyan lang.” “Hindi ka dapat naglalaboy dito ng walang kasama.  Baka kung saan ka mapunta.  Lagi ka pa namang nawawala sa sarili.”  Napansin nito ang hawak niyang paperbag.  “I thought you’re having lunch with Yozack.” Minsan gusto niyang kainisan ang pagiging observant ng mga nakatatanda niyang kapatid.  “Tapos na ba ang problema nina Kai at Zia?” “Oo.”   Iba pa rin ang tingin nito sa kanya.  “What?” Nagkibit lang ito ng balikat.  “Nothing.  Hindi pa rin ako nagla-lunch.  Let’s go grab something to eat.” “Ah, ikaw na lang, Kuya.”  Itinaas niya ang paperbag na naglalaman ng ipinabalot na pagkain.  “May nabili na kasi akong pagkain.  Inilibre ako ni Yozack—“ Bigla na lang nito iyon inagaw sa kanya.  “This looks delicious.  Hindi pa ako nakakakain ng libre.” “Kuya, akin na iyan!” “Masama ang maging matakaw.” “Ibibigay ko iyan kay Yozack—“ “Thank you.” Sabay silang napalingon ng kuya niya sa nagsalita.  Yozack was standing behind Trigger and was now holding the paperbag. “Hindi ko alam na nag-aalala ka rin pala sa akin, Diosa.” “Hinid ako nag-aalala sa iyo, ‘no?”  Nilapitan niya ito upang kunin ang paperbag.  But Yozack just pulled it away from her.  “Excuse me.  That’s mine.” “Akala ko ba para sa akin ito?  Well, this is mine now.” “Not until I say so.” “You just said it.”  Nilingon nito si Trigger.  “Hindi ba, Trigger?” “I’m Jigger.” “You’re Trigger.  I heard Diosa.”  Nagkibit lang ng balikat ang kanyang kuya.  “Muli naman siyang binalingan ni Yozack.  “Salamat dito.” Iyon lang at tinalikuran na sila nito, bitbit ang paperbag ng pagkain.  Naiwan siyang nakapamayang habang nakatanga dito.  That’s it?  Ni hindi man lang ba niya ako aalukin na samahan siya sa pagkain?  Binalingan niya ang nakatatandang kapatid.  Nakamasid lang din ito kay Yozack na tila may kung anong malalim na iniisip. “Kuya, pigilan mo siya.” “Hmm?  Bakit?” “He took my food.” “Hindi ba’t para sa kanya naman talaga iyon?”   “Hindi lang iyon para sa kanya.  gusto ko rin kumain dahil hindi pa ako nanananghalian.” “And you want to eat with him.”  Natameme siya.  Mabuti na lang at hindi na ito nagkomento tungkol doon.  “Get it yourself from him, then.” “Hindi mo man lang ba ako tutulungan?” “Kaya mo na iyon.  Anyway, its just Yozack.  Halikan mo lang iyon, makukuha mo na ang lahat ng gusto mo sa kanya.” Nagdududa niya itong tiningnan.  “Nagawa mo na ba iyon sa kanya kaya alam mo iyan?”  Pinitik siya nito sa noo.  “Aray!” “Huwag mo akong gawan ng isyu.  Baka gusto mong ikaw ang iluto ko at ihanda sa piyesta sa atin.”  Itinulak siya nito sa direksyon ni Yozack.  “Get him.  Itayo mo ang bandila ng mga Samaniego.” “What?” “The food.  Get the food.” Hindi niya alam na ganon kalakas ang persuasive power ng Kuya Trigger niya dahil mabilis nga niyang sinundan si Yozack.  Pagharap nito sa kanya ay muli siyang binati ng nakangiti nitong mga mata.  Iyon marahil ang dahilan kung bakit tila nawala siya sa kanyang sarili at nasumpungan na lamang niya ang sariling hinila ang batok nito at hinalikan sa mga labi.  But the moment their lips touched, saka lamang siya tila natauhan.  Mabilis siyang humiwalay dito at napatitig na lang dito.  Wala siyang sa isip niyang sumuko na lang bigla sa pag-iisip.  Yozack was also looking at her but with that unreadable expression on his handsome face.  Nakaalalay pa rin ang isang kamay nito sa likuran niya. “Diosa!” narinig niyang sigaw ng Kuya Trigger niya.  Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon ay tinawag siya nito sa pangalan niya.  Her brother must have been really shocked.   But surely not as shocked as she was. “I told you to kiss him,” patuloy nito.  “But not on the lips!  God!  What am I going to tell Mom?” “What happened?” ang Kuya Jigger naman niya iyon na kadarating lang. “Our baby sister just kissed a guy.” “Cool!  Let’s call Mom.” Kahit hindi pa rin siya sigurado kung ano talaga ang nangyari sa kanya at basta na lang niya hinalikan si Yozack, nagawa na pa rin niyang talikuran ang bina ta balikan ang mga nakatatandang kapatid.  Malakas niyang pinalo sa braso si Trigger at inagaw ang cellphone ni Jigger.   “Walang sinoman ang magsasabi nito kina Mommy,” aniya sa mga ito.  “Kung hindi, ipapapikot ko kayo sa lahat ng babaeng makikita ko.” “Bakit mo hinalikan si Yozack?” “Oo nga.  Ano na lang ang mukhang maihaharap namin sa kanya?”   Nilingon niya ang tinutukoy ng mga ito.  Yozack was still looking at her with the same blank expression on his face.  Napapakunot naman ang kanyang noo.  Siya man kasi ay hindi alam kung bakit nga ba niya bigla na lang itong hinalikan.  Nang wala pa ring mapala sa pumapalya na niyang utak, tinalikuran na lang niya ang mga ito. “Hoy, saan ka pupunta?  Papanagutan ka pa ni Yozack.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD