bc

The Revenge of the Innocent Ex-convict (SPG 18)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
19.7K
READ
revenge
HE
opposites attract
arrogant
stepfather
heir/heiress
drama
bxg
single daddy
small town
enimies to lovers
surrender
like
intro-logo
Blurb

Nakulong si Yana Romualdez ng anim na taon dahil sa kasong qualified theft na isinampa sa kanya ni Acer Sandoval. Isang maling paratang na kanyang pinagdusahan. Sa kanyang paglaya ay puno ng galit ang kanyang puso at matinding pagnanasa na makapaghiganti sa taong nagpakulong sa kanya. Ngunit sa isang insidente ay nakilala niya si Don Antonio na siyang nag-alok sa kanya ng isang trabaho.Ngunit paano kaya kung ang mabait na si Don Antonio ay siya pa lang Lolo ng taong nagpakulong sa kanya? Pipiliin pa ba niyang magbagong buhay at kalimutan ang nakaraan o nanaisin niyang makapaghiganti Kay Acer na sumira ng kanyang buhay?

chap-preview
Free preview
Prologue
Sa loob ng presinto ay halos mabaliw si Yana sa paulit-ulit na pagsasabi na wala siyang kasalanan. Inosente siya at hindi niya alam ang ibinibintang sa kanya ni Acer. Namumula pa rin ang kanyang pisngi sa paulit-ulit na pananampal ni Ma'am Marie sa kanya. Magulo ang kanyang buhok at wala pa siyang suot na tsinelas. Namumugto n ang kanyang mga mata sa kakaiyak simula kaninang umaga. Takot na takot siya at halos hindi na niya magawang ihakbang ang kanyang mga paa. Nasa harapan ni Yana ang Tita Olga niya na hindi naniniwala sa kanya. Pinapaamin siya nito sa kasalanan na hindi naman talaga siya ang gumawa. "Bakit hindi mo ako paniwalaan, tita? Nagsasabi po ako ng totoo. Hindi po ako magnanakaw! Wala po akong ninakaw! Hindi po ako ang may kasalanan! Tita Olga, tulungan ninyo ako. Ayokong makulong dito, mamatay ako dito Tita Olga. Please po, tita. Kausapin ninyo si Sir Acer, sabihin ninyo na wala po akong kasalanan." "Nagsisinungaling ka, Yana. Sabihin mo na ang totoo---" "Tita, pakinggan mo ako. Hindi ko magagawa ang ibinibintang nila sa akin. Tita, hindi naman ako masamang tao para gumawa ng bagay na iyon." Hinawakan ni Yana ang laylayan ng damit ng kanyang Tita Olga. Umaasa siya na paniwalaan siya nito. ”Sabihin mo na ang totoo, Yana. Saan mo ba talaga dinala ang mga ninakaw mong alahas ng mga Sandoval?," galit na galit na tanong ng kanyang Tita Olga. Sinasabi na niya ang totoo ngunit hindi pa rin siya nito pinaniniwalaan. "Tita, nagsasabi po ako ng totoo, wala naman po talaga akong ginawang kasalanan sa kanila. Wala po akong ninakaw, tita. Kilala naman po ninyo ako hindi po ako magnanakaw! Hindi po ako kumuha ng mga alahas na ibinibintang nila sa akin." Humahagulgol na sambit ni Yana habang nakatingin sa kanyang tiya. "Nakuha sa mga maleta mo ang kaha de yero, Yana. Paano mo sasabihin ngayon na wala kang kasalanan?" Niyugyog ni Tita Olga ang kanyang magkabilang balikat. "Sabihin mo na kasi ang totoo! Malaki ang utang na loob natin sa mga Sandoval, Yana. Pagkatapos gagawin mo pa sa kanila ito? Hindi ka nag-iisip, pinapahiya mo ako!" "Wala po talaga akong alam, tita. Inutusan ako ni Aling Flores na maglinis sa kuwarto ni Ma'am Marie at wala sila no'n sa bahay. Pagkatapos kaninang umaga pinagbibintangan na po nila ako na ako ang kumuha ng mga alahas niya. Tulungan mo ako Tita Olga, ayoko pong makulong natatakot po ako," nanginginig na sambit niya habang hawak-hawak ang braso ng kanyang tita. "Gusto mo bang isipin ko na kusang pumunta ang kaha sa maleta mo at ang mga alahas naging bula? Yana, hindi kita pinalaki para maging magnanakaw!" Sinampal siya ng kanyang Tita Olga. Nilapitan siya ni Sir Acer na galit na galit sa kanya. "Ikulong ninyo ang babaeng ito! Huwag na huwag ninyong papakawalan! Hinding-hindi kita mapapatawad, dahil sa iyo nasa panganib ngayon ang mag-ina ko! Ano bang ginawa naming mali sa iyo para gantihan mo kami ng ganito" malakas na bulyaw ni Acer sa kanya. Halos mabingi si Yana sa malakas na boses ni Acer habang nakatingin sa kanyang mga mata. "Sir Acer, wala po akong ginagawang kasalanan sa inyo. Sir Acer, pakinggan po ninyo ako! Wala po akong ninakaw. Hindi ko po alam ang ibinibintang ninyo sa akin." Halos lumuhod si Yana habang nagmamakaawa sa harapan nito. "Sir Acer, nagmamakaawa po ako sa inyo, huwag po ninyo akong ikulong, pakiusap. Kung gusto po ninyo magtratrabaho na lamang ako sa inyo habambuhay. Huwag lamang ninyo akong ipakulong," umiiyak at nagwawalang sambit ni Yana. May dalawang babaeng pulis na lumapit sa kanya. Hinawakan siya sa dalawang braso at saka pilit na idinadala sa loob ng selda. Ginamit ni Yana ang buong lakas niya upang makalapit kay Acer at nang makalapit siya ay halos gumapang siya sa sahig upang mahawakan ang kanan nitong binti. "Sir, wala po talaga akong kasalanan. Hindi po ako magnanakaw," giit ni Yana habang patuloy sa pag-agos ang kanyang luha sa mga mata. "Paniwalaan po ninyo ako, sir. Ayoko pong makulong!" Ipinasok si Yana sa loob ng Selda. Inalis ng babaeng pulis ang posas sa kamay niya at saka nito ini-lock ang selda. "Maawa po kayo sa akin, wala po akong kasalanan!" malakas na sigaw ni Yana habang kinakalampag ang rehas ng selda. "Tumahimik ka riyan! Nagnakaw ka tapos sasabihin mo na wala kang kasalanan? Hintayin mo na dumating ang abogado na magliligtas sa iyo," sabi ng isang matandang lalaking pulis na pangiti-ngiti pa habang nakatingin sa kanya. Nilingon siya ni Acer ngunit sandali lamang. Umalis din ito kaagad kasama ng abogado nito at sina Tita Olga. Nagbigay lamang ng statement si Aling Flores na pinatutunayan na siya nga ang kumuha ng mga alahas. Nagmistulang malaking balon ang kanyang mga mata. Hindi napagod ang mga luha na patuloy sa pagbuhos. Hindi siya pinakinggan ni Acer sa kanyang pakiusap. Sinampahan pa rin siya nito ng mabigat na kaso. Anim na taon siyang nakulong sa isang pambibintang. Sa loob ng kulungan ay naranasan ni Yana ang lahat ng hirap. Natuto siya na tumayo sa kanyang sariling mga paa. Nakipagkaibigan sa mga taong iba't iba ang kuwento sa buhay bilang mga criminal. Sa loob ng anim na taon, tiniis ni Yana ang hirap. Ang lamig ng sahig sa selda at ang init ng panahon tuwing summer. Nasanay siya sa amoy ng mga palikuran na nililinis nila araw-araw. Ang matinding paghihirap ni Yana sa loob ng kulungan ay dahil sa kagagawan ng mga Sandoval. Hindi siya pinaniwalaan ng mga ito. Wala siyang matinong abogado na nagtanggol sa kanya. Itinakwil siya ng kanyang Tita Olga at hindi ito nagpakita sa kanya ng mahabang panahon. Pinagkaisahan siya nang walang kalaban-laban. Araw-araw siyang umiiyak sa loob ng kulungan at isinisigaw na wala siyang ginawang kasalanan. Ipinangako niya sa kanyang sarili na gaganti siya. Ipaparanas niya ang sakit kay Acer. Gagawin niya ang lahat para mahanap ang tunay na may kasalanan. Pinuno ni Yana ng galit ang kanyang puso. Si Aling Flores at ang mga pulis na mag-imbestiga sa kaso niya. Hindi siya titigil hangga't hindi lumalabas ang totoo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
99.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
24.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
162.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook