NALIGO si Acer sa public comfort room ng beach. Malinis naman ang public CR ng beach kaya walang naging problema sa kanya. Iniwan naman siya ni Yana at nagpaalam ito na uuwi muna sa bahay ng Ate Julie nito. Natutuwa siya na inaasar niya si Yana, nagmumukha tuloy siyang ewan sa harapan nito. Ngayon lamang niya naranasan na makipag-asaran sa isang babaeng mas matapang pa sa kanya. Ngunit kung iyon ang paraan para kahit paano mapagaan niya ang loob nito ay gagawin niya. Sa nakikita ni Acer ngayon, ibang Yana Romualdez ang nasa harapan niya. Isang matapang at palaban na babae. Wala pa ring balita sa kaso nitong pinapaimbestigahan niya. Tumulong na rin ang kanyang Lolo Antonio sa pagtuklas ng katotohanan sa likod ng pagkakakulong ni Yana. Naniniwala nag kanyang Lolo Antonio na nagkamali siya.