Doctor-4

1611 Words
"I am a virgin, Dr. Dylan Santillan," taas mukhang sagot niya sa tanong ng doctor sa kanya. Nasa tono din niya ang pagmamalaki. Talaga namang dapat niyang ipagmalaki ang pagiging birhen niya. Katulad na lang sinabi ng doctor kanina. Iba na ang kabataan ngayon. Isa siya sa mga kabataan na pinangangalagaan ang dangal. Hindi siya pinanganak kahapon para hindi maintindihan kung bakit nais malaman ni Doc Dylan ang tungkol sa personal na bagay na iyon tungkol sa kanya. Dahil ba pakakasalan siya nito talaga? At nais nitong makasal sa isang birhen? At pagkatapos ba ng kasal ay kailangan niyang isuko ang sarili sa doctor? Pasimple niyang iniling ang ulo. Masyado ng malayo ang napupuntahan ng isip niya. Isa pa hindi niya dapat iniisip ang ganoong bagay sa kanila ng doctor. "Well, that's good news na birhen ka pa. Hindi rin kasi maganda sa magiging reputasyon ko ang tungkol sa bagay na iyon, pag may nakaalam na pakakasalan kita, at dadalhin mo ang apelidong Santillan ng legal," litanya sa kanya ni Dylan habang nakatingin sa mga mata niya. Nailang naman siyang umiwas, dahil nakakailang pag usapan ang tungkol sa ganito kasensitibo at ka personal na bagay tungkol sa kanya sa isang lalake, lalo na sa isang tulad ni Dr. Dylan Santillan. Kung sa bagay doktor naman ito, baka wala namang ano mang malisya rito ang pag usapan ang ganitong bagay. Huwag na lang niyang bigyan pa ng kung anu-anong kahulugan. Muli siyang nag angat ng ulo at nagtama ang kanilang mga mata. Hindi pa rin pala nag-aalis ng tingin sa kanya gwapong doctor. Tila nga siya nito sinusuri. "Nabanggit niyo po Doc Dylan na legal kong dadalhin ang apelido niyo?" Nahihiya niyang tanong rito. "Yes, Hannah. Nakasaad sa iniwang kasunduan ni Lolo na kailangan nating magpakasal sa legal na paraan bago ko makuha ang Villa," sagot nito. "Bakit naman po kaya ginawa ni Don Victor ang ganyang kasulatan?" Naguguluhang tanong niya at hindi naiwasang mapakagat labi habang iniisip kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng Don at bakit nais nitong ipakasal ang apo nito sa isang tulad niyang malayong-malayo ang kay Doc Dylan. "Stop that," mariing saway ni Doc Dylan sa kanya. Nagulat siya sa narinig mula sa doctor. Para kasi itong galit na ewan, napanganga tuloy siyang napatingin rito. "Ah?" Nasabi niya. Hindi naman kasi niya maintindihan kung ano ang pinahihinto ng binata. "Stop biting your lower lip," tugon nito. "Ah...," tanging nasabi na lang niya kahit naguguluhan. Hindi niya alam kung bakit ayaw nitong kinakagat ang ibabang labi niya. "Now, let's proceed sa pinaguusapan natin," sabi nito matapos humugot ng malalim na paghinga. Nakasunod naman siya ng tingin sa gwapong doktor na naupo sa sofa paharap sa kanya. Mas gwapo, mas malinis at mas mabango talaga si Doc Dylan sa malapitan. Kakaiba ang appeal na taglay nito. Tiyak na maraming naghahabol na babae rito. At kung pakakasalan nga siya nito, paniguradong magtataasan ng kilay ang maraming kabaro niya. Sino ba naman kasi siya para pakasalan ng legal ng isang matagumpay na doctor na tulad ni Dr. Dylan Santillan. Bukod sa napakagwapo, matalino at napakayaman pa nito. Malayong-malayo ang estado nila sa isat-isa. Isama pang wala pa siyang ano mang napapatunayan. Isa lang siyang estudyante na nakatira sa dubplex ng Villa na pagmamay-ari ng Lolo nito, kung saan nakatira din ang mga kasambahay at tauhan ng Villa. Malayong-malayo ang level nila ni Doc Dylan. Mahihiya siyang dumikit sa doctor. "I need to convince you, Hannah. Sinabi ng nanay mo na ikaw ang magdedesisyon tungkol sa bagay na ito. And I need your answer with in two weeks, Hannah." "Two weeks?!" Gulat na tanong niya sa kaharap. Nanlalaki pa ang mga matang napatingin siya rito. "Yes, two weeks, Hannah," sagot nito. Sinong makakapagdesisyon ng ganoong kadali sa isang kasal na hindi naman niya malaman kung saan patungo. Kung anong mangyayari sa kanya. Oo andun na siya sa part na hindi siya malulugi, dahil napakagwapo ni Doc Dylan. Ang doktor pa nga ang lugi sa kanya sa tutuusin. Maganda naman siya at may kurba ang katawan. Pero hindi kasing ganda at kasing seksi marahil ng mga babaing nakakasalamuha nito sa bayan ng San Sebastian. "I am a busy man, Hannah. Kaya nais ko nang agad matapos ito. Nakasaad din sa liham ni Lolo na kailangang malipat sa pangalan ko ang Villa sa loob ng isang buwan. At kung hindi kukunin ng bangko at ido-donate sa kung kani-kanino," sabi nito sa kanya na tila sumasakit na rin ang ulo sa iniwang kasulatan at bilin ni Don Victor. Parang panggigipit na rin kasi para sa doktor ang ginawa ng Don. "This Villa is nothing kung pera lang ang pinag uusapan. Hindi ko to hahabulin pa. But, I want to keep it, dahil naging parte na ito ng kabataan ko at ng kabataan ng kapatid ko. And also I know ayaw mawala ng Papa ko ang Villa na ito ng ganun-ganon na lang. Kaya I have no choice, kundi ang sumunod sa gusto ng Lolo ko. And iyun ay ang pakasalan ka Ms. Hannah Flores," mahabang litanya nito sa kanya. Naniniwala siya sa sinabi nito. Hindi nga ang halaga ng Villa ang hinahabol nito, kundi ang masayang memories na meron sa Villa. Kahit yata siya ang nasa posisyon ni Doc Dylan ay gagawa at gagawa siya ng paraan para hindi mawala ang Villa. "But, napakabata ko pa po Doc para magpakasal," tanging nasabi niya. Iyan lang naman ang nakikita niyang pwedeng idahilan at syempre ang pagiging anak niya ng kasambahay sa Villa. Ang pagiging mahirap niya. "Age it just a number. You are eighteen legal age. Walang mali kung pumayag ka ng magpakasal sa akin. And I am twenty eight legal age at kaya kitang buhayin. I have my own money, may maganda rin akong trabaho na kayang bumuhay kahit dalawang dosenang anak," seryosong tugon nito. Muntik pa siyang masamid sa huling sinabi nito. Anak? Aabot ba ang pagsasama nila kung sakali sa ganoong level? Ayan na naman siya napapalayo na naman ang pag iisip niya. "Anak po ako ng kasamabahay, Doc Dylan," nahihiya niyang sabi rito at nagyuko ng ulo. Naramdaman niya ang pagbuntong hininga nito. At hindi ito nagsalita. Marahil nag iisip din ng sasabihin sa kanya na hindi siya masasaktan. Hindi naman niya kinahihiya ang nanay niya na isang kasambahay. Tanggap na tanggap niya ang ina dahil sa pagkayod nito at sakripisyo para sa kanya nakakapag aral siya at kumakain ng maayos. Walang masama sa pagiging isang kasambahay. Marangal na trabaho iyon. At nais niyang makapagtapos ng pag-aaral para mabigyan ng magandang buhay ang ina. Siya ang kakayod para sa kanilang dalawa. Aabutin niya ang buhay na nais niyang makamit para sa kanilang mag ina. "Pamilya ang turing sa inyo ni Lolo, kaya marahil ganyan ang nais niyang mangyari sa atin. Hindi kayo tinuring na iba ni Lolo. Parte kayo ng pamilya niya," sabi naman nito sa kanya makalipas ang mahabang sandali. Banayad siyang tumango. Sa nakikita niyang pagsasalita ni Doc Dylan, walang dudang mabuting tao ito at hindi nagmamata ng maliit rito. Katulad ni marahil ni Don Victor na marespeto si Doc Dylan. "But, seriously I need you answer with in two weeks, Hannah. And after mong mag desisyon ipapahanda ko ang lahat ng papers para sa agreement natin," sabi pa nito sa kanya. Napalunok siya at sinulyapan ang gwapong doctor. Sino ba ang makakatanggi sa gwapong katulad ni Doc Dylan. Na kay Doc na nga lahat, baliw lang ang tatanggi magpakasal rito. Baliw ba siya? Syempre hindi. Iyun nga lang hindi biro ang pinapasok niya. Legal na kasal ang magaganap sa pagitan nila ng doktor. Magiging Mrs. Dylan Santillan siya ng legal. Muli siyang napalunok sa naisip. Hindi pa rin magawang makasagot sa kaharap. "Think about it, Hannah. Consider mo ang magbabago sa buhay niyo ng Nanay mo once na nagpakasal ka sa akin. Una mong isipin ay magiging finacially stable kayong mag ina. Makakapag aral ka ng maayos. Hindi na kailangan magtrabaho pa ng Nanay mo. Magbabago ang estado niyong mag ina sa buhay," litanya sa kanya ng doktor. Sa mga sinasabi nito sa kanya ay tila siya nito kinukumbinsi. Sino ba naman ang aayaw kung pagkatapos ng kasal ay magkakaroon na sila ng Nanay niya ng sapat na pera. Iyung hindi na kailangan pang magtrabaho ng Nanay niya para sa kanya. Hindi ba't ang magkaroon ng maayos na buhay ang ina ang isa sa goal niya. Paano kung mapapaaga niyang maibibigay sa ina ang magandang buhay na iyon, kapalit ang pagpapakasal niya kay Doc Dylan. Isama pang may lihim siyang pagtingin sa doktor. Mapapalapit pa siya rito kung sakali. Ang tanging problema lang ay paano kung ma in love siya ng tuluyan sa gwapong doktor? Napapalayo na naman ang isip niya. Hindi muna siya dapat umabot sa ganitong pag iisip. Ang pagpayag at hindi muna ang dapat niyang isipin. "Pag iisipan ko po Doc Dylan," banayad na sabi niya. "Two weeks, Hannah. I give you two weeks," seryosong tugon nito sa kanya. Tumango naman siya. Maiksi ang dalawang linggo. Pero kakayanin niyang magkaroon ng sagot sa loob ng dalawang linggo. "You can go now, Hannah. See you after two weeks," sabi pa nito sa kanya. Napatingin siya sa doktor. Nais muna niyang mapagsawa ang mga mata sa gwapong mukha nito. Dalawang linggo pa kasi bago niya ito muling makikiya. At least matitigan na niya ito ngayon. Matapos mapagsawa ang mga mata sa pagtingin rito, nagpaalam na siya. Hinihatid pa siya ni Doc Dylan sa may pintuan. "Salamat po Doc Dylan," pasalamat niya. "Just call me Dylan. Masyadong pormal ang Doc Dylan, nasa bahay lang naman tayo," sabi pa nito. "Sige po, Dylan," tugon naman niya na nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD