Doctor-5

1616 Words
Kanina pa siya nakatitig sa nilabasang pintuan, nasa likod ng pintuan na iyon si Dylan. Hindi siya makakilos, patuloy pa rin na nag e-echo sa isip niya ang mga pinag usapan nila ni Dylan. Sino bang hindi mapapatulala sa sitwasyon niya ngayon. Kailangan siyang pakasalan ng lalaking lihim niyang nagugustuhan. "Dr. Dylan Santillan," bulong niya sa magandang pangalan ng binata. Saka mariing pinikit ang mga mata. Nakasama niya ng ilang minuto si Dylan sa loob ng isang silid na tanging silang dalawa lang. Nakatitigan din niya ang gwapong doktor. "Hannah," mahinang tawag sa kanya sa di kalayuan. Napalingon siya at nakita ang ina na papalapit sa kanya. "Nay." "Halika na Hannah!" Mariing sabi sa kanya ng ina at hinila siya sa braso. Mabilis silang lumakad palayo sa may pintuan ng library. Hila, hila ng ina ang kamay niya hanggang sa makalabas sila ng pintuan sa may likod ng Villa patungo sa duplex na tinitirhan nila. Pagpasok sa loob ng dublex noon palang binitiwan ng ina ang braso niya. Wala itong kibo na naupo sa maliit na sofa. Nakasunod siya ng tingin sa ina. Balisa ito. Alam niyang katulad din niyang naguguluhan ang ina. "Nay," tawag niya rito. "Hannah, hindi ko kayang magdesisyon para sa iyo, takot akong magkamali anak," malungkot na sabi ng ina. Bakas na bakas sa mukha nito ang lungkot. "Huwag po muna natin isipin ang mga sinabi ni Doc Dylan, Nay," tanging nasabi niya sa ina. Tumango naman ito sa kanya. "Magpahinga ka na muna Hannah. Ako na lang muna ang maglilinis sa Villa," sabi ng ina sa kanya at agad na itong tumayo mula sa kinauupuan. Nais muna sana niyang makausap ang ina, kaya lang wala naman siyang alam sabihin rito. Gulong-gulo pa kasi ang isip niya. Isa pa siya ang nais ng ina na magdesisyon para sa sarili niya. "Sige po Nay," tugon niya sa ina. "Nay pwede po ba kong lumabas sandali. Maglalakad-lakad lang po sa may Tragora Mall," paalam niya sa ina. "Sige anak, magpahangin kana muna sa labas, ako na ang bahala sa Villa," tugon ng ina bago ito lumabas lumabas ng pintuan. Tinawagan niya ang kaibigan at kaklasing si Jane, para naman may makausap siya at makalimutan muna ang naging usapan nila ni Dylan. Si Jane lang ang tanging kaibigan niya sa San Miguel University. Halos mayayaman kasi ang mga estudyante sa kilalang university. Si Jane naman ay isang ulila na tinutulungan ng Donya Feliza Foundation, kaya nakapag aral sa SMU. Hindi nalalayo ang sitwasyon nila ng kaklase kaya marahil naging magkaibigan sila at malapit sa isat-isa. Pumayag naman ang kaibigan na makipagkita sa kanya sa Tragora Mall. Malawak ang Villa mahaba pa ang lalakarin bago marating ang gate. Nakita pa niya ang mamahaling kotse ni Dylan sa tapat ng pintuan ng bahay. Nasa loob pa ng bahay marahil ang binata. Baka nag iisip pa din ito ng ibang paraan para hindi mawala rito ang Villa. Siya man siguro kung sakali hindi niya hahayaang mawala ang Villa. Nakakalahati na niyang lakaran ang bakuran na puno ng mga naggagandahang mga bulaklak na alagang-alaga ng hardinero ni Don Victor. Napakislot pa siya ng may bumusina mula sa likuran niya. Napalingon siya at nakita ang paparating na sasakyan ni Dylan. Napahinto siya at wala sa loob na napakagat labi. Huminto ang sasakyan sa tapat niya. Bumaba ang bintana sa may driver seat. Nakita niya si Dylan na nakatingin sa labi niyang kinagat-kagat pa rin niya. Nakasanayan na niya kasing kagatin ang ibabang labi pag kinakabahan siya at na te-tense. Tulad na lang ngayon kumakabog ang dibdib niya. "I told you stop chewing your lower lip," may diin na sabi sa kanya nito. "Ah... Eh...," mabilis naman niyang hinihinto ang ginagawa. Napahigpit ang hawak niya sa tali ng bag na nakasabit sa katawan niya. Bumaba naman sa sasakyan ang binata. "Where are you going, Hannah?" Tanong nito sa kanya. Ewan niya kung guni-guni lang niya o ano, pero may kakaibang dating sa kanya ang pagbanggit nito sa pangalan niya. Parang kasing tumalon ang puso niya bigla. "Sa Tragora Mall po, magkikita po kami ng kaklase ko," tugon niya na muntik pa siyang mapiyok. "Kaklase?" Kunot noong tanong nito. "Opo," alanganing sagot naman niya. "Boy or girl?" "Ho?" "Iyung kaklase mo, lalake o babae?" "Ah.. Babae po," sagot naman niya. "Sumabay ka na sa akin, doon naman din ako dadaan. Isa pa mahaba ang lalakarin mo palabas ng Villa. At paniguradong walang taxi diyan sa labas," alok nito sa kanya. "Ah.. Eh.. Ano ho kase..." hindi niya malaman ang sasabihin. Palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib. Para siyang nasa marathon. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganito katinding pagkabog ng dibdib. Isama pang nakatingin sa kanya si Dylan na para ba siyang sinusuri nito. Hindi naman siya nagpalit ng bestida. Nagsuklay lang siya at naglagay ng kaunting polbo at liptint para magkakulay ang mukha. "Get in, Hannah," sabi pa nito. Muli na naman niyang nakagat ang ibabang labi, dahil hindi malaman kung papano tatanggi. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsulyap ni Dylan sa labi niya na mabilis niyang inalis sa pagkakakagat. Saka siya napalunok sa kakaibang tingin sa kanya nito. "Come here, Hannah." Hindi na siya nakatanggi pa, sumunod siya rito paikot sa passenger seat. Nagulat pa nga siya ng pagbuksan siya nito ng pintuan. "Get in, Hannah," utos nito sa kanya. Para naman siyang alipin na sumunod sa kanyang amo. Sumakay siya sa passenger seat. Pag upo niya halos hindi naman siya makahinga habang isinusuot ni Dylan sa kanya ang seatbelt. Masyado kasi silang malapit nito sa isat-isa. Nasasamyo niya ang pabango nito, pati na ang mainit na paghinga nito na bahagyang dumadampi sa pisngi niya. Ito ang unang pagkakataon na napalapit siya ng ganito sa isang lalake, ay kay Dylan pa. Pakiramdam tuloy niya malalagutan na siya ng hininga. Isama pa ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Huwag na lang sanang marinig ng binata. Nakakahiya. Matapos nitong maisuot ang seatbelt nagtama naman ang kanilang mga mata. Tila nag uusap ang mga iyon. Ang mga labi naman nila ay kahibla na lang ang layo sa isat-isa. Iyun bang tila hahalikan na siya nito. Hindi siya makakilos sa ganitong sitwasyon nila ni Dylan. Humugot pa ito ng malalim na paghinga bago lumayo sa kanya at sinara ang pintuan. Napabuga naman siya ng hangin sa kakaibang kabang naramdaman. Sinundan niya ng tingin si Dylan na umikot pasakay sa driver seat. Magiging asawa ba niya talaga ang gwapong doktor na ito? Bulong niya sa isip. "May lakad ba kayo ng kaibigan mo, Hannah?" Tanong sa kanya ni Dylan habang umaandar na ang sasakyan. "Opo, may....may assignment po kasi kame," kabadong sagot niya. "Uso pa pala ang makikipagkita pa para gumawa ng assignment. Sa technology kasi ngayon, kahit ang pag-aaral mismo pwede na sa online," litanya nito na sa kalsada nakatuon ang atensyon. Wala naman siyang maisagot. Mukhang nahalata nitong nagsisinungaling lang siya. Nais lang naman kasi niya ng makakausap, kaya nakikipagkita siya kay Jane. "Kumusta naman ang pag-aaral mo, Hannah?" Tanong nito sa kanya. Napansin niyang sa bawat tanong nito ay binabanggit nito ang pangalan niya. Sa bawat pag banggit nito sa pangalan niya ay may kakaiba siyang nararamdaman. Mas may edad sa kanya ang lalake, at mukhang sanay na sanay na ito sa mga babae. Naisip niyang baka sinasadya nitong banggitin ng madalas ang pangalan niya sa kakaibang paraan. Nakaka bahala kasi sa side niya. "Maayos naman po. Alam din naman po ni Don Victor na pinagbubutihan ko po ang pag-aaral ko," tugon niya. Si Don Victor ang nagpapa-aral sa kanya sa mamahaling unibersidad na iyon, kaya dapat lang na pagbutihan niya. "I see, baka nga alam ni Lolo na magaling ka sa eskwela. Isa pa nursing ang kurso mo. Ikaw ba ang pumili niyan o si Lolo?" "Ako po ang pumili, gusto ko po kasing maging Nursre," mabilis na tugon niya. "That's great kung ganoon," sabi naman nito at sinulyapan pa siya nito. Mabilis lang sakto lang na nagtama ang kanilang mga mata. "Anyway, I know I am ten years older than you but, huwag mo na kong i po-po at opo. Tumatanda lalo ang pakiramdam ko," sabi nito sa kanya at bahagyang sumilay ang ngiti nito sa labi na lalong nagpagwapo rito. "Ah... Eh.. Sige ho- I mean sige," nahihiyang sagot niya. Pagdating sa Tragora Mall. Pinaalala sa kanya ni Dylan na kailangan nito ng sagot niya sa loob nh dalawang linggo. "Here is my calling card, call me anytime, Hannah," binanggit na naman nito ang pangalan niya at inabot sa kanya ang isang expensive calling card na sa TV lang niya nakikita. "Nasa akin na rin naman ang number mo. Pwede naman kitang tawagan anytime, right Hannah?" "Ah?" "Nakuha ko ang number mo sa isa sa mga kasambahay sa Villa. Hayaan mo silang magtaka. Magpapakasal naman tayo anyway," sabi pa nito na tila sigurado na itong papayag siya. Kung sa bagay baliw lang naman talaga ang tatangging magpakasal sa isang tulad nito. "See you after two weeks, Hannah." "Thank you..... Dy.. lan." Tugon niya na halos hindi man lumabas sa bibig niya ang pangalan nito. Tumango naman ito at bumaba na siya sa sasakyan nito. Nanatili siyang nakatayo sa labas ng mall at nakatingin sa papalayong sasakyan ni Dylan. "s**t," mura niya at kinapa ang dibdib. "Hannah! Sino iyon?" Malakas na tanong ni Jane na nasa likuran pala niya. "Kanina ka pa?" "Medyo. Sino ang naghatid sa iyo? Ang gara ng kotse ah, mamahalin iyon," sabi pa nito. "Tara na sa loob, doon ko ikukwento sa ito," sagot niya sa kaibigan. At hinila ito sa braso. "Lalaki ba? Gwapo? Kilala ko?" Mag tanong ni pa ni Jane sa kanya. Iniling na lang niya ang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD