Doctor-6

1615 Words
"Bakit wala ka sa ospital kanina Dylan?" Bungad na tanong ng Papa niya ng sagutin niya ang tawag nito. Kanina pa nga tumatawag sa kanya ang ama hindi lang niya sinasagot. Pinagbilinan naman niya ang secretary na huwag sabihin sa ama kung saan nagpunta. "May inasikaso lang ho ako Papa sa labas ng San Sebastian," magalang pa ring tugon niya sa ama. May pagka istrikto ang ama, ayaw nitong napapahiya ito, lalo na pagdating sa mga kaibigan at kasosyo sa negosyo. Mataas ang tingin ng ama sa sarili. At lahat ng bagay sa kanilang magkapatid at pinakikialaman nito. Pati ang personal na buhay nilang magkapatid ay pinakikialaman ng kanilang ama. Kaya magpahanggang ngayon wala pa siyang naihaharap na nobya sa mga magulang. Baka kasi hindi makapasa sa taste ng Papa niya, lalo na't tumitingin ang ama sa estado sa buhay. Bago nakapag asawa ang kapatid niyang si Julia ay pilit na pinagkasundo ng Papa niya ang nakababatang kapatid sa bunsong Saavedra na si Gael Saavedra na kilalang pinakamayaman sa bayan ng San Sebastian ang pamilya Saavedra. Isama pang si Gael Saavedra ang CEO ng Saavedra Santillan Hospital na pinagtatrabauhan niya at may malaking share ang Papa niya sa ospital. Kaya ganoon na lang ang pagnanais ng ama na makasal si Julia kay Gael. Iyon nga lang hindi sumangayon ang tadhana sa gustong mangyari ng Papa niya. Kapwa na masaya at kanya-kanya ng pamilya sina Gael at ang kapatid niyang si Julia. Panigurado siya naman ang binabantayan ng ama ngayon. Pero hindi niya ito binibigyan ng pagkakataon. Sinisimulan palang ng ama ang nais nito sabihin tungkol sa ganoong bagay, at umiiwas at sumasalungat na siya. Nakita niya kung paano nasaktan si Julia noon sa pagmamanipula ng ama sa pakikipagrelasyon ng kapatid. Halos kitilin ni Julia ang sariling buhay kabiguan nito. At ayaw niyang umabot siya sa ganoong sitwasyon, o sino mang babaing matanggian niya kung sakali. This is his life, siya dapat ang masunod. "Nagtungo ka ba ng Villa?" Tanong ng ama sa kabilang linya. Inikot niya ang mga mata at bahagyang minasahe ang sintido na tila biglang sumakit. "May inaasikaso ho ako sa Villa ni Lolo. Sa akin iniwan ni Lolo ang Villa, ako na lang ho ang umaasikaso non," paliwanag niya sa ama na tila alam na alam nito ang bawat kilos niya. Naupo siya sa kama, patuloy ang pagmasahe sa sentido na tuluyan ng kumirot. "Sinabi ko naman sa iyong ibenta mo na ang Villa na iyon. Wala sa San Miguel ang magandang aportunidad mo, nandito sa San Sebastian, Dylan," litanya ng ama. Pagkamatay ng Lolo niya ay agad ng sinabi ng ama na ibenta na lang ang Villa at bumili ng properties sa San Sebastian. Ngunit umayaw siya dahil nga parte ang Villa sa kabataan nilang magkapatid. Ang ama at lolo niya at magka ugali, but, still they each other. Kapwa ayaw ng mga ito ang minamanduhan, pero sila itong nagmamando at namimilit na masunod ang gusto. "Sandaling panahon na lang naman ho Papa maayos ko na ang mga kailangan sa Villa, at hindi na ko na kailangan magtungo roon ng madalas," paliwanag naman niya sa ama. "Ayusin mo na lahat ng dapat mong ayusin sa San Miguel para makapag focus ka na sa posisyon mo sa ospital. Ikaw na lang ang natitirang pag asa ko para makakuha pa ng mas malaking share sa Saavedra Santillan Hospital," pangaral ng ama sa kanya. "I will, Papa," tanging sagot niya. At nagpaalam na rito. Masyadong mataas ang ambisyon ng Papa niya para makakuha pa ng mas mataas na share sa ospital kesa sa mga Saavedra. Kahit naman anong gawin niya ay hindi siya makakaupong CEO ng ospital, dahil si Gael ang nag-iisang CEO. Marangya pa rin naman ang buhay nila at nirerespeto sila sa bayan nila. Kasama sila sa pinakamayamang pamilya sa San Sebastian. Hindi nga lang kasing yaman ng mga Saavedra na halos pagmamay-ari na ng mga ito ang bayan ng San Sebastian. Nahiga siya sa kama at hinihagis ang cellphone. Pinikit niya ang mga maga at nagbuga ng hangin. Saka muling minulat ang mga mata at napatitig sa kisame. Kumunot ang noo niya nang tila ang maamong mukha ni Hannah ang nakikita niya. "Damn," mura niya. Pumasok na naman kasi sa isip niya ang napaka inosenteng pagkagat ni Hannah sa ibabang labi nito. Ilang beses ba niyang sinaway ang dalaga, hindi kasi maganda sa pakiramdam niya na makitang kinagat nito ang labi. Na a-attract siya in a se*ually way, which is wrong, dahil eighteen years old lang si Hannah. Kanina pa kasi gumugulo sa isip niya si Hannah, habang pauwi siya ng San Sebastian. Aaminin niyang may angking kagandahan ang dalaga. Hindi nga lang kasing ganda ng mga nakakasalamuha niya. Pero may dating ito at appeal. Isama na rin ang manipis nitong katawan na bumagay sa may kalakihang dibdib nito. Iyan kasi ang una niyang napagmasdan kanina sa dalaga. Kung mabibihisan ng maayos at maayusan si Hannah ay hindi na ito mahuhuli sa mga babaing pinagkakaguluhan sa siyudad. Hannah is simply beautiful, with appeal. Bilang lalake at sanay na sanay sa mga babae, masasabi niya malakas ang hatak ni Hannah sa mga lalake. Baka pihikan o di kaya takot sa Nanay kaya wala pa itong nobyo at nananatiling birhen pa. Good news ang bagay na iyon para sa mga plano niya sa dalaga. "Damn it," muli niyang mura. Pumasok kasi sa isip niya Nagulat siya nang tawagan siya ng abogado ng Lolo niya matapos ang ilang linggo pagka libing sa Lolo niya. Although may idea na siyang sa kanya ipapamana ng Lolo ang mga naiwan nitong ari-arian, dahil siya lang ang nag-iisang apo nitong lalake. Isama pang malapit siya sa Lolo. Kahit noon pa mang malakas ito ay naglalahan siya ng panahon para madalaw ito. Iyun nga lang hindi niya inaasahan na may kapalit ang pag iwan nito ng mga ari-arian sa kanya. Hindi niya habol ang pera ng Lolo niya. Kaya niyang higitan ang pinamamana nito sa kanya. Sadyang nanghihinayang lang siya sa Villa. Dahil alam niyang pinaghirapan iyon ng Lolo niya para maipatayo. Dugo at pawis ang puhunan nito. Kaya kahit papano nais pa rin niyang pangalaagaan ang Villa. Baka kasi mapunta lang sa mga taong walang ibang habol kundi pera. Kung kinakailangan pakasalan niya ng legal si Hannah Flores na anak ng tagapag alaga ng Lolo niya ay gagawin niya. Kilala niyang manipulated ang Lolo, pero hindi tulad ng Papa niya. May purpose ang Lolo niya kung bakit nais siya nitong ipakasal sa batang babae na anak ng tagapag alaga nito. Naisip niyang kung nais lang ng Lolo niya na matulungan ang mag ina. Di sana iniwanan na lang niya ang mga ito ng ilang milyon para masiguradong magiging maayos ang buhay ng mga ito. Hindi iyung pati siya na nanahimik sa San Sebastian ay bibigyan pa nito ng aalagaang bata. Pero baka nga may nakita ang matanda na espesyal kay Hannah, kaya nais ng Lolo niyang pakasalan niya ito. Pina track niya record ni Hannah sa San Miguel University kung saan ito nag aaral ng nursing. Maganda ang grades nito at consistent na nasa dean list. Pinagbubutihan marahil ng dalaga ang pag aaral nito, dahil pinaparal ito ng Lolo niya sa mamahaling unibersidad. Sa pagkakaalam niya ang San Miguel Univesity ang pinaka pribadong eskwelaan sa San Miguel. Ayaw marahil masira ni Hannah ang tiwala ng Lolo niya. Bukod sa mataas na grades ni Hannah. Napag alaman din niyang bahay, eskwela lang ang dalaga, bihira lang itong lumabas, katulad ng mga kaedad nito. Mature na ito mag isip kung ganoon. Hindi nito iniisip na mag enjoy at mag bulakbol lang. Napagalaman din niyang masipag si Hannah. Tumutulong daw ang dalaga sa mga gawain sa Villa. Wala siyang nakikitang rason para hindi pakasalan si Hannah. Wala siyang karelasyon, may mga babaing nakakasama siya, pero lahat naman ng mga iyon ay laro, laro lang. Gagawin niya ito para sa Villa. "Oh, Hannah," bulong niya sa magandang pangalan ng babae. Saka siya napangiti. Hindi siya malulugi sa isang tulad ni Hannah Flores, young, fresh, beautiful and of course virgin. Kung sakali siya ang unang lalake sa buhay ni Hannah. "Damn you, Dylan. Kailan mo pa pinagnasaan ang isang eighteen years old?" Iling ulong tanog niya sa sarili. Napapangiti pa siyang iniiling ang ulo sa malikot na iniisip. Nagulat pa siya ng tumunog ang cellphone niya Kunot noo niyang kinapa ang cellphone at wala sa mood na sinagot iyon sa pag aakalang ang Papa niya ang tumatawag. "Hello," inis na sabi niya sa kabilang linya. "Dr. Santillan it's Georgr the PI," sagot ng nasa kabilang linya. "Oh, George," sabi niya sabay bangon mula sa pagkakahiga. Si George ang kinuha niyang PI para malaman lahat ang tungkol kay Hannah at sa Nanay nito. Nais kasi niyang malaman baka nananamantala lang ang mag ina sa Lolo niya. Baka may kinalaman ang mga ito sa kasulatang iniwan ng Lolo niya. Napatunayan naman niyang walang alam ang mag ina sa iniwang abilin ng Lolo niya. Tanging abogad lang ng matanda ang nakakaalam ng kasulatan. "Any news?" He asked. "Actually, Dr. Santillan, yes," tugon nito. Hindi pa kasi niya pinahihinto ang pagpapasunod niya kay Hannah rito. Nais niyang ipasundan ang dalaga hangga't sa malaman na niya ang lahat ng nais niyang malaman tungkol sa dalaga. "What?!" Gulat na tanong niya sa sinabi ng PI. Napatayo pa siya at umigtig ang panga. "Fine, keep your eyes on her, I will be there in an hour," mariing sabi niya. At binaba na ang tawag. Hindi niya maintindihan ang panic na naramdaman ng sabihin ng PI na nagtungo si Hannah sa isang bar kasama ang kaibigan nito. Ito ang unang beses na magtungo ng bar si Hannah, at hindi niya nagustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD