Mahigit isang oras din ang biyahe pabalik ng San Sebastian. Ganoon pa man nais niyang bumalik roon at siya mismo ang mag uuwi kay Hannah sa Villa. Alam niyang hindi pa sinasagot ng dalaga ang alok ng niya, pero nais na niyang ipaalam sa dalaga kung ano ang mga dapat nitong gawin at hindi. Lalo na't isa siyang kilalang doktor. Sooner or later naman ay mapapayag din naman niya ito, walang duda roon.
Nagtungo siya sa bar na sinabi ng PI niya. Patuloy pa rin niyang pinababantayan si Hannah sa PI. Baka kasi magkalat pa ang dalaga.
Maraming bar sa bayan ng San Miguel, pero hindi niya alam kung anong klasing bar itong pinuntahan ni Hannah. Mukhang low budget at mga kabataang kulang sa baon lang ang nagtutungo sa ganitong bar.
"What kind of bar is this?" Bulong na tanong niya habang pinagmamasdan ang maliit na bar na may palabas na mga kabataang lasing, may mga papasok naman na mukhang kararating lang na gaoon rin ang tingin nita, mga pumuslit na estudyante sa mga magulang at walang sapat na pera.
"s**t, what am I doing here?" iling ulong bulong niya sa sarili.
Nagbuga pa siya ng hangin bago lumakad papasok sa loob ng maliit na bar. Nagsuot pa siya ng facemask para walang makakilala sa kanya. Mga kilalang bar lang pinagpasukan niya. At kung may makakilala sa kanya sa ganitong klasing lugar ay baka magtaka at pagtawanan pa siya.
"Kung bakit mo pa kasi naisipang magtungo rito, Dylan?" Tanong niya sa sarili nang makapasok na sa loob.
Maliit lang ang loob ng bar, halos nagsisiksikan nga mga kabataang naroon. Walang ka class, class ang loob ng bar, napaka plain ng loon, pero wild ang mga nasa loob. Mukha ngang walang expensive na alcohol ang sini-serve sa bar.
Mariing niyang pinikit ang mga mata. Paano niya mahahanap si Hannah sa magulong lugar na ito. Kung sana man lang sa isang luxury bar ito pumasok ay baka hindi pa siya naiinis ng ganito. Crowded at mukhang mga maniyakis pa lahat ng lalakeng naroon.
"Damn it, Hannah,' mahinang mura niya habang ginagala ang mga mata.
"Dr. Dylan," tawag sa kanya ng PI nang makalapit sa kinatatayuan niya.
"Where is she?" Kunot noong tanong niya sa PI matapos makipagkamay rito.
Tinuro naman ng PI kung saan nakapwestonai Hannah at ang kaibigan nitong si Jane. Wala pang kasama ang mga ito sa mesa, pero may alak ng nakalagay sa mesa ng mga ito.
"Ako ng bahala sa kanya. Salamat sa pagbabantay," pasalamat niya sa PI at mabilis na siyang lumakad palapit sa mesa nina Hannah at Jane.
Halata sa kilos ng dalawang babae na first time pumasok ng mga ito sa bar. Kaunti lang din ang bawas sa alak na nasa mesa ng mga ito. Ano ba kasing pumasok sa isip ng mga ito at nagtungo ang mga ito sa ganitong klaseng lugar.
"Hannah," maotoridad na tawag niya sa dalaga ng makalapit sa kinauupuan ng mga ito. Sabay pang nag angat ng ulo ang mga ito at napakunot ng noo habang nakatingin sa kanya. Naka facemask siya kaya marahil hindi siya nakilala ni Hannah. Kaya naman binaba muna niya ang facemask.
Nanlaki ang mga mata ni Hannah na napatitig sa kanya nang makilala siya. Ganoon rin ang kaibigan nito na napasinghap pa.
Suot pa rin naman ni Hannah ang bestida nito kanina nang ihatid niya ito sa mall, marahil biglang nagkayayahan ang mga ito na mag bar.
"Dr. Santillan," mahinang tawag sa kanya ni Hannah na gulat na gulat.
"Ako nga, Hannah," taas noong sagot niya.
"Siya si Dr. Dylan Santillan?" Gulat pang tanong ng kaibiga ni Hannah.
Walang dudang naikwento na siya ni Hannah sa kaibigan nito, halata naman sa gulat na mga mukha ng dalawa.
"What are you doing here?" Tanong niya kay Hannah.
"Ah.. Eh...," hindi ito makasagot ng maayos. Umiiwas din ito ng tingin sa kanya.
"Alam ba ng Nanay mo na narito ka sa bar?" Sunod na tanong niya.
"Hindi," mabilis na sagot nito. Nag angat pa ito ng ulo at sunud-sunod na iniling ang ulo.
"Eh.. Dr. Santillan, ako po ang nagyaya sa kanya rito," sabi ng kaibigan nito na halata na rin ang takot sa mukha.
"Jane, ako ang nagyaya sa iyo rito," bulong naman ni Hannah.
Napahugot siya ng malalim na paghinga at iniling ang ulo. Muli sinuot ang facemask at nilingon ang crowded na paligid.
"Much better kung umuwi na kayong dalawa. As you can see, crowded ang buong paligid. Isama pang mamaya lang lasing na lahat ng mga iyan. At baka kung ano pa ang mangyari sa inyo," litanya niya sa dalawang dalaga na nakatulala sa kanya.
"Ihahatid ko na kayo sa mga bahay niyo," patuloy pa niya.
"Talaga?" Excited na tanong ng kaibigan ni Hannah sabay hila pa nito sa bag.
Hindi naman nakaligtas sa kanya ang pagpigil ni Hannah sa kaibigan at pagbulong nito. Marahil ayaw nitong magpahatid sa kanya. But, still ipipilit niya ang gusto niya, hindi niya hahayaang umuwi ang dalawa. Lalo na si Hannah. Siya mismo ang maghahatid sa dalaga sa bahay nito, para masiguro na safe ito.
"Huwag na Dr. Santillan, kaya naman namin umuwi ni Jane," natatarantang tanggi ni Hannah sa kanya.
"Let's go ihahatid ko na kayo," sabi niya na hindi pinansin ang sinabi nito.
"Tara na, Hannah," bulong ni Jane kay Hannah na nais pa ring tumanggi.
Dahil na rin sa pamimilit ni Jane at pagtingin niya kay Hannah na puno ng babala. Pumayag na rin si Hannah na ihatid niya ang mga ito.
Pinasakaya niya sa passenger seat si Hannah at sa likod naman si Jane. Namamangha naman si Jane sa ganda ng sasakyan niya. Tahimik naman si Hannah na nakatingin sa labas ng bintana.
Una nilang inihatid si Jane sa isang maliit na apartment. Hindi na siya nagtanong pa, hindi naman siya interesado sa kaibigan ni Hannah. Nagpasalamat naman ito sa kanya na hindi pa maitago ang kilig.
"What are doing sa bar?" Seryosong tanong niya kay Hannah nang silang dalawa na lang sa sasakyan.
"Ah.. Eh.. Wala lang," kabadong sagot nito sa kanya.
"Alam ba ng Nanay mo?"
"Hindi. Please Dylan, huwag mo na lang sabihin kay Nanay," malungkot na pakiusap nito sa kanya.
"I will, kung sasabihin mo sa akin kung bakit kayo nagpunta sa bar ng kaibigan mo?" Tanong niya. Mabilis itong sinulyapan at muling binalik sa kalsada ang tingin.
"Gusto ko lang sanang maglibang."
"Why?"
"Sa totoo lang naguguluhan kasi ako sa mga sinabi mo. Humanap ako ng makakausap at...at... Nagyaya sa bar," paliwanag naman nito.
Natunugan niya ang honesty sa sinasabi ni Hannah. Dahil marahil bata pa ito, kaya napaka honest pa nito kung magsalita.
"Bakit hindi ako ang kinausap mo Hannah, kung naguguluhan ka," sabi naman niya.
"Kinakabahan ako, at natatakot pag kinakausap ka, Dylan," nakayukong tugon nito.
Hannah is honest and pure. So inoccent, and he loves it.
"Is that a bad news?" He asked.
"Hindi ko alam," nakayuko pa ring sagot nito.
"Just be yourself, Hannah. Kung sa tingin mo gusto mong magpakasal sa akin at maging asawa ako, gawin mo. Kung sa tingin mo naman hindi, bigyan mo ko ng mga dahilan kung bakit hindi," litanya niya.
Hindi naman kumibo ang dalaga sa sinabi niya. Wala siyang balak manamantala sa pagiging bata ni Hannah at inosente. But, still nais niya itong pumayag na magpakasal sa kanya, para makuha ang Villa. At pag nangyari na iyon, may plano naman na siya para kay Hannah at sa Nanay nito. Hindi niya pababayaan ang mag ina once na makuha na niya ang Villa.
"Dito na ko magpapalipas ng gabi," sabi niya kay Hannah nang makarating na sila sa Villa.
"Dylan," tawag nito sa kanya na nagpahinto sa kanya sa pagpasok sa loob ng bahay.
"What is it, Hannah?"
"Paano mo nalaman na nasa bar kame?" Hannah asked.
"Ayokong maglihim sa iyo, Hannah. May PI akong pinasusunod sa iyo."
"What?" Gulat na tanong nito.
"But, why?" Tanong pa rin nito.
"Easy, Hannah, because I want to know more about you. Gusto kong malaman kung anong klasing babae ang nais ipakasal sa akin ng Lolo ko," tugon niya.
Nakita niyang napayuko ito ng ulo at inayos ang bestida nito. Hindi naman iyon maiksi sakto namang umabot sa iyon sa tuhod.
"Iyon ang unang beses ko magpunta sa bar, Dylan," nakayukong sabi nito.
"And i hope it will be your last, Hannah," may warning sa tono niya. Tumango naman ang dalaga sa kanya.
Lihim siyang napangiti. Mukha kasing hindi siya mahihirapan na mapasunod sa kanya si Hannah. Mukhang magagawa kasi niya lahat ng gusto niya sa dalaga. Still, hindi niya ito dapat samantalahin.
"Hindi ba't umuwi ka na kanina ng San Sebastian?" Nagulat siya sa tinanong ni Hannah sa kanya. Hindi niya inaasahan ang tanong ng dalaga.
"Hindi pa, nasa area lang ako may inaasikaso," pagsisinungaling niya sa dalaga. Kahit papano ayaw niyang ipaalam rito na nagbiyahe pa siya mula San Sebastian pabalik ng San Miguel para kang pauwiin ito. Siya man kasi ay nagtataka sa behavior niyang iyon kanina. Kung bakit tila siya nag panic at nais mapauwi agad si Hannah.
"Magpahinga ka na Hannah, magkita na lang tayo bukas."
"Sige, goodnight, Dylan."
"Goodnight, Hannah."