Sinimulan niyang ikwento kay Hannah kung paano siya tila biglang nabaliw ng mga panahong nasa New York ito. Kung gaano niya pinagsisisihan ang pagpapa-alis sa asawa noon. Kung gaano katinding pagpipigil na huwag itong lapitan sa tuwing dumadalaw siya sa New York para silayan ang magandang asawa. Inamin niyang bago pa man umalis ang asawa ay nagkaroon na siya ng kakaibang damdamin para rito, kaya nagawa niyang huwag ng magpakita pa rito bago ito umalis ng bansa kasama ang nanay nito. Nais niyang umiwas dahil siya mismo ay hindi maipaliwanag kung ano ba ang tunay na nararamdaman niya para sa asawa. Sa paglipas ng mga araw, buwan ay hindi siya mapakali noon kaya naman sumunod siya sa New York rito. "To be honest, gusto kitang lapitan Hannah ng makita kita sa pinapasukan mong university, kas