Makalipas ang isang linggo nagbalik sila ng San Sebastian. Nag enjoy siya sa isang linggo pananatili nila ni Dylan sa San Miguel. Nagkaroon kasi sila ng time sa isat-isa at naamin nila ang kanilang tunay na damdamin. Pareho naman pala nilang mahal ang isat-isa. Sadyang nagsayang lang sila ng apat na taon. Baka iyon talaga ang nakatadhanang mangyari sa kanila, ang maghiwalay muna para ma realize nila na mahal nila ang isat-isa. Hindi pa niya naibabalita sa ina ang tungkol sa nais nilang pagpapakasal muli ni Dylan. Busy pa kasi siya sa walang tigil na pagpapaligaya nilang mag asawa. Panigurado namang uuwi ang nanay niya sa engrandeng kasalang magaganap sa pagitan nila ni Dylan. Gaya ng napag-usapan nial ni Dylan noong nasa San Miguel pa sila ipapasok siya ng asawa sa Saavedra Santillan Hos