Habang naglalakad sa malaking pasilyo ng ospital, sumusunod siya sa lalaking nagpakilalang tauhan ni Mr. Santillan. Nauuna ito sa paglalakad sa kanya kaya naman kinapa niya ang cellphone at mabilis na tinawagan ang asawa, para sabihin rito na papunta siya ngayon sa opising ng papa nito. "Na miss mo na yata ako agad?" Masiglang bungad sa kanya ng asawa sa kabilang linya. "Dylan, papunta ako sa opisina ng papa mo ngayon, pinatawag niya ko sa tauhan niya," pabulong na sabi niya sa asawa. "What?!" Bulalas nito. "Sige pupuntahan kita sa opisina ni papa," sabi nito bago nawala sa kabilang linya. Ilang minuto palang ang nakakalipas mula ng makatungtong siya ng ospital, naamoy na siya agad ni Mr. Santillan. Hindi pa man siya nakakapagsimula sa trabaho mukhang mapapatalsik na siya agad. "Di