Sinimulan niya ang pagpapaliwanag sa asawa, inamin niya ang totoo, na sa tuwing aalis siya ng ospital nakikipagkita si kay Izzy. Halos magwala ito nang marinig ang sinabi niya, pinagsusuntok pa siya nito sa dibdib sa galit, hinayaan naman niyang mailabas ng asawa ang galit nito sa kanya. Nang mapagod sa kakasuntok sa kanya, buong lakas siya nitong tinulak saka ito lumakad sa may kama at binagsak katawan paupo. "Nakakadiri ka! Anong habol mo sa kanya s*x?!" Sigaw nito. "What?! Of course not Hannah!" Mariing tanggi niya. Dahil kahit noong wala ang asawa sa bansa ay walang ano mang pisikal na namagitan sa kanila ni Izzy, hindi dahil hindi niya type ang babae, kundi dahil mahal niya ang asawa. "Hannah, listen to me first," kalmadong pakiusap niya sa asawa. Nang hindi na ito kumibo pa at t