"Saan ka ba kasi napupuntang bata ka, at hindi mo alam na may dinadamdam ang asawa mo at pinapasok mo pa sa trabaho!" Sita ng mama niya sa kanyan nang datnan ito sa silid ba kinaroroonan ni Hannah. Tumawag ang staff ng ospital sa kanya at sinabing nawalan ng malay si Hannah sa labas ng ospital. Nataranta naman siyang mabilis na bumalik ng ospital. At nadatnan ang walang malay pa ring asawa sa loob ng isang silid, naroon ang Papa at Mama niya, agad naman lumabas ng silid ang Papa niya nang makarating siya. Pero hindi siya makakaligtas sa Mama niya, paniguradong pagsasabihan siya nito. "Ma, I'm sorry, may inasikaso lang ho kasi ako," nahihiyang tugon niya at sinulyapan ang asawang wala pa ring malay. "Bantayan mong mabuti ang asawa mo, huwag kung saan, saan ka nagpupunta," mariing bilin