Kinabukasan inihanda niya ang sarili para makausap si Dr. Luigi, nais na niyang tanggapin ang dinner na inaalok nito sa kanya. Halos dalawang taon na siya nitong niyaya, maybe it's time na pagbigyan na niya ito. Wala namang masama kung sumubok siya ng bagong pag ibig, apat na taon na rin naman silang hiwalay ni Dylan, isa pa hindi naman talaga sila nagsama ni Dylan bilang mag asawa, dahil nga nag gamitan lang sila nito. Anong malay nga niya baka kung kani-kaninong babae nakipag relasyon si Dylan habang nasa malayo siya. Baka nga isa pa sa rason ng asawa ang malayang makatikim ng maraming babae, matapos makuha ang gusto ang Villa Santillan. Nakapagpaalam na siya sa nanay niya, at sumangayon naman ito na buksan na ang puso niya para sa iba, basta daw kaya na niya at wala na si Dylan sa pus