After 4 years "Hannah, sabay tayo mag lunch," tumatakbong anyaya sa kanya ni Dr. Luigi Fernandez. Isang doktor sa pinapasukan niyang ospital si Luigi sa New York. Intern palang siya sa ospital ay agad nang kinuha ng doktor ang cellphone number niya at address ng apartment na tinitirhan nila ng nanay niya. Hindi naman siya nag atubiling ibigay ang mga detalye tungkol sa kanya. Gwapo, mabait, gentleman at mahusay na doktor si Dr. Luigi. Pinoy ito pero sa New York na naka base, dekada na raw nang huling umuwi ito ng Pilipinas. May edad na si Luigi nasa 42 na ito, halos doble na ng edad niyang 22, pero dahil healthy living marahil ito, kaya fit na fit pa rin ang katawan nito. At pwede mong mapagkamalang nasa 30's palang ito. Nang makatrabaho siya sa ospital matapos niyang maka graudate ay a