"Wild party eh," agad na pansin niya nang makarating na sila ni Hannah sa bahay kung saan may nakakasiyahan. "Party nga," tuya ng asawa at mabilis itong bumaba ng sasakyan. "Hannah, sandali!" Pigil niya sa asawa. Hindi pa kasi siya nakakapag park ng maayos. "Hannah!" Nagtuloy na itong pumasok sa loob ng bakuran at iniwan siya sa sasakyan. "Damn it!" Mura niya. Sanay siya sa mga ganitong party noong kabataan niya, alam na alam niya ang mga eksena sa ganito. Always may babaing napagsasamantalaan dahil sa alak. Kaya nga si Julia hindi niya hinayaan na umattend ng ganitong party, dahil ayaw niyang mapahamak ang kapatid. Ilang beses pa siyang napamura dahil hindi siya makapag park ng maayos. Natataranta kasi siya nais na niyang masundan sa loob ang asawa. Baka kasi kung ano na ang nangy