Kinabukasan alam niyang maagang lalabas si Dylan para mag jogging sa loob ng Villa. Malawak din kasi ang Villa kaya mahaba-haba na rin ang pwedeng takbuhan nito. Pinaghandaan din niya ang araw na sasabayan niya ang asawa sa pagtakbo para lang akitin ito at pahirapan suot ang binili niyang sports wear. "Tignan ko lang kung hindi ka maglaway ulit," sabi pa niya habang pinagmamasdan ang suot na sports bra at maiksing short. Huwag lang sana siyang makita ng nanay niya, baka mapalo siya. "Wow naman ang bagong amo pa jogging, jogging na rin," panunuya sa kanya ni Rita habang pababa siya ng hagdan. Mula ng tumira siya sa malaking bahay, wala na siyang narinig na maganda kay Rita, puro panunuya lang ang naririnig niya rito. Hindi na lang niya ito pinapatulan, kahit papano naman naging mabait si