Pagdating ng weekend tinupad niya ang pangako kay Hannah na tutungo sila sa Villa, para doon muna magbakasyon ng ilang araw. Masyadong toxic ang buong linggo nila ng asawa sa ospital, nagsulputan ang mga taong magpahanggang ngayon ay hadlang pa rin sa pagsasama nila. Ganoon pa man isa-isa naman niyang nagawan ng paraan, si Dr. Luigi malapit na itong umalis ng bansan, at hindi na maitutuloy pa nito at ni Izzy ang ano mang masamang balak ng dalawa sa kanila ng asawa. Si Izzy mukhang namulat na rin ito sa katotohanan na wala na itong maasahan pa sa kanya, kahit kakampi pa nito ang Papa niya. "Ibang-iba talaga ang simoy ng hangin sa bayan ng San Miguel," sabi ni Hannah habang hawak kanay silang naglalakad-lakad sa loob ng Villa. "Tama ka, iba ang pakiramdam ko tuwing andiro ako sa Villa at