"Kahit sinong babae Dylan magseselos kung ang asawa mo maghapong kasama ng ibang babae, at pagkatapos madadatnan mo pang naghahalikan!" Sabi ni Hannah sa galit na tinig na halos magwala na. "Hannah, hindi kami naghahalikan ni Izzy, ang nadatnan mo kanina ay iba ang kahulugan, kesa sa iniisip mo," tugon niya. Nakapag usap na sila ni Izzy at pinaliwanag na niyang mabuti sa babae na wala na talaga itong aasahan pa sa kanya. May asawa na siya at nagsisimula ng bumuo ng pamilya. Sa ilang araw na pagaasikaso niya kay Izzy, nakausap niya ito ng maayos para maipaliwanag rito ang sitwasyon nila, lalo na't sinabi sa kanya ni Izzy na siya nga ang dahilan kung bakit nito nagawang saktan ang sarili. Nais daw kasi ng babae na makuha ang atensyon niya, at sirain ang pagsasama nila ni Hannah, para daw m