Makalipas ang limang araw nakaalis na ang nanay niya pabalik ng New York, papasyal na lang daw ito ulit ng pilipinas pag nakaipon ito. Nalulungkot siya dahil mapapalayo na talaga siya sa ina, may asawa na kasi siya kaya dapat lang na masanay na siyang hindi kasama ang ina. Naging busy naman silang mag asawa sa kanilang kanya-kanyang trabaho sa ospital, minsan nga hindi na sila nagsasabay ng asawa sa pagkain ng lunch, dahil kung wala itong meeting may pasyente naman ito. Sumasabay naman siya sa mga katrabaho kumain, ok naman at nag e-enjoy siya dahil nakakabonding niya ang mga ito, nawawala na rin ang pagkailang ng iba sa kanya, dahil asawa siya ni Dr. Santillan. "I'm sorry, sweetheart may biglaang meeting na naman ako, kumain ka na muna kasama ang mg katrabaho mo," sabi sa kanya ni Dylan