"Are you ok?" Tanong sa kanya ni Hannah habang nag di-dinner sa bahay, pagkatapos ng trabaho nila agad na siyang nagyayang umuwi, dati-rati ay namamasyal pa sila ng asawa kung saan, ngayon umuwi na lang sila agad. Sa dami ng mga tumutol sa pagsasama nila ni Hannah, kailangan niyang maging maingat, lalo na ngayon na tila nais pagtulungan nina Luigi at Izzy ang pagsira sa relasyon nilang mag asawa. Kanina nagtungo ng opisina niya si Izzy para lang sabihin sa kamya na kung gaano kababa anh estado sa buhay ni Hannah, at nalaman nito lahat iyon dahil kay Luigi, at ginagamit ng dalawa ang dating katayuan sa buhay ni Hannah para ipahiya ang asawa niya pati na rin siya. Bagay na hindi niya hahayaang mangyari, hindi rin niya alam kung ano ang kayang gawin ng dalawa na alam niyang ego ang nasagi ni